Service Missionary
6. Pagkatapos ng Iyong Misyon


“6. Pagkatapos ng Iyong Misyon,” Mga Pamantayan ng Missionary para sa mga Disipulo ni Jesucristo—Mga Service Mission (2021)

“6. Pagkatapos ng Iyong Misyon,” Mga Pamantayan ng Missionary para sa mga Disipulo ni Jesucristo—Mga Service Mission

Daan patungong Emaus, ni J. Kirk Richards

6

Pagkatapos ng Iyong Misyon

6.0

Pambungad

Ihanda na ngayon ang iyong sarili na ipagpatuloy ang iyong buhay bilang isang disipulo ni Jesucristo at bilang isang tapat na miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw pagkatapos mong ma-release. Bagama’t natapos na ang iyong service mission, magpapatuloy ka sa pagtupad ng iyong misyon sa buhay.

6.1

Patuloy na Makipag-ugnayan

Patuloy na makipag-ugnayan sa mga pinaglingkuran at nakasama mo sa iyong misyon, pati sa iyong mga service mission leader. Suportahan at palakasin sila sa pamamagitan ng iyong mga salita at halimbawa. Ipagdiwang ang mahahalagang pangyayari sa kanilang buhay.

6.2

Pagtatapos ng Iyong Misyon

Dahil missionary ka pa rin hangga’t hindi ka inire-release ng iyong stake president, inaasahang susundin mo ang lahat ng mga pamantayan ng missionary hanggang sa i-release ka.

6.3

Paglilingkod at Pag-unlad Pagkatapos ng Iyong Misyon

Kapag natapos mo na ang iyong misyon, patuloy na ipamuhay ang mga pamantayan ng ebanghelyo. Tiyakin na:

  • Magdasal at mag-aral ng mga banal na kasulatan araw-araw.

  • Dumalo at makibahagi sa iyong ward o young single adult ward.

  • Maghanap ng mga pagkakataong maglingkod sa templo.

  • Patuloy na maghanap ng mga pagkakataong makapaglingkod sa ibang tao.

  • Dumalo sa institute o iba pang klase sa relihiyon.

  • Maghangad ng edukasyon, training, at mga oportunidad na makapagtrabaho.

Mamuhay sa paraan na mararanasan mo ang uri ng kagalakan na inilarawan sa Aklat ni Mormon nang muling magkita kalaunan ang Nakababatang Alma at mga kapwa niya missionary:

“Ngayon ito ay nangyari na, na habang si Alma ay naglalakbay mula sa lupain ng Gedeon patimog, palayo sa lupain ng Manti, masdan, sa panggigilalas niya, nakasalubong niya ang mga anak na lalaki ni Mosias na naglalakbay patungo sa lupain ng Zarahemla. …

“Kaya nga, si Alma ay labis na nagalak na makita ang kanyang mga kapatid; at ang nakaragdag pa sa kanyang kagalakan, sila ay kanya pa ring mga kapatid sa Panginoon; oo, at sila ay naging malakas sa kaalaman ng katotohanan; sapagkat sila’y mga lalaking may malinaw na pang-unawa at sinaliksik nila nang masigasig ang mga banal na kasulatan upang malaman nila ang salita ng Diyos.

“Subalit hindi lamang ito; itinuon nila ang kanilang sarili sa maraming panalangin, at pag-aayuno; kaya nga taglay nila ang diwa ng propesiya, at ang diwa ng paghahayag, at kapag sila ay nagturo, sila ay nagtuturo nang may kapangyarihan at karapatan ng Diyos” (Alma 17:1–3).