I-assess ang Iyong Pagkatuto 8
Layunin ng lesson na ito na tulungan kang suriin ang mga mithiing itinakda mo at ang pansariling pag-unlad na naranasan mo sa iyong pag-aaral ng Bagong Tipan.
Pagiging disipulo ni Jesucristo
-
Kung makapaglalakbay ka sa bagong lugar, saan mo gustong pumunta?
-
Habang naglalakbay, bakit mahalagang suriin kung nasa tamang direksyon ka pa? Ano ang maaaring mangyari kung wala ka sa tamang direksyon?
Mahalaga ring suriin ang ating espirituwal na paglalakbay. Itinuro ni Pangulong M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol ang kahalagahan ng pagsisikap na abutin ang mga espirituwal na mithiin at pagkatapos ay idinagdag niya:
Nalaman ko na para manatiling nakatuon … , kailangan kong itanong palagi sa sarili ko, “Kumusta na ako?”
Para itong personal at pribadong pag-interbyu sa sarili ninyo. …
Sa mga darating na linggo, mag-ukol ng oras na repasuhin ang inyong mga mithiin sa buhay at mga plano, at tiyaking nakaayon ang mga ito sa dakilang plano ng ating Ama sa Langit para sa ating kaligayahan. Kung kailangan ninyong magsisi at magbago, isiping gawin ito ngayon. …
Pinatototohanan ko na wala nang mas mataas na mithiin sa buhay na ito kaysa mabuhay nang walang hanggan sa piling ng ating mga Magulang sa Langit at ng ating pinakamamahal na Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo. Ngunit hindi lang atin ang mithiing iyan—ito rin ang Kanilang mithiin. Sakdal ang Kanilang pagmamahal sa atin, na mas makapangyarihan kaysa kaya nating unawain. Lubos, ganap, at walang hanggan ang Kanilang pagtulong sa atin. Tayo ang Kanilang gawain. Ang ating kaluwalhatian ay Kanilang kaluwalhatian. Higit sa anupaman, nais Nila tayong makauwi.
(M. Russell Ballard, “Makabalik at Makatanggap,” Liahona, Mayo 2017, 64–65)
Maglaan ng ilang minuto upang itanong sa iyong sarili ang mga sumusunod na tanong, na parang iniinterbyu mo nang pribado ang sarili mo. Maaari mong isulat sa iyong study journal ang mga sagot mo.
-
Ano ang nagawa ko kamakailan upang magkaroon ng patotoo sa mga partikular na katotohanan sa pamamagitan ng Espiritu Santo? Ano ang natututuhan ko tungkol sa pagtanggap ng paghahayag sa pamamagitan ng Espiritu Santo? (Maaaring naglaan ka ng oras na pag-isipan ito nang pag-aralan mo ang 1 Corinto 2.)
-
Anong mga mithiin ang itinakda ko upang mas mapalapit sa Tagapagligtas at maging disipulo Niya? Anong mga tagumpay ang nararanasan ko? Anong mga balakid ang kinakaharap ko? Ano ang kailangan kong gawin upang matanggap ang tulong ng Tagapagligtas at patuloy na umunlad sa aking espirituwal na paglalakbay?
Pagpapaliwanag ng biyaya ni Jesucristo
Upang matulungan ka na ma-assess ang pagkaunawa mo sa isang mahalagang katotohanan ng ebanghelyo na pinag-aralan mo kamakailan, gawin ang sumusunod na aktibidad:
Ipagpalagay na kinontak ka ng mga missionary. Tinuturuan nila ang isang kaedad mo na nahihirapang maunawaan ang biyaya ni Jesucristo. Hiniling sa iyo ng mga missionary na samahan sila sa kanilang susunod na appointment sa pagtuturo upang maibahagi mo ang nalalaman mo tungkol sa biyaya ng Tagapagligtas at kung paano napagpala ang buhay mo sa pagsunod kay Jesucristo.
Saliksikin sandali ang mga banal na kasulatan upang maghanap ng mga talata at katotohanang maaaring makatulong. Maaaring makatulong ang pagbabasa ng ilan sa mga sumusunod na talata:
-
Roma 4:16 (kabilang ang Pagsasalin ni Joseph Smith sa Roma 4:16)
Pagpapalakas ng iyong hangaring makiisa kay Cristo
Ang pagkakaisa ay isa pang mahalagang konsepto sa mga sulat ni Pablo sa mga taga Roma at Corinto.
Hingin ang patnubay ng Espiritu Santo upang matulungan kang malaman ang mga paraan na nanaisin ng Panginoon na mas maging kaisa ka ng iba kay Cristo. Humingi rin ng paghahayag tungkol sa kung paano madaraig ang anumang hamong maaari mong kaharapin.
Magpatuloy sa iyong espirituwal na paglalakbay, at mas lumapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Tandaan na mahal ka Nila at handa Sila na tulungan ka sa mga pagsisikap mo.