Seminary
2 Timoteo 3


2 Timoteo 3

Ang Mga Banal na Kasulatan

Ang Aklat ni Mormon sa wikang Espanyol.

Nahihirapan o kinakabahan ka ba tungkol sa espirituwal na kalagayan ng mundo ngayon? Sa isang sulat kay Timoteo, ipinropesiya ni Pablo na kasama sa mga huling araw ang “mga panahon ng kapighatian” (2 Timoteo 3:1), ngunit itinuro din niya na binigyan ka ng Panginoon ng kaloob na mga banal na kasulatan upang tulungan ka sa mga panahon ng kapighatian (tingnan sa 2 Timoteo 3:14–17). Layunin ng lesson na ito na tulungan kang madama ang hangaring pag-aralan ang mga banal na kasulatan, na makatutulong sa iyo na maprotektahan ka laban sa mga kasamaan sa ating panahon.

Ang mga huling araw

Basahin ang sumusunod na pahayag ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol, at isipin kung bakit nagpapadama sa iyo ng pasasalamat, pangamba, o pareho ang pamumuhay sa panahong ito.

Opisyal na larawan ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol, 2010, Agosto.

Nabubuhay tayo sa mapaghamon, ngunit kamangha-manghang panahon. …

Alam natin na habang papalapit tayo sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas na ang ating mundo ay mapupuno ng kaguluhan at kalituhan. Marami sa lipunan ang babalewalain ang mga kautusan ng Diyos. Madalas kong banggitin ang pahayag na ito ni Pangulong Thomas S. Monson, “Noon halos lahat ng pamantayan ng Simbahan at ng lipunan ay magkatugma, ngayo’y may malawak na puwang sa ating pagitan, at lumalawak pa ito.”

(Neil L. Andersen, “A Compensatory Spiritual Power for the Righteous” [Brigham Young University Education Week devotional, Ago. 18, 2015], speeches.byu.edu)

  • Sa anong mga paraan kamangha-mangha ang panahon kung kailan tayo nabubuhay?

  • Ano ang maaaring magbigay ng pangamba sa iyo tungkol sa pamumuhay sa mundong inilarawan ni Elder Andersen?

Sa pag-aaral mo ng lesson na ito, maghanap ng mga paraan na mapagmahal na nagbigay ang Diyos ng tulong para sa pagkalito, mga espirituwal na panganib, o pagkabalisa na maaari mong madama mula sa mga kalagayan ng mundo.

Basahin ang 2 Timoteo 3:1–7, 12–13; 4:3–4, at alamin ang mga paglalarawan ni Pablo sa mga panganib sa mga huling araw.

  • Anong mga halimbawa ng mga kalagayang inilarawan ni Pablo ang nakita mo sa mundo ngayon?

Isang kaloob mula sa Diyos

Hindi tayo pinababayaan ng Ama sa Langit na harapin ang mga panganib sa mga huling araw nang mag-isa. Sa Kanyang awa at pagmamahal, binigyan Niya tayo ng maraming kamangha-manghang kaloob.

Sinabi pa ni Elder Andersen:

Opisyal na larawan ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol, 2010, Agosto.

Habang tinatahak natin ang mundong hindi gaanong nakatuon sa mga utos ng Diyos, tiyak na magiging madasalin tayo, ngunit hindi natin kailangang labis na mag-alala. Pagpapalain ng Panginoon ang Kanyang mga Banal ng karagdagang espirituwal na lakas na kailangan upang maharap ang mga hamon sa ating panahon.

(Neil L. Andersen, “A Compensatory Spiritual Power for the Righteous” [Brigham Young University Education Week devotional, Ago. 18, 2015], speeches.byu.edu)

Basahin ang 2 Timoteo 3:14–17, at alamin ang isa sa mga kaloob na ibinigay ng Diyos upang tulungan tayo sa mga panganib sa ating panahon.

icon ng Doctrinal Mastery (asul). Ang larawan ay isang bukas na aklat. Ang 2 Timoteo 3:15–17 ay isang doctrinal mastery passage. Maaari mong markahan ang mga doctrinal mastery passage sa paraang madali mong mahahanap ang mga ito. Marami ka pang matututuhan tungkol sa doctrinal mastery passage na ito sa susunod na lesson.

  • Ano ang ilan sa mga pagpapalang matatanggap natin mula sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan na napansin mo sa mga talatang ito?

Ang pag-aaral ng banal na kasulatan ay makatutulong sa iyo na:

  1. Palalimin ang iyong pananampalataya kay Jesucristo.

  2. Tumanggap ng karunungan at tagubilin sa mga sitwasyong kinakaharap mo.

  3. Unawain ang doktrina o mga katotohanan ng ebanghelyo.

  4. Iwasto ang mga maling ideya o hindi magagandang gawi.

  5. Maging higit na katulad ni Jesucristo.

  • Paano mo ibubuod ang itinuro ni Pablo tungkol sa pag-aaral ng banal na kasulatan?

Sa iyong study journal, sumulat ng isang pagkakataon kung kailan nakatulong sa iyo ang mga banal na kasulatan sa isa sa mga paraang inilarawan ni Pablo. Kung wala kang maisip na karanasan, isulat kung bakit sa palagay mo ay makatutulong sa iyo ang mga banal na kasulatan sa isa sa mga paraang inilarawan ni Pablo.

  • Ano ang ibang mga paraan na mapagpapala ka ng Panginoon habang pinag-aaralan mo ang mga banal na kasulatan?

  • Ibinigay sa iyo ng Panginoon ang kaloob na mga banal na kasulatan upang tulungan ka sa mga huling araw. Ano ang itinuturo nito sa iyo tungkol sa Kanya?

Paggamit ng mga banal na kasulatan

Upang magsanay na gamitin ang mga banal na kasulatan para mapalakas ang iyong pananampalataya kay Jesucristo, pumili ng dalawa sa mga hamon sa mga huling araw na ipinropesiya ni Pablo sa 2 Timoteo 3:1–7, 12–13; 4:3–4, o pumili ng iba’t ibang hamong nauugnay sa iyong buhay. Maghanap ng mga scripture passage na makatutulong sa isang tao na nahaharap sa mga hamong ito. Maaaring makatulong na saliksikin ang mahahalagang salita sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan na matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org. O maaari kang pumili ng ilan sa mga paborito mong banal na kasulatan at pagkatapos ay magpasya kung alin sa mga hamon sa mga huling araw ang matutulungan ng mga ito.

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:

  • Anong mga scripture passage ang nahanap mo na makatutulong sa isang tao na nahaharap sa mga partikular na hamon? Ipaliwanag kung paano makatutulong ang mga ito.

Ang iyong mithiin sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan

Ipinaalala ni Pablo kay Timoteo na mapalad si Timoteo na nalaman nito ang mga banal na kasulatan noong bata pa ito (tingnan sa 2 Timoteo 3:15). Gayundin, pagpapalain ka ng Ama sa Langit sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan sa iyong kabataan. Maglaan ng ilang minuto upang mapanalanging magtakda ng mithiin o pag-isipan ang iyong kasalukuyang mithiin para sa personal na pag-aaral ng mga banal na kasulatan araw-araw. Pag-isipan ang mga sumusunod na tanong:

  • Kumusta ang ginagawa mo para makamit mo ang iyong mithiin?

  • Paano nakatutulong sa iyo ang iyong mithiin na magkaroon ng pananampalataya kay Jesucristo at madaig ang mga hamon sa ating panahon?

  • Sa iyong palagay, anong mga pagbabago, kung mayroon man, ang dapat mong gawin sa iyong mithiin?

Maaari mong sabihin sa iyong titser, magulang, o iba pang pinagkakatiwalaan mo ang tungkol sa iyong mithiin sa pag-aaral ng banal na kasulatan at anyayahan silang mag-follow up sa iyo.

Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

Paano ko mauunawaan ang mga panganib na nakalista sa 2 Timoteo 3:1–7?

Maaaring makatulong ang sumusunod na kahulugan:

  • Ang “walang katutubong pag-ibig” (2 Timoteo 3:3) ay maaaring kabilangan ng mga pag-uugaling nauugnay sa kawalan ng damdamin o pagmamalasakit, pagkapoot at pagkamuhi, o mga pagnanasang humahantong sa seksuwal na imoralidad

  • “Walang pagpipigil sa sarili” (2 Timoteo 3:3), ibig sabihin ay walang pagkokontrol sa sarili

  • “Matitigas ang ulo” (2 Timoteo 3:4), ibig sabihin ay mapupusok, padalus-dalos

  • “Palalo” (2 Timoteo 3:4), ibig sabihin ay mayabang, mapagmataas

Paano ko mas mauunawaan ang 2 Timoteo 3:16–17?

Maaari mong basahin ang artikulong “Taludtod sa Taludtod: II Kay Timoteo 3:16–17” (Liahona, Abr. 2012, 19), na naglalaman ng mga tulong sa salita, komentaryo ng propeta, at paliwanag na maaaring makatulong sa iyo na mas maunawaan ang mga talatang ito.

Paano makatutulong sa buhay ko ang pag-aaral ng mga banal na kasulatan?

Sinabi ni Elder Richard G. Scott (1928–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

15:5

Unahin Ninyong Manampalataya

Mensahe ni Elder Richard G. Scott sa Pangkalahatang Kumperensya ng Oktubre 2014.

Huling opisyal na larawan ni Elder Richard G. Scott ng Korum ng Labindalawang Apostol, 2004. Pumanaw noong Setyembre 22, 2015.

Nakakausap natin ang Diyos sa pamamagitan ng panalangin. Kadalasan ay nakikipag-ugnayan Siya sa atin sa pamamagitan ng Kanyang nakasulat na salita. Para malaman kung ano ang tunog at pakiramdam ng marinig ang tinig ng Diyos, basahin ang Kanyang mga salita, pag-aralan ang mga banal na kasulatan, at pagnilayan ang mga ito. Gawing mahalagang bahagi ito ng buhay araw-araw. …

Sa araw-araw at patuloy na pag-aaral ng mga banal na kasulatan, makasusumpong kayo ng kapayapaan sa kaligaligang nakapaligid sa inyo at ng lakas na labanan ang mga tukso. Magkakaroon kayo ng malakas na pananampalataya sa biyaya ng Diyos at malalaman ninyo na sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo ay maitatama ang lahat ayon sa takdang panahon ng Diyos.

(Richard G. Scott, “Unahin Ninyong Manampalataya,” Liahona, Nob. 2014, 93–94)

Paano ko madarama na magiging maganda ang hinaharap kung tila salungat ang lipunan sa mga kautusan ng Diyos?

Tumulong si Pangulong Boyd K. Packer (1924–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol sa pagsagot sa tanong na ito sa video na “On Zion’s Hill” mula sa time code na 0:00 hanggang 1:41, matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org.

2:3

On Zion’s Hill

Every soul who willingly affiliates with The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints and seeks to abide by its principles and ordinances is standing “on Zion’s hill.”

Ano ang ilang paraan na epektibo kong mapag-aaralan ang mga banal na kasulatan?

Sinagot ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol ang tanong na ito sa video na “Advice for Studying the Scriptures” (2:07), matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org.

2:3

Advice for Studying the Scriptures

Abigail asks Elder David A. Bednar, "Do you have any advice for us as we study our scriptures by ourselves and personally?"