Seminary
Juan 4, Bahagi 2


Juan 4, Bahagi 2

Tubig na Buhay

“He Comes Again to Rule and Reign” by Mary R. Sauer.

Itinuro ni Jesus sa babaeng Samaritana sa may balon ang tungkol sa tubig na buhay na ibinibigay Niya. Ang lesson na ito ay naglalayong matulungan kang mas maunawaan pa ang tungkol sa tubig na buhay na ibinibigay ng Tagapagligtas: kung ano ito, bakit mo ito kailangan, at paano mo ito matatanggap.

Ang daan tungo sa kaligayahan at kaganapan

Itinuro ni Elder Lawrence E. Corbridge ng Pitumpu:

Official Portrait of Elder Lawrence E. Corbridge. Photographed March 2017.

Iisa lamang ang daan tungo sa kaligayahan at kaganapan. [Si Jesucristo] ang Daan. Ang iba pang daan, anumang iba pang daan, kahit saan, ay kahangalan.

Alok Niya ay balon ng tubig na buhay. Maaari tayong uminom at hindi na mauhaw pa, o hindi uminom at buong kahangalang mauhaw pa rin.

(Lawrence E. Corbridge, “Ang Daan,” Ensign o Liahona, Nob. 2008, 34)

  • Ano ang mga bagay na binabalingan kung minsan ng mga tao para sa kaligayahan at kaganapan na maaaring mag-iwan sa kanila ng espirituwal na pagkauhaw o pakiramdam na hindi lubos na nasisiyahan?

  • Sa iyong palagay, bakit bumabaling kung minsan ang mga tao sa mga bagay na hindi nagdudulot ng walang hanggang kasiyahan?

  • Ano ang iniaalok ni Jesucristo na naghahatid ng walang hanggang kaligayahan at kaganapan?

Isipin kung paano nauugnay ang mga tanong na ito sa sarili mong buhay. May mga bagay ka bang binabalingan para sa kaligayahan at kaganapan na hindi ganap na nakatutugon sa mga hangaring iyon? Ano ang mga naranasan mo nang madama mo ang walang hanggang kapayapaan at kaligayahan na maaari lamang magmula kay Jesucristo?

Tubig na buhay

Jesus Christ depicted teaching a Samaritan woman at a well. Christ is portrayed sitting on the edge of the well. The woman is seated on the ground before Him.

Alalahanin mula sa pag-aaral mo ng Juan 4 sa nakaraang lesson na itinuro ni Jesus sa isang babaeng Samaritana ang tungkol sa tubig na buhay, na “sagisag ng Panginoong Jesucristo at ng Kanyang mga turo” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Buhay na Tubig,” scriptures.ChurchofJesusChrist.org).

Isiping hiniling sa iyong maghanda ng isang mensahe para sa sacrament meeting tungkol sa tubig na buhay na ibinibigay ni Jesucristo. Bilang bahagi ng iyong mensahe, hiniling sa iyong tukuyin (1) kung ano ang tubig na buhay, (2) kung bakit natin ito kailangan, at (3) kung paano natin ito matatanggap mula sa Tagapagligtas. Gamit ang mga sumusunod na banal na kasulatan, pahayag, at tanong, gayundin ang anumang karagdagang tulong na maaari mong mahanap nang mag-isa, ihanda ang iyong mga ideya at ayusin ang iyong mensahe.

Tubig na Buhay

Basahin ang mga sumusunod na scripture passage at pahayag, at maghanap ng mga kabatiran tungkol sa tubig na buhay na ibinibigay ni Jesucristo.

Itinuro ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Elder David A. Bednar, Quorum of the Twelve Apostles official portrait. 2020.

Ang tubig na buhay na tinutukoy sa [Juan 4:10] ay sumasagisag sa Panginoong Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. At tulad ng tubig na kinakailangan para mabuhay, gayon din ang Tagapagligtas at ang Kanyang mga doktrina, alituntunin, at ordenansa ay kinakailangan para sa buhay na walang hanggan. Kailangan natin ang Kanyang tubig na buhay araw-araw at sapat na suplay nito na tutulong sa patuloy na paglakas at pag-unlad natin sa espirituwal.Ang mga banal na kasulatan ay naglalaman ng mga salita ni Cristo at ang mga ito ay imbakan ng tubig na buhay na nasa atin na at makaiinom tayo nang marami at sagana. Dapat tayong umasa at lumapit kay Cristo, na siyang “bukal ng mga buhay na tubig” (1 Nephi 11:25; ikumpara sa Eter 8:26; 12:28), sa pamamagitan ng pagbabasa (tingnan sa Mosias 1:5), pag-aaral [tingnan sa Doktrina at mga Tipan 26:1], pagsasaliksik (tingnan sa Juan 5:39; Alma 17:2), at pagpapakabusog (tingnan sa 2 Nephi 32:3) sa mga salita ni Cristo na nakapaloob sa mga banal na kasulatan. Sa paggawa nito, tayo ay makatatanggap ng espirituwal na paggabay at pangangalaga habang tayo ay naglalakbay sa buhay na ito.

(David A. Bednar, “A Reservoir of Living Water” [Church Educational System fireside para sa mga young adult, Peb. 4, 2007], 1, broadcasts.ChurchofJesusChrist.org)

Itinuro ni Elder Joseph B. Wirthlin (1917–2008) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Last official portrait of Elder Joseph B. Wirthlin of the Quorum of the Twelve Apostles, 2004. Died December 1, 2008.

Napakaraming taong ayaw magpakabusog sa ebanghelyo ni Jesucristo at tinitikman lang ang pagkain sa harapan nila. Ginagawa nila ang nakagawian—siguro dumadalo sa mga miting, pabasa-basa nang kaunti sa mga banal na kasulatan, paulit-ulit sa pananalangin—ngunit malayo ang mga puso nila. Kung magiging tapat sila, aaminin nilang mas interesado sila sa pinakahuling tsismis sa kapitbahay, sa galaw ng stock market, at sa paborito nilang palabas sa TV, kaysa sa mga kahanga-hangang himala at magiliw na pagmiministeryo ng Banal na Espiritu.Nais ba ninyong makibahagi rito sa tubig na buhay at madama ang banal na balon na iyon na bumubukal sa inyo tungo sa buhay na walang hanggan?Kung gayon ay huwag matakot. Maniwala nang buong puso. Magkaroon ng matatag na pananalig sa Anak ng Diyos. Hayaang manalangin nang taimtim ang inyong puso. Puspusin ang inyong isipan ng kaalaman tungkol sa Kanya. Talikuran ang inyong mga kahinaan. Mabuhay sa kabanalan at sundin ang mga utos.

(Joseph B. Wirthlin, “Ang Masaganang Buhay,” Ensign o Liahona, Mayo 2006, 100)

Batay sa natutuhan mo sa pag-aaral ng resources na ito o ng iba pa, simulang gumawa ng outline para sa iyong mensahe. Tiyaking masasagot ng outline mo ang mga sumusunod na tanong. Pag-isipan din kung paano mo maipababatid ang nadarama mo tungkol kay Jesucristo sa iyong mensahe. Isiping magbahagi ng mga personal na karanasan mo sa pagtanggap ng tubig na buhay ng Tagapagligtas at kung paano nakaimpluwensya sa iyo ang mga karanasang iyon.

  • Ano ang tubig na buhay na ibinibigay ni Jesucristo?

  • Bakit natin kailangan ang tubig na buhay ng Tagapagligtas?

  • Ano ang magagawa natin para matanggap ang tubig na buhay mula sa Tagapagligtas?

  • Paano nakaaapekto sa nadarama mo tungkol sa Tagapagligtas ang kaalamang nais Niya na makibahagi ang lahat ng tao sa Kanyang tubig na buhay?

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. 1. Isulat ang outline ng iyong mensahe sa iyong study journal. Isusumite ang outline mo sa iyong titser.

Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

Paano nauugnay ang tubig na buhay na ibinibigay ni Jesucristo sa sakramento?

Habang naglilingkod bilang Pangalawang Tagapayo sa Primary General Presidency, itinuro ni Sister Cheryl A. Esplin:

Final official portrait of Cheryl A. Esplin, second counselor in the Primary general presidency, 2011. Released as second counselor and sustained as first counselor at the April 2015 general conference. Released at the April 2016 general conference.

Ang ating sugatang kaluluwa ay mapapagaling at mapapanibago hindi lang dahil ipinapaalala sa atin ng tinapay at tubig ang pag-aalay ng Tagapagligtas ng Kanyang laman at dugo kundi dahil ipinapaalala rin sa atin nito na Siya ang ating laging magiging “tinapay ng kabuhayan” [Juan 6:48] at “tubig na buhay” [Juan 4:10].

Matapos pangasiwaan ang sakramento sa mga Nephita, sinabi ni Jesus:

“Siya na kumakain ng tinapay na ito ay kumakain ng aking katawan sa kanyang kaluluwa; at siya na umiinom ng alak na ito ay umiinom ng aking dugo sa kanyang kaluluwa; at ang kanyang kaluluwa ay hindi kailanman magugutom ni mauuhaw, kundi mabubusog.

“Ngayon, nang matapos makakain at makainom na lahat ang maraming tao, masdan, sila ay napuspos ng Espiritu” [3 Nephi 20:8–9].

Sa mga salitang ito, itinuturo sa atin ni Cristo na pinagagaling at pinaninibago ng Espiritu ang ating mga kaluluwa. Ang ipinangakong pagpapala ng sakramento ay sa “tuwina ay mapapasa[atin] ang kanyang Espiritu” [Doktrina at mga Tipan 20:77].

(Cheryl A. Esplin, “Ang Sakramento—Isang Pagpapanibago ng Kaluluwa,” Ensign o Liahona, Nob. 2014, 13)

10:39

Ang Sakramento—Isang Pagpapanibago ng Kaluluwa

Mensahe ni Cheryl A. Esplin sa Pangkalahatang Kumperensya ng Oktubre 2014.

Paano ako matutulungan ng tubig na buhay ng Tagapagligtas na madaig ang masasamang impluwensya ng mundo?

Itinuro ni Pangulong James E. Faust (1920–2007) ng Unang Panguluhan:

Last official portrait of President James E. Faust, Second Counselor in the First Presidency, 2001. Died 10 August 2007.

Marami sa espirituwal na polusyon na dumarating sa ating buhay ang nagmumula sa Internet, mga laro sa computer, palabas sa telebisyon at pelikula na talagang nagpapahiwatig ng kahalayan o nagpapakita ng mababang uri ng pagkatao. Dahil nabubuhay tayo sa ganitong kapaligiran, kailangan nating dagdagan ang ating espirituwal na lakas.

Isinalaysay ni Enos ang pagkagutom ng kanyang kaluluwa at ang pagdarasal niya buong araw hanggang gabi sa pagsusumamo para sa kanyang kaluluwa [tingnan sa Enos 1:4]. Nanabik siya sa mga espirituwal na sustansyang pumapawi sa pagkauhaw sa espirituwal na katotohanan. Tulad ng sinabi ng Tagapagligtas ng mundo sa babae sa tabi ng balon sa Samaria, “Ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay hindi na mauuhaw magpakailan man; nguni’t ang tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan” [Juan 4:14].

(James E. Faust, “Mga Espirituwal na Sustansya,” Ensign o Liahona, Nob. 2006, 55)