Seminary
Doctrinal Mastery: Juan 3:16


Doctrinal Mastery: Juan 3:16

Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo

Si Jesucristo ay nananalangin sa Halamanan ng Getsemani

Sa nakaraang lesson, natutuhan mo ang tungkol sa matinding pagmamahal na ipinakita sa atin ng Ama sa Langit kaya isinugo Niya ang Kanyang Anak upang maging ating Tagapagligtas at Manunubos. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng pagkakataong madagdagan ang iyong kaalaman sa doktrinang ito sa pamamagitan ng pagsasaulo ng reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan, pagpapaliwanag ng doktrina, at paggamit ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang totoong sitwasyon sa buhay.

Isaulo at ipaliwanag

Ang sumusunod ay scripture reference at mahalagang parirala para sa Juan 3:16 na hindi nakaayos ayon sa pagkakasunud-sunod nito. Ayusin ang mga salita na isinusulat ang wastong scripture reference at mahalagang parirala nito sa iyong study journal.

Diyos Anak ibinigay pag-ibig ang tanging 16 Sapagkat na kanyang Juan niya sanlibutan gayon 3 na lamang ng sa ang

Pagkatapos mong ayusin ang parirala, maglaan ng ilang sandali upang isaulo ang scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan.

Isipin sandali na isa kang full-time missionary. Inanyayahan kang pumunta sa tahanan ng isang mabait na mag-asawa na hindi pa kailanman narinig ang tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Gamit ang natutuhan mo sa nakaraang lesson tungkol sa pagmamahal ng Diyos kaya isinugo Niya ang Kanyang Anak, ano ang ibabahagi mo sa mag-asawang ito?

Isadula ang sumusunod na sitwasyon kasama ang isang adult, o tumugon sa sitwasyon sa iyong study journal.

Pagsasabuhay

Rebyuhin sandali ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman gamit ang sumusunod na aktibidad.

Punan ang mga patlang ng bawat isa sa mga sumusunod na parirala.

  • Kumilos nang may p____.

  • Suriin ang mga konsepto at t________ nang may w______ p__________.

  • Hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ng mga i________ sources na ibinigay ng D_______.

Pag-isipan ang sumusunod na sitwasyon.

Matapos gabihin si Sarai sa pag-uwi nang dalawang magkasunod na araw, pinagalitan siya ng kanyang mga magulang. Alam niya na mahihirapan siyang ibalik ang pagtitiwala ng mga magulang niya sa kanya. Alam din niya na nakagawa siya ng ilang desisyon na, kung malalaman ng kanyang mga magulang ang tungkol dito, lalong hindi siya pagkakatiwalaan ng kanyang mga magulang. Nakokonsensya si Sarai, ngunit tila mas madaling balewalain ang mga problemang ito sa ngayon. Bukod pa rito, mas nahihirapan na siyang gumawa at makaramdam ng mga espirituwal na bagay, na nagiging dahilan upang maisip niyang hindi totoo ang Ama sa Langit o tinalikuran na siya ng Ama dahil sa mga pinili niyang gawin. Sa puntong ito, hindi na alam ni Sarai kung ano ang gagawin o kung kanino lalapit.”

  • Bakit nagiging mahirap ang sitwasyong ito para kay Sarai?

  • Kung ikaw ang nasa katayuan ni Sarai, ano ang ilan sa magiging pinakamalalaking tanong o alalahanin mo?

Isipin kung paano makatutulong kay Sarai ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang matugunan ang kanyang sitwasyon. Kung kinakailangan, rebyuhin sandali ang talata 5–12 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022) para malaman pa ang tungkol sa mga alituntuning ito.

Kumilos nang may pananampalataya

icon ng pagsusulat sa journal1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:

  • Ano ang maaaring gawin ni Sarai para kumilos nang may pananampalataya sa sitwasyong ito?

  • Ano ang sasabihin mo upang matulungan siya kung pakiramdam niya ay napakahirap kumilos nang may pananampalataya?

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

Nadarama na ni Sarai na naaapektuhan ang ugnayan niya sa kanyang mga magulang at sa Diyos dahil sa mga desisyong ginawa niya. Naisip niya na maaaring mas lumala pa ang sitwasyon kung magtatapat siya sa kanyang mga magulang at sa Diyos.

icon ng pagsusulat sa journal2. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:

  • Sa paanong paraan hindi angkop o kulang ang pananaw ni Sarai?

  • Ano ang nalalaman mo tungkol sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, o sa plano ng kaligtasan na maaaring makatulong kay Sarai na isaisip?

  • Kung ikaw ang nanay o tatay ni Sarai, ano sa palagay mo ang mararamdaman mo sa kanya? Ano ang gusto mong maunawaan ng iyong namomroblemang anak tungkol sa nararamdaman mo?

Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng mga itinalagang sources na ibinigay ng Diyos

Maglaan ng ilang minuto upang maghanap ng mga scripture passage o pahayag mula sa mga lider ng Simbahan na maaaring makatulong kay Sarai. Kung kinakailangan, maaari kang gumamit ng resources na tulad ng Gabay sa mga Banal na Kasulatan o Mga Paksa ng Ebanghelyo para matulungan ka (tingnan sa ChurchofJesusChrist.org). Maaari ding makatulong na gamitin ang ilan sa mga banal na kasulatan na napag-aralan mo sa nakaraang lesson, tulad ng Juan 3:14–17 o Doktrina at mga Tipan 18:10–11.

icon ng pagsusulat sa journal3. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:

  • Ano ang natutuhan mo tungkol kay Jesucristo mula sa iyong pag-aaral na makatutulong kay Sarai?

  • Ano ang kahit dalawang parirala mula sa iyong pag-aaral na mapapakinabangan ni Sarai? Bakit?