Bishopric
Mga Alituntunin at Gabay sa Pagpaplano para sa Meetinghouse


Mga Alituntunin at Gabay sa Pagpaplano para sa Meetinghouse

“Ang Simbahan ay nagtatayo ng mga meetinghouse upang ang lahat ng pumapasok dito ay maaaring:

Magkakaiba ang anyo ng mga meetinghouse depende sa mga lokal na kalagayan at pangangailangan” (Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 35.1).

“Upang mapalakas ang Simbahan, ang mga area ay naghahanda ng mga pangmatagalang master plan bago gumawa ng mga desisyon na magdagdag o mag-redeploy ng espasyo ng meetinghouse” (Mga Alituntunin at Gabay sa Pagpapatayo ng mga Meetinghouse [2021], ChurchofJesusChrist.org). Ang sumusunod na mga alituntunin at gabay ay tutulong sa mga area staff sa kanilang pagsuporta sa mga priesthood leader sa area at stake sa pagsasakatuparan ng layuning ito.

Mga Alituntunin

Pagpapalakas ng mga Unit

Ang pagpapalakas ng Simbahan sa pamamagitan ng pagbago sa laki ng unit at mga hangganan ay responsibilidad ng mga priesthood leader sa pamumuno ng Area Presidency. Ang mga pagbabago sa mga hangganan ng unit ay maaari ding magpabuti sa paggamit ng mga meetinghouse.

Paggamit

“Bago magtayo ng karagdagang espasyo para sa meetinghouse, tinitiyak ng mga lider na ang magagamit na mga meetinghouse na mapupuntahan sa loob ng makatwirang oras ng paglalakbay ay nagagamit sa kapasidad ng mga ito.” (Mga Alituntunin at Gabay sa Pagpapatayo ng mga Meetinghouse). Ang kapasidad ng meetinghouse ay kinabibilangan ng bilang ng mga miyembro (attendance capacity) at ng bilang ng mga unit (unit capacity) na magkakasya sa meetinghouse. Sa mga lugar na pabagu-bago ang bilang ng mga miyembro, maaaring isaalang-alang ang pag-redeploy (pagbebenta o pagbabago ng paggamit) ng mga meetinghouse at mga ari-arian na hindi lubusang nagagamit.

Angkop na Pagtataya

Ang pagtataya ng paglago ng bilang ng mga miyembro at attendance ay napakahalaga sa pagbuo ng isang epektibo at angkop na meetinghouse master plan. Ang pagtataya ng bilang ng mga miyembro at attendance ay dapat kalkulahin gamit ang inaprubahang pamamaraan.

Mainam na Lokasyon

Ang anumang pasilidad para sa mga pagpupulong ay dapat nasa lugar kung saan pinakaepektibong mapaglilingkuran ang pinakamalaking bilang ng mga miyembro, nang hindi isinasaalang-alang ang mga hangganan ng stake. Ang pag-unawa sa mga kalakaran ng paglago at pandarayuhan, at magagamit na transportasyon ay kailangan upang makapili ng pinakamainam na lokasyon para sa mga meetinghouse.

Kayang Bayaran

“Ang mga lider ng area at mga lokal na lider ay naghahanap ng mga abot-kaya at pangmatagalang solusyon para sa mga pangangailangan sa meetinghouse” (Mga Alituntunin at Gabay sa Pagpapatayo ng mga Meetinghouse).

Dapat isaalang-alang ng mga area ang lahat ng posibleng opsiyon na tugma sa mga lokal na kalagayan. Maaaring kabilang sa mga angkop na solusyon ang bahay ng isang miyembro; isang lokal na paaralan o community center; isang inuupahang pasilidad; isang lugar na itinayo, binili, o inayos ng Simbahan; o iba pang opsiyon.

Mga Gabay

Dapat isaalang-alang ng mga lider ng priesthood ang sumusunod kapag nagpapasiya kung gaano karaming ward ang gagamit sa isang meetinghouse:

  • Ang mga iskedyul ng mga miting sa araw ng Linggo ay magsisimula sa makatwirang oras at magtatapos sa kalagitnaan ng hapon upang magkaroon ng oras ang lahat ng pamilya na mapag-aralan ang ebanghelyo sa tahanan.

  • Tama lamang ang tagal ng paglalakbay ng mga miyembro papunta sa meetinghouse mula sa kanilang tahanan.

  • Ang mga pagbabago sa meetinghouse, kung kailangan man, ay maliit lamang at mababa ang halaga.

Ang mga area ay ginagamit ang mga alituntunin sa pagpaplano para sa meetinghouse at naghahanda ng mga panglimang-taon na master plan bago gumawa ng mga desisyon na magdagdag o mag-redeploy ng meetinghouse.

Multistake o Coordinating Council Master Planning

Ang mga master plan ay maaaring likhain sa multistake level o coordinating council level kapag:

  • Mayroong mga pagkakataon na ang ilang stake ay parehong gagamit ng kasalukuyang mga pasilidad o mga iminumungkahing pasilidad.

  • Ang mga boundary realignment ay maaaring makaapekto sa ilang stake.

  • Ang inaasahang paglago at paggamit ay nagpapahiwatig ng pangangailangan para sa bagong espasyo.

  • Ang pagbabago ng bilang ng mga miyembro ay lumikha ng labis na espasyo na maaaring i-redeploy.

Ang mga area planning manager ay nakikipagtulungan sa mga Area Seventy at kaugnay na mga stake president upang maghanda ng mga rekomendasyon para sa pag-apruba ng Area Presidency.

Pagpaplano sa Stake Level

Kapag isinasaalang-alang ang pangangailangan sa pagdaragdag o pag-redeploy ng espasyo ng meetinghouse na hindi kasama sa isang multistake o coordinating council master plan, ang area planning manager ay nakikipagtulungan sa kaugnay na stake president upang maghanda ng mga rekomendasyon para sa pag-apruba ng Area Presidency.

Pag-apruba at Pagpopondo ng Proyekto

Ang mga bagong espasyo o redeployment project na natukoy sa proseso ng pagpaplano ay maaaring isumite bilang bahagi ng taunang plano o sa pamamagitan ng karagdagang proseso ng pag-apruba.

Mga Papel at Responsibilidad

Area Presidency

Ang Area Presidency ay nagbibigay ng patnubay para sa mga estratehiya, desisyon, at ninanais na resulta ng pagpaplano para sa meetinghouse. Tinutukoy ng Area Presidency ang partikular na mga alalahanin, tinuturuan nila ang mga Area Seventy tungkol sa doktrina at mga alituntunin, at inaaprubahan nila ang mga prayoridad at huling rekomendasyon sa master planning.

Mga Area Seventy at mga Lokal na Priesthood Leader

Itinuturo ng Area Seventy sa mga stake at mission president ang doktrina at mga alituntunin at nakikipagsanggunian din sila sa mga area staff. Nirerebyu ng mga Area Seventy, stake president, at mission president ang mga meetinghouse master plan at nagbibigay sila ng feedback tungkol dito. Isinusumite nila sa Area Presidency ang anumang pagbabago sa mga hangganan ng mga unit.

Director for Temporal Affairs (DTA) at Area Staff

Ang Director for Temporal Affairs (DTA) at ang mga area staff ay nagbibigay sa mga ecclesiastical leader ng tumpak na mga datos, report, pagsusuri, at rekomendasyon. Ayon sa tagubilin ng Area Presidency at sa Area Meetinghouse Program, ang area planning manager ay naghahanda ng panglimang-taon na master plan, na kinabibilangan ng mga impormasyon mula sa coordinating council, multistake, at stake-level planning. Ang planning manager ay nakikipagtulungan sa mga priesthood leader upang gumawa ng mga desisyon ayon sa makukuhang impormasyon at tinatapos ang mga rekomendasyon.

Paalala: Ang katagang stake presidency ay tumutukoy rin sa district presidency.