Doctrinal Mastery: 2 Timoteo 3:15–17
“Ang mga Banal na Kasulatan [ay] Makakapagturo sa Iyo Tungo sa Kaligtasan”
Ang regular na pag-aaral ng mga banal na kasulatan ay makapagpapala sa iyong buhay sa maraming paraan, kabilang na ang pagtulong sa iyong harapin ang maraming hamon sa mga huling araw. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyong maisaulo ang doctrinal mastery reference at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 2 Timoteo 3:15–17, maipaliwanag ang doktrina, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang sitwasyon sa tunay na buhay.
Isaulo at ipaliwanag
Magdrowing ng larawan ng isang bukas na aklat ng mga banal na kasulatan na sumasakop sa halos buong papel o sa buong papel. Sa itaas ng iyong drowing, isulat ang 2 Timoteo 3:15–17. Sa loob ng iyong drowing, isulat ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan na Ang mga banal na kasulatan [ay] makakapagturo sa iyo tungo sa kaligtasan. Takpan ang parirala at isulat itong muli nang walang kopya. Tingnan kung tumpak ito at ulitin ang aktibidad nang ilang beses hanggang sa mapuno mo ang iyong drowing.
Sa nakaraang lesson natutuhan mo na kapag pinag-aralan natin ang mga banal na kasulatan, magkakaroon tayo ng karunungan na aakay sa atin tungo sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo. Basahing muli ang 2 Timoteo 3:15–17, at hanapin ang katibayan ng alituntuning ito, pati na rin ang iba pang pagpapalang matatanggap natin mula sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan.
Ipagpalagay na isa kang missionary na nagtuturo sa isang dalagang nagngangalang Suravi. Tinatanggap ni Suravi ang mensahe ng Pagpapanumbalik ngunit nag-aalangan siyang basahin ang mga scripture passage na iminungkahi mo at ng iyong kompanyon. Sa isang pagbisita, tinanong mo si Suravi kung ano ang humahadlang sa kanya na basahin ang mga banal na kasulatan. Sumagot siya na hindi siya nasisiyahan sa pagbabasa ng mga banal na kasulatan at nakakainip sa kanya ang mga ito.
Pagsasanay para sa pagsasabuhay
-
Kung kailangan mong ibuod ang tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa tig-iisang pangungusap, ano ang sasabihin mo?
Kung kinakailangan, maglaan ng ilang minuto sa pagrerebyu ng talata 5–12 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022).
Kahit alam at nauunawaan natin ang mga pagpapala ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan, kung minsan ay mahirap itong gawin nang regular at epektibo.
-
Ano ang ilang hamon na maaaring magpahirap na regular at epektibong pag-aralan ang mga banal na kasulatan?
Hingin ang patnubay ng Espiritu Santo upang matulungan kang matukoy ang isa o dalawang balakid na humahadlang sa iyo na regular at epektibong pag-aralan ang mga banal na kasulatan. (Kung wala kang kinakaharap na anumang balakid, mag-isip ng mga balakid na maaaring kaharapin ng isang kaibigan o kapamilya.)
Itinuro ni Elder Richard G. Scott (1928–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol:
Ang pagpapakabusog sa salita ng Diyos bawat araw ay mas mahalaga kaysa pagtulog, pag-aaral, pagtatrabaho, mga palabas sa telebisyon, video games, o social media. Maaari ninyong kailanganin na muling ayusin ang inyong mga prayoridad para makapaglaan ng oras sa pag-aaral ng salita ng Diyos. Kung gayon, gawin ito!
(Richard G. Scott, “Unahin Ninyong Manampalataya,” Liahona, Nob. 2014, 93)
Maglaan ng ilang minuto upang simulan ang isa sa iyong mga ideya.
-
Paano ka kikilos nang may pananampalataya para madaig ang mga balakid upang epektibo mong mapag-aralan ang mga banal na kasulatan araw-araw? Maglista ng ilang ideya sa iyong study journal.