Pornograpiya
Buod para sa mga Magulang


“Buod para sa mga Magulang,” Tulong para sa mga Magulang (2021)

“Buod para sa mga Magulang,” Tulong para sa mga Magulang

pamilya na nasa dalampasigan

Buod para sa mga Magulang

Maraming magulang ang hindi sigurado kung paano tuturuan ang kanilang mga anak tungkol sa pornograpiya. Ang iba ay nag-aalala kung paano tutulungan ang mga anak na nahihirapang paglabanan ang paggamit ng pornograpiya. Matuturuan at matutulungan ninyo ang inyong mga anak sa pamamagitan ng pagkausap sa kanila tungkol sa magandang pananaw sa seksuwalidad, pagtuturo sa kanila kung paano mas mapoprotektahan ang kanilang sarili laban sa pagkalantad sa pornograpiya, at pagtulong sa kanila na matutuhan kung paano tutugon nang angkop kapag nakakita sila ng pornograpiya.

Kung natuklasan ninyo na nasangkot ang inyong anak sa pornograpiya, mahalagang tumugon nang may pagmamahal. Itinuro ni Sister Joy D. Jones, “Kung magkakaroon tayo ng anumang pag-asa na maalis ang [pornograpiya] sa mundo, ang pagmamahal ay dapat maging kapwa motibasyon at pundasyon ng lahat ng ating pagsisikap.”1 Maaaring mabigla, masaktan, magalit, o mabigo kayo, ngunit ang pagtugon nang negatibo ay lalong makadaragdag sa kahihiyan at pagkalitong nadarama ng inyong anak. Maaari ding magpadama ito sa inyong anak na hindi niya kayo maaaring sabihan ng mga nararanasan, nararamdaman, at ikinababalisa niya.