Seminary
Juan 2


Juan 2

Ginawang Alak ni Jesus ang Tubig

Jesus talking to Mary at a wedding feast.

Ginawang alak ni Jesus ang tubig sa kasalan sa unang nakatalang himalang ginawa Niya sa Kanyang ministeryo sa lupa. Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan kang mapalakas ang iyong pananampalataya kay Jesucristo habang pinag-aaralan mo ang himalang ito at matukoy ang mga katotohanan tungkol sa kapangyarihan at katangian ng Tagapagligtas.

Sino ang pinagkakatiwalaan mo?

  • Posible bang lubos na magtiwala sa isang tao kung kaya’t mangangako kang gagawin mo ang anumang ipagagawa niya sa iyo?

  • Ano ang kailangan mong malaman tungkol sa taong iyon para maging handa kang gawin ang ganoong pangako?

Pagnilayan sandali kung sa palagay mo ay kilala mo nang husto ang Tagapagligtas kung kaya’t magtitiwala ka sa Kanya sa anumang ipagagawa Niya sa iyo. Habang pinag-aaralan mo ang Juan 2, maghanap ng katibayan ng Kanyang kapangyarihan at katangian na magpapaibayo sa iyong pagtitiwala sa Kanya at sa kahandaan mong sundin ang anumang ipagagawa Niya sa iyo.

Ang unang nakatalang himala ng ministeryo ni Jesus

Ang unang nakatalang himala sa panahon ng ministeryo ng Tagapagligtas sa lupa ay matatagpuan sa Juan 2. Bago mo pag-aralan ang salaysay na ito, maaaring makatulong na malaman na karaniwang mas sumasarap ang alak habang pinatatagal ang pag-imbak dito at na nakakahiyang maubusan ng alak ang mga punong abala ng kasalan.

2:26

Basahin nang dahan-dahan at nang mabuti ang Juan 2:1–11, at maaari mong markahan ang anumang bagay na pinakanapansin mo. Habang nag-aaral ka, maaari mong pagnilayan ang mga sagot sa mga tanong na tulad nito: Ano sa palagay mo ang alam ni Maria tungkol sa kanyang Anak? Ano sa palagay mo ang nalaman ng mga tagapagsilbi tungkol kay Jesus?

Para sa mga sumusunod na tanong, sagutin ang a at alinman sa bc.

a. Anong mga katotohanan ang natutuhan mo tungkol sa kapangyarihan ng Tagapagligtas at sa Kanyang katangian?b. May naiisip ka bang mga sitwasyon kung saan makatutulong ang mga katotohanang ito na nalaman mo sa isang tao ngayon?c. Paano nagdulot ng pagpapala sa iyong buhay ang mga katotohanang ito na nalaman mo tungkol kay Jesucristo?

“Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo.”

Tulad sa maraming pagkakataon sa Bagong Tipan, ang Pagsasalin ni Joseph Smith ng Juan 2:4 ay nakatutulong sa atin na magkaroon ng mga karagdagang kaalaman tungkol sa Tagapagligtas. Nakasaad rito na tinanong ni Jesus si Maria kung ano ang gusto nito na ipagawa sa Kanya at Kanyang gagawin; sapagkat ang Kanyang oras ay hindi pa dumarating (ihambing sa Juan 2:4  .

  • Ano ang itinuturo nito sa iyo tungkol sa ugnayan ng Tagapagligtas sa Kanyang ina?

Maaari mong markahan ang sinabi ni Maria sa mga tagapagsilbi, na nakatala sa talata 5.

  • Ano ang itinuturo sa iyo ng mga tagubilin ni Maria sa mga tagapagsilbi tungkol sa kanyang pananampalataya kay Jesus?

Ipinaliwanag ni Elder L. Whitney Clayton ng Pitumpu ang ilang bagay na alam ni Maria tungkol kay Jesus na nagpalakas ng kanyang pananampalataya sa Kanya.Maaari mong panoorin ang video na “Gawin Ninyo ang Anomang sa Inyo’y Kaniyang Sabihin” (mapapanood sa ChurchofJesusChrist.org) mula sa time code na 1:40 hanggang 2:29, o basahin ang sumusunod na pahayag.

12:46

Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

Labag ba ang pag-inom ng alak sa mga kautusan noong kapanahunan ng Biblia?

Maraming mababasa sa Biblia na tumutukoy sa kasamaang dulot ng paglalasing at matatapang na inumin (halimbawa, tingnan sa Mga Kawikaan 23:20–21; Isaias 5:11–12; Efeso 5:18). Hindi partikular na binanggit sa mga scripture verse na ito ang pagbabawal sa pag-inom ng alak, kundi ang pagkundena sa pagpapakasasa sa alak at paglalasing. Sa ating panahon, inihayag ng Panginoon ang Word of Wisdom, na nagbabawal sa pag-inom ng alak [tingnan sa Doktrina at mga Tipan 89:4–7]. Iwasan nating husgahan ang mga tao ng mga naunang dispensasyon batay sa mga kautusang ibinigay sa atin ng Panginoon sa ating panahon.

(New Testament Student Manual [2018], ChurchofJesusChrist.org)

Bakit tinawag ni Jesus ang Kanyang ina na “Babae”?

Ipinaliwanag ni Elder James E. Talmage (1862–1933) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Portrait of James E. Talmage.

Ang pagtawag ng, “Babae,” ng isang anak sa kanyang ina ay tila masakit pakinggan, kung hindi man kawalang-paggalang, ngunit ang paggamit ng salitang ito ay tunay na nagpapakita ng paggalang. … Sa huli at malagim na pangyayari sa Kanyang buhay sa mundo, noong si Cristo ay naghihingalo sa krus, tiningnan Niya ang umiiyak na si Maria, ang Kanyang ina, at inihabilin ito sa pangangalaga ng Kanyang minamahal na apostol na si Juan, sa ganitong mga salita: “Babae, narito ang iyong anak!” [Juan 19:26]. Hindi ba nararapat lang na isipin na sa pinakahuling sandaling ito, ang pagmamalasakit ng Panginoon sa ina na iiwan Niya dahil sa Kanyang kamatayan ay bunsod ng paggalang, pagkahabag at pagmamahal?

(James E. Talmage, Jesus the Christ [1916], 144–45).

Juan 2:6.

Ano ang isang banga?

Ang isang banga ay humigit-kumulang siyam na US gallon (34 na litro), kaya ang anim na tapayan ay nalalagyan ng humigit-kumulang 100 hanggang 160 galon (humigit-kumulang 380 hanggang 600 litro).

Juan 2:5.

Bakit mahalagang gawin ang “anumang sabihin [ng Diyos] sa [iyo]”?

Itinuro ni Elder L. Whitney Clayton ng Pitumpu:

Official Portrait of Elder L. Whitney Clayton. Photographed March 2017.

Kapag nagpasiya tayong gawin ang “anomang sabihin ng [Diyos]” sa atin, nangangako tayo nang buong katapatan na iaayon sa kalooban ng Diyos ang pag-uugali natin sa araw-araw. Ang mga simpleng gawa ng pananampalataya tulad ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan araw-araw, regular na pag-aayuno, at pananalangin nang may tunay na layunin ay nagpapalakas sa ating espirituwal na kakayahan upang matugunan ang mga pangangailangan ng buhay. Sa paglipas ng panahon, ang mga simpleng gawa ng pananampalataya ay nagbubunga ng mga himala. Ang maliit nating pananampalataya ay lumalaki para sa ikabubuti ng ating buhay. …

… Kapag nagtitiwala at sumusunod tayo sa Kanya, nagbabago ang ating buhay, tulad ng tubig na naging alak. Nagiging higit pa tayo sa kung ano sana ang kinahinatnan na natin. Magtiwala sa Panginoon, at “gawin ninyo ang anomang sa inyo’y kaniyang sabihin.”

(L. Whitney Clayton, “Gawin Ninyo ang Anomang sa Inyo’y Kaniyang Sabihin,” Ensign o Liahona, Mayo 2017, 97–99)