Mga Alituntunin at Gabay sa Pagpapatayo ng mga Meetinghouse
“Ang Simbahan ay nagtatayo ng mga meetinghouse upang ang lahat ng pumapasok dito ay maaaring:
-
Gumawa at magpanibago ng mga tipan sa pamamagitan ng mga sagradong ordenansa (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 20:75; 59:9–12).
-
Magtipun-tipon (tingnan sa 3 Nephi 18:22–23).
-
Magkakasamang sumamba at manalangin (tingnan sa Mosias 18:25; Moroni 6:9).
-
Magturo at magminister sa isa’t isa (tingnan sa Moroni 6:4–5).
-
Makibahagi sa iba pang mga inaprubahang paggamit na inilarawan sa [kabanata 35 ng Pangkalahatang Hanbuk].
Maaaring magkakaiba ang anyo ng mga meetinghouse depende sa mga lokal na kalagayan at pangangailangan” (Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 35.1). Ang sumusunod na mga alituntunin at gabay ay tutulong sa mga lider ng area at stake na isakatuparan ang layuning ito ayon sa mga pangangailangan ng mga miyembro sa kanilang area.
Paalala: Sa bahaging ito, ang katagang mga stake presidency ay tumutukoy din sa mga district presidency.
Mga Alituntunin
Pagkakapare-pareho at Pag-aangkop
Ang mga miyembro ng Simbahan ay nakatira sa iba’t ibang kalagayang pulitikal, panlipunan, at pang-ekonomiya. Magkakaiba rin ang laki at dami ng mga taong maaaring maglingkod sa mga ward at branch. Ang mga ito at iba pang mga kalagayan ay maaaring maging dahilan para gumawa ng mga lokal na pag-aangkop kapag nagtatayo ng angkop na mga meetinghouse.
Lahat ng mga meetinghouse ay dapat mayroong mga kailangang katangian na sumusuporta sa pagsamba at mga programa ng Simbahan. Kabilang dito ang espasyo para sa mga pangkalahatang pagtitipon, pagtuturo, at aktibidad. Ang iba pang angkop na mga katangian ay maaaring idagdag ayon sa pagpapasiya ng Area Presidency. Ang mga lider ng area ay gumagamit ng matalinong paghatol kapag inaangkop ang inaprubahan na mga disenyo ng meetinghouse sa mga lokal na pangangailangan at kalagayan.
Ang mga pasilidad para sa mga pagpupulong ay maaaring bahay ng isang miyembro, isang lokal na paaralan o community center, inuupahang lugar, lugar na ipinatayo o binili ng Simbahan, o iba pang mga opsiyon ayon sa lokal na mga kalagayan. Ang bawat isa sa mga ito ay maituturing na angkop at pangmatagalang solusyon. Ang paggamit ng teknolohiya, tulad ng audiovisual equipment, ay maaaring makatulong sa gayong pag-aangkop.
Pagdagdag ng Espasyo
Kung posible, ang mga lider ng area at mga lokal na lider ay nagsisikap na lubos na magamit ang mga meetinghouse at maging maingat sa pagrerekomenda ng karagdagang espasyo. Maaaring magdagdag ng espasyo kapag ang attendance ay lumampas na sa kapasidad ng mga kasalukuyang pasilidad.
Kayang Bayaran
Ang mga lokal na lider at mga lider ng area ay naghahanap ng mga abot-kaya at pangmatagalang solusyon para sa mga pangangailangan sa meetinghouse. Ang isang bagong gusali ay dapat magpakita ng pagpipitagan at dignidad, disente, at naaayon sa disenyo at hitsura ng kapaligiran nito. Dapat din itong gumamit ng mga materyal, kagamitan, at kasangkapan na mula sa lokal na lugar, kung naaangkop. Ang proseso ng pagtatayo at pagpapatakbo ng mga meetinghouse ay dapat makatulong na mapalakas ang self-reliance ng Simbahan sa lugar na iyon.
Mga Gabay
Paggamit at Layo
Bago magtayo ng karagdagang espasyo para sa meetinghouse, tinitiyak ng mga lider na ang magagamit na mga meetinghouse na mapupuntahan sa loob ng makatwirang oras ng paglalakbay ay nagagamit sa kapasidad ng mga ito. Ang mga meetinghouse ay bahagi ng kamalig ng Panginoon at dapat gamitin nang hindi isinasaalang-alang ang mga hangganan ng stake. Matutulungan ng mga area facilities personnel ang mga lider na matukoy ang magagamit na espasyo ng meetinghouse.
Ang bawat area ang nagpapasiya kung gaano katagal ang paglalakbay papunta sa meetinghouse na maituturing na makatwiran para sa mga miyembro; ito ay karaniwang hindi hihigit sa 30 hanggang 45 minuto para sa karamihan ng mga miyembro sa isang unit. Maaaring baguhin ng mga Area Presidency ang mga requirement sa oras ng pagbibiyahe para sa kanilang mga area, depende sa mga lokal na kalagayan at gastos sa pagbibiyahe.
Attendance
Tinutukoy ng bawat area ang laki at uri ng meetinghouse na itatayo ayon sa bilang ng mga dumadalong miyembro at sa makukuhang mga opsiyon para sa meetinghouse. Ang mga lider ng area at mga lokal na lider ay isinasaalang-alang lamang ang pagpapatayo ng isang meetinghouse kung ito ay isang abot-kaya at pangmatagalang solusyon.
Pagiging Tapat sa Pagbibigay ng Ikapu
Bago maaaring magtayo o bumili ng isang meetinghouse, ang porsiyento ng mga aktibo at full-tithe-payer na adult sa unit ay dapat 80 porsiyento o higit pa ng average na porsiyento ng mga aktibong full-tithe-payer na adult sa area (o sa bansa kung ang area ay kinabibilangan ng mahigit sa isang bansa) noong nakaraang taon. Maaari ding gamitin ng mga Area Presidency ang requirement na ito sa pagbabayad ng ikapu para sa pag-upa o iba pang opsiyon para sa meetinghouse.
Meetinghouse Master Planning
Upang mapalakas ang Simbahan, ang mga area ay naghahanda ng mga pangmatagalang master plan bago gumawa ng mga desisyon na magdagdag o mag-redeploy ng espasyo ng meetinghouse. Isinusumite nila ang mga planong ito ayon sa itinakdang mga iskedyul. Ang mahahalagang bahagi ng mga planong ito ay kinabibilangan ng paggamit sa kasalukuyang espasyo, tinatayang paglago, mainam na lokasyon ng mga pasilidad, mga pagbabago sa mga hangganan ng unit, at kung ito ay nasa abot-kayang halaga. Ang mga pangangailangan at plano para sa meetinghouse ay isinasaalang-alang sa area at coordinating council level.
Iba pang mga Konsiderasyon
Mga Opisina at Miting ng Stake
Ang mga area ay karaniwang nagbibigay ng mga opisina para sa stake kapag ang isang stake ay pinaplanong likhain at hindi ito magkakasya sa kasalukyang espasyo na ginagamit. Hangga’t maaari, ang mga stake conference, aktibidad ng stake, at mga stake council meeting ay idinaraos gamit ang kasalukuyan o inuupahang gusali. Ang audiovisual technology ay maaaring gamitin para sa mga miting ng stake upang magkaroon ng karagdagang kapasidad na higit pa sa kasalukuyan o sa inuupahang gusali.
Mga Meetinghouse Facilities Annual Plan
Ang espasyo para sa mga meetinghouse ay pinopondohan sa pamamagitan ng Meetinghouse Facilities Annual Plan. Isinusumite ng mga Area Presidency ang kanilang taunang plano sa Budget and Appropriations Committee sa pamamagitan ng Presiding Bishopric.
Mga Karagdagang Opisina ng Bishop at Opisina ng Clerk
Ang sumusunod na mga gabay ay nagbibigay ng impormasyon sa mga lokal na lider kapag isinasaalang-alang ang mga karagdagang opisina ng bishop at opisina ng clerk sa mga kasalukuyang meetinghouse.
Mga Gabay:
-
Ang mga Facilities Management personnel ay makatutulong sa pagsasagawa ng utilization study upang mas maunawaan ang paggamit at potensyal na kapasidad ng kasalukuyang mga meetinghouse.
-
Bago magdagdag ng espasyo para sa mga opisina, tinitiyak ng mga lider na lahat ng magagamit na silid at iba pang espasyo ay naisaalang-alang na para gawing mga opisina.
-
Isaalang-alang ang paggamit sa isang opisina ng dalawa o higit pang mga unit.
-
Dapat maglagay ng soundproofing (kisame, pader, at pinto) kung kinakailangan upang maprotektahan ang kumpidensyalidad. Maaari itong magawa sa paggamit ng insulation o sound masking system.
Para sa mga lokasyon sa Estados Unidos at Canada, ang mga Area staff and Meetinghouse Facilities staff ay nagsaliksik ng ilang sitwasyon sa paggamit ng mga opisina at mga pagtataya sa gastos para kasalukuyan at nakaraang mga gusaling itinayo ayon sa pamantayang plano.