Pornograpiya
Paano ako dapat tumugon kapag natuklasan ko na nakakita ng pornograpiya ang aking anak?


“Paano ako dapat tumugon kapag natuklasan ko na nakakita ng pornograpiya ang aking anak?” Tulong para sa mga Magulang (2021)

“Paano ako dapat tumugon kapag natuklasan ko na nakakita ng pornograpiya ang aking anak?” Tulong para sa mga Magulang

mag-inang nag-uusap

Paano ako dapat tumugon kapag natuklasan ko na nakakita ng pornograpiya ang aking anak?

Kung natuklasan ninyo na nakakita ng pornograpiya ang inyong anak, dapat ninyong tularan ang halimbawa ng pagiging magulang ng Ama sa Langit. May mga bata na hindi nagsasabi sa kanilang mga magulang na nakakita sila ng pornograpiya, samantalang ang iba ay gustong magsabi tungkol dito. Kung nadarama ng mga bata na ligtas at suportado sila, mas malamang na ibahagi nila ang kanilang mga nadarama at karanasan.

Kadalasan kapag nanonood ng pornograpiya ang mga bata, ginagawa nila ito para matugunan ang ilang pangangailangan. Ang mga pangangailangang ito ay kakaiba at partikular para sa bawat bata ngunit maaaring kapalooban ng pag-uusisa o hangaring ilihis ang pansin mula sa pagkabalisa at depresyon. Kapag hinangad ninyong maunawaan ang mga pangangailangan ng inyong anak, matutulungan ninyo siyang makahanap ng mga solusyon at matugunan ang mga pangangailangang iyon sa mabubuting paraan. Maaaring magandang pagkakataon din ito para mapagtibay ang mga turo tungkol sa nagagawa ng may magandang pananaw sa seksuwalidad at kung paano inilalarawan ng pornograpiya ang maling impormasyon tungkol sa seksuwal na mga relasyon. Ang ganitong mga uri ng pag-uusap ay maaaring mangailangan ng mga bagong kasanayan bilang magulang, tulad ng pagtatanong sa ibang paraan at pag-uukol ng oras na makinig. Maaari din ninyong gamitin ang mga sitwasyong nararanasan ninyo sa araw-araw na buhay sa pagtalakay sa magandang pananaw sa seksuwalidad. Makatutulong na talakayin ang mga paksang ito sa kapaligiran na ang madarama ay kahinahunan at pagmamahal sa halip na pamimilit o pagtatalo.

Karagdagang mga Ideya

Isipin ang sarili ninyong saloobin tungkol sa seksuwalidad at pornograpiya. Paano ninyo malulutas ang anumang alalahanin ninyo tungkol sa pagtalakay sa mga paksang ito bago kausapin ang inyong mga anak?

Hangaring maunawaan ang pagkakaiba ng kahihiyan at pagkabagabag at kung paano matutukoy at maipaliliwanag ang pagkakaibang iyan (tingnan sa“Hindi Kasalanan ang Maging Mahina1 at sa “How Do I Help My Child Understand the Difference between Shame and Guilt?”).

Tukuyin ang mga huwaran ng tapat at magandang pag-usap na maaaring linangin sa inyong pamilya. Halimbawa, maaari ba kayong makipag-usap nang nakatingin sa kausap ninyo, magtanong ng mga inspiradong tanong, o mas makinig nang may pagbubulay-bulay muna kaysa magbigay kaagad ng reaksyon? Paano ninyo mapagbubuti ang pakikipag-usap sa inyong anak? (Tingnan sa “Communicating with Love.”)2

Mga Sanggunian o Resources mula sa Simbahan at sa Komunidad

Ang ilan sa resources na nakalista sa ibaba ay hindi ginawa, pinananatili, o kontrolado ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Bagaman ang mga materyal na ito ay ginawa bilang mga karagdagang resources, hindi iniendorso ng Simbahan ang anumang nilalaman na hindi akma sa mga doktrina at mga turo nito.