Mga Hanbuk at Calling
25. Gawain sa Templo at Family History sa Ward at Stake


“25. Gawain sa Templo at Family History sa Ward at Stake,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk (2023).

“25. Gawain sa Templo at Family History sa Ward at Stake,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk

templo

25.

Gawain sa Templo at Family History sa Ward at Stake

25.0

Pambungad

Ang gawain sa templo at family history ay ang paraan para mabuklod ang mga pamilya sa walang-hanggan (tingnan sa Mateo 16:19). Kabilang sa gawaing ito ang:

Ang karagdagang impormasyon ay makukuha sa “Mga Templo” at “Family History” (Mga Paksa ng Ebanghelyo, topics.ChurchofJesusChrist.org).

25.1

Pakikibahagi ng mga Lider at Miyembro sa Gawain sa Templo at Family History

Ang mga miyembro ng Simbahan ay may pribilehiyo at responsibilidad na tumulong sa pagbubuklod ng kanilang mga pamilya sa walang-hanggan. Inihahanda nila ang kanilang mga sarili na gumawa ng mga tipan kapag tinanggap nila ang mga ordenansa sa templo, at sinisikap nilang tuparin ang mga tipang iyon.

Hinihikayat ang mga miyembro ng Simbahan na kilalanin ang kanilang mga yumaong kamag-anak na hindi pa nakatanggap ng mga ordenansa sa templo. Pagkatapos ay isinasagawa ng mga miyembro ang mga ordenansa para sa mga kamag-anak na iyon (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 128:18). Sa daigdig ng mga Espiritu, maaaring piliin ng mga indibiduwal na tanggapin o tanggihan ang mga ordenansang isinagawa para sa kanila.

25.1.1

Indibiduwal na Responsibilidad sa Pagdalo sa Templo

Ang mga miyembro ang magpapasiya para sa kanilang sarili kung kailan at kung gaano kadalas sila sasamba sa templo. Ang mga lider ay hindi nagtatatag ng mga quota o sistema ng pag-uulat para sa pagdalo sa templo.

25.2

Pag-oorganisa ng Gawain sa Templo at Family History sa Ward

25.2.1

Bishopric

Nakikipagtulungan ang bishopric sa elders quorum presidency at Relief Society presidency na pamunuan ang gawain sa templo at family history sa ward. Regular na nagsasanggunian ang mga lider na ito.

Ang bishopric ay may sumusunod ding mga responsibilidad sa gawain sa templo at family history sa ward:

  • Tiyaking regular na itinuturo sa simbahan ang doktrina at mga pagpapala ng gawain sa templo at family history.

  • Tiyakin na ang gawain sa templo at family history ay tinatalakay at binibigyang-pansin sa mga ward council meeting at ward youth council meeting.

  • Pamahalaan ang pag-organisa ng mga temple preparation course (tingnan sa 25.2.8).

  • Magbigay ng mga temple recommend (tingnan sa kabanata 26).

25.2.2

Elders Quorum Presidency at Relief Society Presidency

Ang elders quorum presidency at Relief Society presidency ang namumuno sa pang-araw-araw na mga gawain sa templo at family history sa ward (tingnan sa 8.2.4 at 9.2.4). Sila ay nagtutulungan na pamunuan ang mga pagsisikap na ito kasama ang ward council, sa pakikipagtulungan sa bishop.

Ang mga lider na ito ay may sumusunod na mga responsibilidad:

  • Tulungan ang mga miyembro na maghandang tumanggap ng mga ordenansa sa templo at gumawa ng mga tipan sa templo.

  • Hikayatin ang mga miyembro na sumamba sa templo nang madalas hangga’t maaari.

  • Hikayatin ang mga miyembro na alamin ang tungkol sa kanilang mga ninuno at isagawa ang mga ordenansa sa templo para sa kanila.

  • Pamunuan ang gawain ng ward temple and family history leader. Kung walang tinawag na ward temple and family history leader, isang miyembro ng elders quorum presidency ang gaganap sa tungkuling ito (tingnan sa 25.2.3).

Inaatasan ng elders quorum president at Relief Society president ang isa sa kanilang mga counselor na tumulong na pamunuan ang gawain sa templo at family history sa ward. Nagtutulungan ang dalawang miyembrong ito ng presidency. Dumadalo sila sa mga ward temple and family history coordination meeting (tingnan sa 25.2.7).

25.2.3

Ward Temple and Family History Leader

Sumasangguni ang bishopric sa stake president para matukoy kung tatawag sila o hindi ng ward temple and family history leader. Ang taong ito ay dapat mayhawak ng Melchizedek Priesthood.

Sinusuportahan ng ward temple and family history leader ang elders quorum presidency at Relief Society presidency sa kanilang mga responsibilidad sa gawain sa templo at family history. Responsibilidad din niya ang mga sumusunod:

  • Pamunuan ang mga ward temple and family history coordination meeting (tingnan sa 25.2.7).

  • Turuan ang mga ward temple and family history consultant. Tulungan silang iorganisa ang kanilang mga pagsisikap sa gawain sa templo at family history.

  • Makipagtulungan sa ward mission leader at mga missionary para tulungan ang mga nag-aaral ng ebanghelyo, mga bagong miyembro, at mga nagbabalik na miyembro na makibahagi sa gawain sa templo at family history.

25.2.4

Mga Ward Temple and Family History Consultant

Ang mga ward temple and family history consultant ay naglilingkod sa ilalim ng pamamahala ng ward temple and family history leader o ng miyembro ng elders quorum presidency na gumaganap sa tungkuling ito. Ang bishopric ang tumatawag sa mga miyembrong ito na maglingkod. Maaaring tawaging maglingkod ang mga adult at mga kabataan.

Ang mga consultant ay may sumusunod na mga responsibilidad:

  • Tulungan ang mga miyembro na maranasan ang mga pagpapala ng pagtuklas sa kanilang mga ninuno at pagsasagawa ng mga ordenansa sa templo para sa kanila.

  • Tulungan ang mga miyembro na maghandang tumanggap ng mga ordenansa sa templo at gumawa ng mga tipan sa templo.

  • Makibahagi sa mga temple and family history coordination meeting (tingnan sa 25.2.7).

25.2.7

Mga Ward Temple and Family History Coordination Meeting

Regular na nagdaraos ng mga maiikli at di-pormal na ward temple and family history coordination meeting. Kung may tinawag na ward temple and family history leader, siya ang nangangasiwa sa mga miting na ito. Kung walang tinawag na ward temple and family history leader, ang miyembro ng elders quorum presidency na gumaganap sa tungkuling ito ang siyang mangangasiwa sa miting.

Kabilang sa iba pang inaanyayahang dumalo ang:

  • Mga inatasang miyembro ng Relief Society presidency at elders quorum presidency.

  • Isang assistant sa priests quorum.

  • Isang miyembro ng presidency ng pinakamatandang Young Women class.

  • Mga temple and family history consultant.

Ang layunin ng mga miting na ito ay para:

  • Planuhin kung paano tutulungan ang partikular na mga miyembro sa kanilang gawain sa templo at family history, kung humingi sila ng tulong.

Ang mga miting na ito ay maaaring idaos nang personal o online. Ang pakikipag-ugnayan ay maaari ding gawin sa iba pang paraan, tulad ng pagtawag sa telepono, text, at email.

25.2.8

Temple Preparation Course

Sa ilalim ng pamamahala ng bishop, maaaring mag-organisa ng isang temple preparation course para tulungan ang mga miyembro na maghandang gumawa at tumupad ng mga tipan kapag tinanggap nila ang mga ordenansa sa templo. Ang mga kursong ito ay idinaraos sa labas ng regular na mga miting sa araw ng Linggo sa oras na pwede ang mga miyembro. Maaaring idaos ang mga ito sa meetinghouse o sa isang tahanan.

Ang mga aralin at mga tagubilin sa pag-oorganisa ng kursong ito ay matatagpuan sa Pinagkalooban Mula sa Kaitaasan: Seminar sa Paghahanda sa Pagpasok sa Templo Manwal ng Guro. Ang mga kalahok ay binibigyan ng mga kopya ng Paghahanda sa Pagpasok sa Banal na Templo. Para sa mga sanggunian sa personal na pag-aaral at aralin sa klase, tingnan sa temples.ChurchofJesusChrist.org.

25.4

Family History Resources

25.4.1

Ang Aking Pamilya: Mga Kuwentong Nagbibigkis sa Atin

Ang buklet na Ang Aking Pamilya: Mga Kuwentong Nagbibigkis sa Atin ay tumutulong sa mga tao na tuklasin ang kanilang mga kamag-anak at ninuno at tipunin ang mga kuwento ng mga ito. Ito ay makatutulong din sa mga miyembro na magsimulang maghanda ng mga pangalan ng mga kapamilya para sa mga ordenansa sa templo.

Ang buklet ay maaaring i-download sa ChurchofJesusChrist.org. Maaaring umorder ng mga nakalimbag na kopya sa store.ChurchofJesusChrist.org.

25.4.2

FamilySearch.org at mga App ng FamilySearch

FamilySearch.org ang website ng Simbahan para sa gawain sa templo at family history. Matutulungan nito ang mga user na:

  • Bumuo ng mga koneksyon at ugnayan sa family tree.

  • Tuklasin ang kanilang mga ninuno at mga kwento ng mga ito.

  • Magbahagi at mag-ingat ng mga kwento, retrato, at kasaysayan ng pamilya.

  • Maghanda ng mga pangalan ng mga kapamilya para sa mga ordenansa sa templo.

Ang FamilySearch Tree app at FamilySearch Memories app ay tumutulong sa mga tao na makibahagi sa gawain sa templo at family history gamit ang mga mobile device.

25.5

Pagrekomenda at Pagtawag ng mga Temple Worker

25.5.1

Pagrekomenda ng mga Temple Worker

Ang mga posibleng maglingkod bilang mga temple worker ay tinutukoy sa sumusunod na paraan:

  • Mga miyembrong tinukoy ng bishop o ng isa pang lider ng ward

  • Mga miyembrong lumapit sa bishop at nagsabing nais nilang maglingkod

  • Mga miyembrong nirekomenda ng temple president, matron, o isa pang lider sa templo

  • Mga miyembrong naghahandang magmisyon o katatapos lang magmisyon (tingnan sa kabanata 24)

Ang mga pangalan ng mga posibleng maging temple worker ay isinusumite gamit ang Recommend Temple Worker tool. Ang tool na ito ay magagamit ng mga bishop, stake president, at temple presidency.