Pornograpiya
Paano ko matutulungan ang aking anak na magsisi at harapin ang mga kabiguan?


“Paano ko matutulungan ang aking anak na magsisi at harapin ang mga kabiguan?” Tulong para sa mga Magulang (2021)

“Paano ko matutulungan ang aking anak na magsisi at harapin ang mga kabiguan?” Tulong para sa mga Magulang

taong nakaupo sa bato

Paano ko matutulungan ang aking anak na magsisi at harapin ang mga kabiguan?

Habang lumalaki at nagkakaisip ang inyong anak, malamang na makaranas siya ng mga kabiguan dahil sa pornograpiya. Matuturuan ninyo ang inyong anak na pagsisihan ang mga pagkakamali, gumawa ng pagsasauli kung kailangan, at humingi ng tawad. Bilang magulang, maaari kayong magpasiya kung at kailan ninyo gustong sumangguni sa bishop, Young Women president, o sa isa pang pinagkakatiwalaang awtoridad ng Simbahan. Tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 32.8.2: “Ang personal na pagpapayo at di-pormal na mga restriksyon sa pagiging miyembro ay karaniwang sapat na para matulungan ang isang tao na magsisi sa paggamit ng pornograpiya.”

Ang pangmatagalang pagbabago ay kadalasang dumarating sa pamamagitan ng pagtutuon sa mga paunti-unting pagbabago sa halip na sa agarang mga resulta. Habang sinisikap ninyong ituring ang inyong anak na walang-hanggang nilalang na may walang-hanggang kahalagahan, matutulungan ninyo siyang lumago at umunlad. Matutulungan ninyo ang inyong anak na makita ang kahalagahan ng pagsisikap na ginagawa niya sa halip na panghinaan-ng-loob na dulot ng mga kabiguan na darating sa paglalakbay.

Karagdagang mga Ideya

Hikayatin ang inyong anak na magsulat sa journal at isulat ang kanyang mga iniisip, nadarama, at inaasam para sa hinaharap.

Sikaping suportahan ang inyong anak sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay. Sa halip na magtuon lamang sa pagdaig sa pornograpiya, talakayin kung paano ninyo matutulungan ang inyong anak na magkaroon ng mga karagdagang katangian at kasanayan. Para sa mga Karagdagang Ideya, basahin ang “Cheering Your Children On [Hikayatin ang Inyong mga Anak na Patuloy na Magpakahusay]”1 at “Giving Kids a Growth Mindset [Hikayatin ang mga Bata na Paunlarin ang Sarili].”2

Kasama ang inyong anak o bilang pamilya, basahin ang kuwento ng Nakababatang Alma sa Mosias 27 at Alma 36. Hilingin sa isang kapamilya na gumuhit ng linya sa gitna ng isang papel. Sa isang panig ng papel, maaaring ilista ng inyong pamilya kung ano ang itinuturo ng kuwentong ito kung paano magsisi. Sa kabilang panig ng papel, maaaring ilista ng inyong pamilya ang itinuturo ng kuwentong ito tungkol sa mga pagpapala ng pagsisisi. Para sa karagdagang mga ideya, tingnan ang “Paano Ko Masusuportahan ang Aking Anak sa Proseso ng Kanyang Pagsisisi?