“5. Awtoridad at mga Ordenansa ng Priesthood,” Mga Pamantayan ng Missionary para sa mga Disipulo ni Jesucristo—Mga Service Mission (2021)
“5. Awtoridad at mga Ordenansa ng Priesthood,” Mga Pamantayan ng Missionary para sa mga Disipulo ni Jesucristo—Mga Service Mission
5
Awtoridad at mga Ordenansa ng Priesthood
5.0
Pambungad
Ang priesthood ay ang awtoridad na ibinibigay ng Diyos sa Kanyang mga anak upang magdala ng kaligtasan sa lahat ng tao. Ang mga priesthood leader na tumanggap at gumagamit ng mga susi ng priesthood ay may awtoridad ng priesthood at makapagbibigay ng awtoridad ng priesthood sa iba. Dahil “lahat ng ibang mga may kapangyarihan [at] tungkulin sa simbahan ay nakaakibat sa [Melchizedek priesthood na] ito” (Doktrina at mga Tipan 107:5), lahat ng ginagawa sa ilalim ng pamamahala ng mga susi ng priesthood ay ginagawa nang may awtoridad ng priesthood.
Kapag ang isang babae ay na-set apart bilang missionary, siya ay kumikilos sa ilalim ng awtoridad ng priesthood para isagawa ang isang tungkulin ng priesthood. Sinumang mayroong calling na natanggap mula sa taong mayhawak ng mga susi ng priesthood ay ginagamit ang awtoridad ng priesthood sa pagtupad sa mga gawaing ibinigay sa kanya.
Kung ikaw ay isang mayhawak ng Melchizedek Priesthood, magkakaroon ka ng pagkakataong makibahagi sa mga ordenansa at basbas ng priesthood.
Gamitin ang mga pangkalahatang tagubiling ito sa pagsasagawa ng mga ordenansa at basbas ng priesthood. Ang impormasyon sa bahaging ito ay pinaikling nilalaman mula sa kabanata 18 ng Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.
Paalala: Tulad ng paliwanag sa sumusunod na mga bahagi, ang ilang ordenansa ay kailangang bigyang-pahintulot ng namumunong awtoridad na nagtataglay ng angkop na mga susi.
5.1
Pangangasiwa sa Priesthood: Mga Pangkalahatang Tagubilin para sa mga Mayhawak ng Melchizedek Priesthood
Ang mga mayhawak ng Melchizedek Priesthood ay dapat laging nagsisikap na maging karapat-dapat sa at magabayan ng Banal na Espiritu. Dapat nilang isagawa ang bawat ordenansa at pagbabasbas sa paraang kapita-pitagan, tinitiyak na nagagawa nito ang mga sumusunod na kinakailangang gawin:
-
Dapat isagawa ito sa pangalan ni Jesucristo.
-
Dapat isagawa ito sa pamamagitan ng awtoridad ng priesthood.
-
Dapat isagawa ito sa anumang pamamaraan na kinakailangan, tulad ng paggamit ng mga itinakdang salita o ng inilaang langis.
-
Kung kailangan, dapat na awtorisado ito ng namumunong awtoridad na may taglay ng angkop na mga susi (karaniwang ang bishop, stake president, o mission president), nang naaayon sa mga tagubilin sa bahaging ito kung kinakailangan.
Binibigkas ng mga nagbibigay ng basbas ng priesthood ang mga salita ng pagbabasbas (“binabasbasan kita [o namin] na …”) sa halip na nananalangin (“Ama sa Langit, nawa’y pagpalain ninyo ang taong ito na …”).
Kapag nakikibahagi ang ilang lalaki sa isang ordenansa o pagbabasbas, magaan na ipinapatong ng bawat isa ang kanyang kanang kamay sa ulo ng tao (o sa ilalim ng sanggol na binabasbasan) at ang kanyang kaliwang kamay naman ay ipapatong sa balikat ng kapatid na lalaki sa kanyang kaliwa.
Ang mga taong mayhawak lamang ng kinakailangang priesthood at karapat-dapat ang maaaring magsagawa ng isang ordenansa o pagbabasbas. Sa patnubay ng Espiritu, maaaring anyayahan ng mga bishop at stake president ang mga mayhawak ng priesthood na hindi pa lubos na karapat-dapat sa templo na magsagawa o makibahagi sa ilang mga ordenansa at pagbabasbas (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 18.3, ChurchofJesusChrist.org).
Ang pag-anyaya sa maraming mga kapamilya, kaibigan, at lider upang tumulong sa isang ordenansa o pagbabasbas ay hindi hinihikayat dahil maaaring magmukha itong kakaiba para sa ilan. Ang napakalaking grupo ay maaari ding magpahirap o makagulo sa pagsasagawa ng ordenansa.
5.2
Pagbibinyag
Sa ilalim ng pamamahala ng namumunong awtoridad, maaaring isagawa ng isang karapat-dapat na priest o mayhawak ng Melchizedek Priesthood ang ordenansa ng binyag. Para magawa ito, dapat niyang sundin ang sumusunod na mga hakbang:
-
Tatayo siya sa tubig na kasama ang taong bibinyagan.
-
Hahawakan niya ang kanang pulso ng tao gamit ang kanyang kaliwang kamay (para sa kaginhawaan at kaligtasan). Ang taong binibinyagan ay hahawakan ang kaliwang pulso ng mayhawak ng priesthood gamit ang kanyang kaliwang kamay.
-
Itataas niya ang kanyang kanang kamay nang paparisukat.
-
Babanggitin niya ang buong pangalan ng tao at sasabihing, “Bilang naatasan ni Jesucristo, binibinyagan kita sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen” (Doktrina at mga Tipan 20:73).
-
Pahahawakan niya sa tao ang ilong nito gamit ang kanang kamay nito (para sa kaginhawahan). Ilalagay ng mayhawak ng priesthood ang kanyang kanang kamay sa bandang itaas ng likod ng tao at buong-buong ilulubog ang tao, kasama ang kasuotan ng tao.
-
Tinutulungan niyang umahon ang tao mula sa tubig.
Tulad ng inilarawan sa Pangkalahatang Hanbuk, 18.7.6, dalawang saksi ang titiyak na nagawa nang tama ang bawat pagbibinyag. Dapat ulitin ang binyag kung ang mga salita ay hindi nabigkas nang eksakto ayon sa ibinigay sa Doktrina at mga Tipan 20:73. Kailangan ding ulitin ang binyag kung ang bahagi ng katawan o damit ng tao ay hindi lubos na nailubog sa tubig.
5.3
Pagkukumpirma
Maaaring makibahagi ang isa o higit pang mayhawak ng Melchizedek Priesthood sa isang kumpirmasyon. Magaan na ipinapatong nila ang kanilang mga kamay sa ulo ng tao. Pagkatapos, ang taong nagsasagawa ng ordenansa ay gagawin ang sumusunod:
-
Sasabihin niya ang buong pangalan ng tao.
-
Sasabihin niya na isinasagawa ang ordenansa sa pamamagitan ng awtoridad ng Melchizedek Priesthood.
-
Kukumpirmahin niya ang tao na miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.
-
Ginagamit niya ang mga salitang “Tanggapin mo ang Espiritu Santo” (hindi “tanggapin mo ang kaloob na Espiritu Santo”).
-
Nagbibigay siya ng basbas ayon sa idinidikta ng Espiritu.
-
Magtatapos siya sa pangalan ni Jesucristo.
5.4
Paglalaan ng Langis
Dapat ilaan ng isa o higit pang mayhawak ng Melchizedek Priesthood ang langis ng olibo bago ito gamitin sa pagpapahid ng langis sa maysakit o nahihirapan. Hindi maaaring gumamit ng ibang langis. Upang mailaan ang langis, sinusunod ng isang mayhawak ng priesthood ang mga hakbang na ito:
-
Hahawakan niya ang isang bukas na lalagyan ng langis ng olibo.
-
Dumadalangin siya sa Ama sa Langit.
-
Sasabihin niya na kumikilos siya sa pamamagitan ng awtoridad ng Melchizedek Priesthood.
-
Ilalaan niya ang langis (hindi ang lalagyan) at itatalaga ito para sa pagpapahid ng langis at pagbabasbas sa maysakit at nahihirapan.
-
Magtatapos siya sa pangalan ni Jesucristo.
5.5
Pagbabasbas sa Maysakit at Nahihirapan
Si Jesus ay nagbigay ng awtoridad ng priesthood sa Kanyang mga Apostol “[upang pagalingin ang mga karamdaman,] at magpalayas ng mga demonio” (Marcos 3:15). Ang mga mayhawak ng Melchizedek Priesthood ay may gayon ding awtoridad. Gamitin ang kaloob na ito nang angkop at kapag kailangan.
Ang mga mayhawak ng Melchizedek Priesthood lamang ang maaaring magbasbas sa maysakit o nahihirapan. Karaniwang dalawa o higit pang mayhawak ng priesthood ang nagbabasbas sa maysakit, ngunit maaaring isagawa ng isang tao kapwa ang pagpapahid ng langis at pagpapatibay ng basbas kung kailangan.
Kung walang makuhang inilaang langis, maaari pa ring magbigay ng basbas sa pamamagitan ng awtoridad ng priesthood nang walang pagpapahid ng langis.
Karaniwan, isang karapat-dapat na asawa o ama na mayhawak ng Melchizedek Priesthood ang dapat magbasbas sa maysakit na miyembro ng kanyang pamilya.
Dapat gawin ng mga mayhawak ng priesthood ang pagbabasbas sa maysakit sa kahilingan ng maysakit o ng mga yaong malapit sa tao nang sa gayon ang basbas ay maging ayon sa kanilang pananampalataya. Ang mga mayhawak ng Melchizedek Priesthood na dumadalaw sa mga ospital ay hindi dapat manghingi ng mga oportunidad na magbasbas sa maysakit.
Kung hihilingin ng isang tao ang higit pa sa isang basbas para sa parehong sakit, hindi na kailangan pang magpahid ng langis ng mayhawak ng priesthood pagkatapos ng unang basbas. Sa halip ay nagbibigay siya ng basbas sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay at ng awtoridad ng priesthood.
Ang pagbabasbas sa maysakit ay may dalawang bahagi: (1) pagpapahid ng inilaang langis at (2) pagpapatibay sa pagpapahid ng langis.
Pagpapahid ng Inilaang Langis
Ang pagpapahid ng langis ay ginagawa ng isang mayhawak ng Melchizedek Priesthood.
-
Maglalagay siya ng isang patak ng inilaang langis sa ulo ng tao.
-
Magaan niyang ipapatong ang kanyang mga kamay sa ulo ng tao at tatawagin ang tao sa kanyang buong pangalan.
-
Sasabihin niya na kumikilos siya sa pamamagitan ng awtoridad ng Melchizedek Priesthood.
-
Sasabihin niya na nagpapahid siya ng langis na inilaan para sa pagpapahid at pagbabasbas sa maysakit at nahihirapan.
-
Magtatapos siya sa pangalan ni Jesucristo.
Pagpapatibay sa Pagpapahid ng Langis
Karaniwan, dalawa o higit pang mayhawak ng Melchizedek Priesthood ang magaan na nagpapatong ng kanilang mga kamay sa ulo ng isang tao upang pagtibayin ang pagpapahid ng langis. Gayunman, maaari itong gawin ng isang mayhawak ng Melchizedek priesthood kung kailangan. Kapag pinagtitibay ang pagpapahid ng langis, ginagawa ng mayhawak ng Melchizedek Priesthood ang sumusunod:
-
Tatawagin niya ang tao sa kanyang buong pangalan.
-
Sasabihin niya na pinagtitibay niya ang pagpapahid ng langis sa pamamagitan ng awtoridad ng Melchizedek Priesthood.
-
Nagbibigay siya ng basbas ayon sa idinidikta ng Espiritu.
-
Magtatapos siya sa pangalan ni Jesucristo.
5.6
Pagbibigay ng mga Basbas ng Kapanatagan at Pagpapayo
Maaaring magbigay ng mga basbas ng kapanatagan at pagpapayo ang mga mayhawak ng Melchizedek Priesthood sa mga humihingi nito. Para sa pagbabasbas na iyon, isa o higit pang mayhawak ng priesthood ang magaan na nagpapatong ng kanilang mga kamay sa ulo ng tao. Pagkatapos, ang mayhawak ng priesthood na nagbibigay ng basbas ay gagawin ang sumusunod:
-
Tatawagin niya ang tao sa kanyang buong pangalan.
-
Sasabihin niya na isinasagawa ang basbas sa pamamagitan ng awtoridad ng Melchizedek Priesthood.
-
Nagbibigay siya ng basbas ayon sa idinidikta ng Espiritu.
-
Magtatapos siya sa pangalan ni Jesucristo.
Ang mga missionary na nagbigay ng mga basbas sa mga miyembro ay dapat direktang ireport ito sa bishop ng miyembro o sa elders quorum president o ward mission leader, na siyang magsasabi sa bishop.