Seminary
Juan 3:14–17


Juan 3:14–17

“Sapagkat Gayon na Lamang ang Pag-ibig ng Diyos sa Sanlibutan”

Bumalik muli si Jesus sa halamanan upang patuloy na manalangin at nagdanas Siya ng matinding sakit.

Tulad ng nakatala sa Juan 3, itinuro ni Jesus kay Nicodemo ang tungkol sa Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo nang sabihin Niya na “[itataas] ang Anak ng Tao: upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan” (Juan 3:14–15). Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson, “Kapag naglaan tayo ng oras sa pag-aaral tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo, mahihikayat tayong makilahok sa isa pang mahalagang sangkap sa paghugot ng lakas sa Kanya: pinipili nating sumampalataya sa Kanya at tularan Siya” (“Paghugot ng Lakas kay Jesucristo sa Ating Buhay,” Liahona, Mayo 2017, 40). Bibigyan ka ng lesson na ito ng mga pagkakataon na palakasin ang iyong pananampalataya kay Jesucristo habang mas marami ka pang natututuhan tungkol sa Kanyang Pagbabayad-sala.

Ano ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo?

Nananalangin si Jesucristo sa Halamanan ng Getsemani
Si Cristo na nakabayubay sa krus sa Kalbaryo

Tingnan ang mga larawan ni Jesus sa Getsemani at sa krus at isipin kung ano ang nalalaman mo tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo.

icon ng pagsusulat sa journal1. Kumpletuhin ang sumusunod na pahayag sa iyong study journal.

  • Isinugo ng Ama sa Langit si Jesucristo sa mundo upang magbayad-sala para sa atin upang …

  • Kabilang sa ilang bagay na naranasan ni Jesus sa Getsemani ang …

  • Si Jesus ay namatay sa krus dahil …

  • Kung hindi nagdusa si Jesus sa Getsemani at namatay sa krus, tayo ay …

Sa lesson na ito, marami ka pang malalaman tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo at sa pagmamahal na ipinakita ng Ama sa Langit nang isugo Niya ang Kanyang Anak sa mundo. Habang nag-aaral ka, pagtuunan ng pansin ang mga pahiwatig ng Espiritu Santo na makatutulong sa iyo na mas mapahalagahan ang sakripisyo ni Jesucristo para sa iyo at mapalakas ang iyong pananampalataya sa Kanya.

Ang Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas

Ang mga sumusunod na scripture passage at pahayag ay nagtuturo tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Maglaan ng 10 hanggang 15 minuto upang mabasa nang mabuti ang mga source na ito (o ang iba pang mga source tungkol sa Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas na interesado kang pag-aralan o nahanap mo bago ang lesson na ito). Habang nagbabasa ka, isipin kung paano ka natutulungan ng bawat isa sa mga source na ito na mas maunawaan kung ano ang ginawa ng Ama sa Langit at ni Jesucristo para sa iyo at kung bakit Nila ito ginawa.

Itinuro ni Elder Tad R. Callister ng Pitumpu:

Brother Tad R. Callister

Ano kung gayon ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo? Sa isang banda, ito ay ang magkakasunod na mga banal na pangyayari na nagsimula sa Halamanan ng Getsemani, na nagpatuloy sa krus, at natapos sa Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas mula sa libingan. Ito ay ginawa dahil sa hindi kayang maunawaan na pag-ibig para sa bawat isa sa atin. Ito ay nangangailangan ng isang nilalang na walang kasalanan; na walang hanggan ang kapangyarihan sa mga elemento—maging sa kamatayan; na nagtataglay ng walang hanggang kakayahang pagdusahan ang mga ibinunga ng lahat ng ating mga kasalanan at sakit; at sa katunayan ay nagpakababa-baba sa lahat ng bagay [tingnan sa Doktrina at mga Tipan 88:6]. Ito ang misyon ni Jesucristo—ito ang Kanyang Pagbabayad-sala.

Ano kung gayon ang layunin nito? Ito ay upang gawing posible para sa atin na bumalik sa piling ng Diyos, maging mas katulad Niya, at magkaroon ng lubos na kagalakan. Ito ay nagawa sa pamamagitan ng pagdaig sa apat na hadlang:

  1. Pisikal na kamatayan

  2. Espirituwal na kamatayan na dulot ni Adan at ng ating mga kasalanan

  3. Ang ating mga paghihirap at sakit

  4. Ang ating mga kahinaan at pagiging hindi perpekto

(Tad R. Callister, “Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo,” Liahona, Mayo 2019, 85)

icon ng pagsusulat sa journal 2. Sa iyong study journal, sagutin ang mga sumusunod na tanong sa kahit tatlong pangungusap lang.

  • Ano ang naramdaman o nalaman mo habang pinag-aaralan mo ang tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala?

Paano naipakita ang pagmamahal ng Ama sa pagsusugo ng Kanyang Anak?

icon ng Doctrinal Mastery Ang Juan 3:16 ay isang doctrinal mastery passage. Maaari mong markahan ang mga doctrinal mastery passage sa paraang madali mo itong mahahanap. Marami ka pang matututuhan tungkol sa doctrinal mastery passage na ito sa susunod na lesson.

Isa sa mga katotohanang binigyang-diin ng Tagapagligtas nang ituro Niya kay Nicodemo ang tungkol sa Kanyang Pagbabayad-sala (tingnan sa Juan 3:14–17) ay ang katotohanang mahal na mahal ng Ama sa Langit ang Kanyang mga anak kaya isinugo Niya ang Kanyang Bugtong na Anak upang magbayad-sala para sa atin.

Itinuro ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan kung paano nakikita ang pagmamahal ng Ama sa Langit sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas:

Pangulong Dallin H. Oaks

Wala nang hihigit na katibayan sa walang-katapusang kapangyarihan at kaganapan ng pag-ibig ng Diyos na ipinahayag ni Apostol Juan: “Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak” (Juan 3:16). Isa pang Apostol ang sumulat na ang Diyos ay “hindi ipinagkait ang kanyang sariling Anak, kundi ibinigay dahil sa ating lahat” (Mga Taga Roma 8:32). Isipin na lamang kung gaano ang pighati ng ating Ama sa Langit sa pagsusugo ng Kanyang Anak upang tiisin ang di-maarok na pagdurusa para sa ating mga kasalanan. Iyan ang pinakamalaking katibayan ng Kanyang pagmamahal sa bawat isa sa atin!

(Dallin H. Oaks, “Pag-ibig at Batas,” Liahona, Nob. 2009, 26)

  • Ano ang natutuhan mo mula sa pahayag na ito?

 ChurchofJesusChrist.org

4:48

For God So Loved the World

Give thanks for the Lord Jesus Christ: His life, His atoning sacrifice, and His Resurrection. John 3:16

icon ng pagsusulat sa journal 3. Sa iyong study journal, sumulat ng dalawa o tatlong pangungusap na naglalarawan ng iyong mga saloobin o patotoo tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala.

Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

Paano ko magagamit ang lakas na ibinibigay sa akin ni Jesucristo sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala?

Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson ang sumusunod tungkol sa paghugot ng lakas kay Jesucristo sa ating buhay:

Pangulong Russell M. Nelson

Tinutukoy nating mga Banal sa mga Huling Araw ang Kanyang misyon bilang Pagbabayad-sala ni Jesucristo, kaya naging totoo ang pagkabuhay na mag-uli para sa lahat at naging posible ang buhay na walang hanggan para sa mga nagsisisi sa kanilang mga kasalanan at tumatanggap at tumutupad ng mga kinakailangang ordenansa at tipan. …

… Ang ating mga tipan ang nagbubuklod sa atin sa Kanya at nagbibigay sa atin ng lakas mula sa Diyos. Bilang matatapat na disipulo, tayo ay nagsisisi at sumusunod sa Kanya sa mga tubig ng binyag. Tinatahak natin ang landas ng pakikipagtipan tungo sa pagtanggap ng iba pang mga kinakailangang ordenansa. …

Ang mga lalaki at babaeng tumutupad sa tipan ay naghahanap ng mga paraan para mapanatiling walang bahid-dungis ang kanilang sarili mula sa sanlibutan para walang makahadlang sa paghugot nila ng lakas sa Tagapagligtas.

(Russell M. Nelson, “Paghugot ng Lakas kay Jesucristo sa Ating Buhay,” Liahona, Mayo 2017, 40, 41)

Paano ko malalaman kung nagkakaroon ng epekto si Jesucristo at ang Kanyang kapangyarihan sa buhay ko?

Itinuro ni Pangulong Henry B. Eyring ng Unang Panguluhan:

Pangulong Henry B. Eyring

Kung nadarama ninyo ang impluwensya ng Espiritu Santo ngayon, maituturing ninyong katibayan ito na nagkakaroon ng epekto ang Pagbabayad-sala [ni Jesucristo] sa inyong buhay. Sa kadahilanang iyan at sa marami pang iba, makabubuting ilagay ninyo ang inyong sarili sa mga lugar at mga gawain na nag-aanyaya ng mga pahiwatig ng Espiritu Santo.

(Henry B. Eyring, “Gifts of the Spirit for Hard Times,” Ensign, Hunyo 2007, 23)

Saan ko matututuhan pa ang tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo?

Isaisip na palalimin ang iyong naunawaan tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang Pagbabayad-sala sa pamamagitan ng paggamit ng mga tulong sa pag-aaral ng banal na kasulatan gaya ng entry sa Mga Paksa ng Ebanghelyo na pinamagatang “Pagbabayad-sala ni Jesucristo” (ChurchofJesusChrist.org) o hanapin ang “ Bayad-sala, Pagbabayad-sala ” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan (scriptures.ChurchofJesusChrist.org). Ang mga tulong na ito sa pag-aaral ng banal na kasulatan ay naglalaman ng mahahalagang kaalaman, banal na kasulatan, mensahe, video, at iba pang resources na nagtuturo tungkol sa Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas.