Seminary
Doctrinal Mastery: Juan 3:5


Doctrinal Mastery: Juan 3:5

Ipanganak ng Tubig at ng Espiritu upang Makapasok sa Kaharian ng Diyos

batang babaeng binibinyagan

Sa nakaraang lesson, pinag-aralan mo ang mga salita ng Tagapagligtas kay Nicodemo tungkol sa espirituwal na pagsilang na muli sa pamamagitan ng mga ordenansa ng binyag at kumpirmasyon. Sa lesson na ito, maaari kang magsanay na ipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman gamit ang doktrina na dapat tayong ipanganak ng tubig at ng Espiritu upang makapasok sa kaharian ng Diyos.

Isaulo at ipaliwanag

Kunwari ay hinilingan kang magturo sa isang klase sa Primary tungkol sa katotohanang ito na itinuro sa Juan 3:5: dapat tayong ipanganak ng tubig at ng Espiritu upang makapasok sa Kaharian ng Diyos.

icon ng pagsusulat sa journal 1. Isulat sa iyong study journal ang sagot mo sa sumusunod na prompt.

  • Paano mo ipaliliwanag sa klase sa Primary kung ano ang ibig sabihin ng doktrinang ito? Isama ang mga ideya tungkol sa ginagampanan ng Tagapagligtas sa prosesong ito, tulad ng itinuro sa Alma 7:14.

Ang sumusunod na pagsasanay ay makatutulong sa iyo na maalala ang doctrinal mastery passage at maisaulo ang mahalagang parirala nito. May katulad na aktibidad sa Doctrinal Mastery app na maaari mong gawin kung may access ka rito. Gamit ang lapis, isulat sa iyong study journal ang, “Juan 3:5: Malibang ang isang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos.” Sabihin ang parirala nang malakas o sa iyong isipan nang ilang beses. Pumili ng tatlo o apat na salita at burahin ang lahat maliban sa unang letra ng bawat isa sa mga salitang ito. Sabihing muli ang parirala nang ilang beses. Ulitin ang aktibidad na ito hanggang sa mga unang letra na lamang ng bawat salita ang matira, tulad ng makikita rito: “J____ 3:_M___ a__ i___ t__ i______ n_ t____ a_ n_ E______, h___ s___ m________ s_ k______ n_ D____.” Ulitin ang parirala nang ilang beses gamit ang mga unang titik, at pagkatapos ay subukang bigkasin ito nang hindi tumitingin.

Pagsasabuhay

Ipagpalagay na may kaibigan kang nagngangalang Meghan na miyembro ng Simbahan, ngunit ang kanyang ina ay hindi. Ang kanyang ina ay naniniwala kay Jesucristo at sa Biblia ngunit hindi kasapi ng anumang partikular na simbahan. Tinanong ka ni Meghan, “Hindi ba makakapunta sa langit ang nanay ko nang hindi nabibinyagan kahit namumuhay siya nang mabuti?”

  • Ano kaya ang ilang dahilan kung bakit itinatanong ito ni Meghan?

  • Bakit mahalagang maunawaan ang mga dahilan niya sa pagtatanong nito bago subukang tulungan siyang makahanap ng mga sagot?

Upang matulungan si Meghan na makahanap ng sagot sa kanyang tanong tungkol sa kahalagahan ng binyag, magagamit mo ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

Kumilos nang may pananampalataya

Basahin ang talata 5–7 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document (2022). Maaari mong salungguhitan ang mga salita o parirala na makatutulong para maiangkop sa sitwasyong ito.

  • Anong mga salita o parirala ang sinalungguhitan mo? Paano mo maiaangkop ang mga ito sa sitwasyong ito?

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

Basahin ang talata 8–10 sa parehong bahagi ng Doctrinal Mastery Core Document. Maaari mong salungguhitan ang mga salita o parirala na makatutulong para maiangkop sa sitwasyong ito.

  • Anong mga salita o parirala ang sinalungguhitan mo? Paano mo maiaangkop ang mga ito sa sitwasyong ito?

Hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ng mga itinalagang sources na ibinigay ng Diyos

Basahin ang talata 11–12 sa parehong bahagi ng Doctrinal Mastery Core Document. Maaari mong salungguhitan ang mga salita o parirala na makatutulong para maiangkop sa sitwasyong ito.

  • Anong mga salita o parirala ang sinalungguhitan mo? Paano mo maiaangkop ang mga ito sa sitwasyong ito?

icon ng pagsusulat sa journal 2. Batay sa natutuhan mo mula sa iyong pag-aaral ng Juan 3:5, ipaliwanag kung paano mo tutulungan si Meghan na magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang masagot ang kanyang tanong.