Mateo 4:1–11, Bahagi 2
Pagtulad sa Halimbawa ng Tagapagligtas sa Paglaban sa Tukso
Sa lesson na ito, maaari mong patuloy na pag-aralan kung paano napaglabanan ng Tagapagligtas ang mga tukso. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na matularan ang Kanyang halimbawa at maalala ang mga katotohanan mula sa mga banal na kasulatan para matulungan kang mapaglabanan ang tukso sa iyong buhay.
Paglaban sa tukso
Kunwari ay nagtapat sa iyo ang kaibigan mong si Jacob na nahihirapan siyang mapaglabanan ang tukso. Ipinaliwanag niya na talagang gusto niyang mapaglabanan ito pero nahihirapan siyang malaman kung ano ang gagawin kapag dumarating ang tukso.
-
Ano ang ibabahagi mo sa kanya, at bakit?
Alalahanin ang karanasan ng Tagapagligtas na nakatala sa Mateo 4:1–11, nang harapin at napaglabanan ng Tagapagligtas ang mga tukso ni Satanas. Ang isa sa mga paraan kung paano Niya nagawa ito ay sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng alituntuning ito: ang pag-alaala at pagsasabuhay ng mga katotohanan mula sa mga banal na kasulatan ay makatutulong sa ating humugot ng lakas sa Panginoon upang mapaglabanan ang tukso.Pag-aralan ang Mateo 4:1–11. Tumuon sa talata 4, 7, at 10, at alamin kung paano ipinamuhay ng Tagapagligtas ang alituntuning ito. Pansinin na nang sabihin ni Jesus na, “Nasusulat din naman,” ang tinutukoy Niya ay ang mga salitang nakasulat sa mga banal na kasulatan.
-
Paano nauugnay ang mga scripture passage na binanggit ng Tagapagligtas sa mga tuksong napaglabanan Niya?
Maglaan ng ilang minuto para maisulat ang iyong mga naiisip tungkol sa kung bakit kailangan mo ng tulong upang mapaglabanan ang tukso. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong:
-
Gaano ka kadalas bumaling sa Panginoon sa pamamagitan ng mga banal na kasulatan upang matulungan kang mapaglabanan ang tukso? Bakit?
-
Ano ang mga naging karanasan mo sa pagbaling sa Panginoon sa pamamagitan ng mga banal na kasulatan upang matulungan kang mapaglabanan ang tukso?
Gawin ang mga sumusunod na aktibidad sa iyong study journal:
1.
-
Tukuyin at ilista ang ilang tuksong karaniwang kinakaharap ng mga kabataang kaedad mo.
-
Tukuyin at ilista ang mga scripture passage na makatutulong sa paglaban sa bawat isa sa mga tuksong ito, at magsama ng maikling paliwanag kung paano makatutulong ang bawat scripture passage.
Halimbawa, maaari mong makita na ang mga salita ng Tagapagligtas sa 3 Nephi 18:15 ay makatutulong sa iyo na maunawaan na kailangan mong laging maging alisto at masigasig na manalangin habang pinagsisikapan mong mapaglabanan ang tukso.Kung nahihirapan kang makahanap ng mga banal na kasulatan na makatutulong sa iyo, maaari mong saliksikin ang mga doctrinal mastery passage, o ang mga reperensya sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan sa mga paksang “Tukso, Panunukso,” “Makapagtiis,” o iba pang paksang nauugnay sa tukso o isang partikular na tukso.
Maaari mong lagyan ng kakaibang marka ang mga scripture passage na ito at ilista ang mga ito sa iyong mga banal na kasulatan o study journal kung saan madali mong mahahanap ang mga ito. Kung gumagamit ka ng mga electronic scripture, maaari kang gumawa ng isang tag at maaari mong idagdag ang mga scripture passage dito. Kung kailangan mong matutuhan kung paano ito gawin, pumunta sa Gospel Library User Guide (Android) o Gospel Library User Guide (iOS) sa ChurchofJesusChrist.org. Piliin ang Marking content sa ilalim ng heading na “Learning More.”
May iba’t ibang paraan kung paano mo matutularan ang halimbawa ng Tagapagligtas at kung paano ka makatatanggap ng lakas mula sa mga banal na kasulatan.Piliing gawin ang aktibidad A o B na makatutulong sa iyo na matularan ang halimbawa ng Tagapagligtas sa paglaban sa tukso. Humingi ng inspirasyon mula sa Espiritu Santo habang nagpapasya ka kung aling aktibidad ang lubos na makatutulong sa iyo.
2. Pumili ng isa sa mga sumusunod na aktibidad na gagawin sa iyong study journal.
Aktibidad A: Magsaulo
Pumili ng isang reperensyang banal na kasulatan mula sa mga tinukoy mo, at isaulo ang isang mahalagang parirala mula rito o ang buong scripture passage. Narito ang ilang paraan na maaaring makatulong sa iyo:
-
Basahin ito nang ilang beses sa iyong sarili, at unti-unting alisin ang tingin sa banal na kasulatan sa bawat pagkakataon.
-
Isulat ang scripture passage o parirala. Burahin o i-cross out ang mga salita habang isinasaulo mo ang mga ito, at ulitin hanggang sa mabura o ma-cross out ang lahat ng salita at kaya mo nang ulitin ang scripture passage o parirala nang walang kopya.
-
I-import ang banal na kasulatan sa Doctrinal Mastery app, at gamitin ang mga tool sa pagsasaulo sa app.
Aktibidad B: Magnilay at magsulat
Pag-isipang mabuti kung paano makatutulong ang regular na pag-aaral ng banal na kasulatan upang mapaglabanan mo ang tukso sa iyong buhay o kung anong mga pagbabago ang magagawa mo upang madagdagan ang mga pagpapalang matatamo mo sa pamamagitan ng ibayong pagsisikap na regular na pag-aralan ang mga banal na kasulatan.Magsulat ng isang social media o blog post na makatutulong sa iba na mas hangaring pag-aralan ang mga banal na kasulatan. Magsulat sa paraang makatutulong sa kanila na hangarin ang kapangyarihan ng Panginoon upang tulungan silang mapaglabanan ang tukso. Magsama ng kahit isang reperensyang banal na kasulatan na natukoy mo ngayon. Maaari ka ring magbahagi ng naging karanasan mo sa mga banal na kasulatan na nakadagdag sa kakayahan mong mapaglabanan ang tukso, nang hindi nagbabahagi ng anumang detalye tungkol sa tukso.
Personal na pagninilay
Bilang pagtatapos, pagnilayan ang natutuhan mo ngayon, at pag-isipan ang iyong mga sagot sa mga sumusunod na tanong:
-
Paano makatutulong sa iyo ang pagpapatuloy sa ginawa mo ngayon (pag-aaral, pagsasaulo, at pag-alaala sa mga banal na kasulatan) na maging higit na katulad ni Jesucristo?
-
Ano sa palagay mo ang kailangan mong simulang gawin, itigil na gawin, o patuloy na gawin?
Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?
Paano ako matutulungan ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan?
Ipinaliwanag ni Pangulong Russell M. Nelson kung paano tayo mabibigyan ng regular na pag-aaral ng Aklat ni Mormon ng lakas na mapaglabanan ang tukso:
Mahal kong mga kapatid, ipinangangako ko na sa mapanalanging pag-aaral ng Aklat ni Mormon araw-araw, makagagawa kayo ng mas maiinam na desisyon—sa araw-araw. Ipinangangako ko na habang pinagninilayan ninyo ang inyong pinag-aaralan, ang mga durungawan ng langit ay mabubuksan, at tatanggap kayo ng mga sagot sa inyong sariling mga tanong at patnubay sa inyong buhay. Ipinangangako ko na sa araw-araw ninyong dibdibang pag-aaral ng Aklat ni Mormon, mapoprotektahan kayo laban sa mga kasamaan ngayon, pati na sa laganap na salot ng pornograpiya at ng iba pang nakamamanhid na mga adiksyon.
Russell M. Nelson, “Ang Aklat ni Mormon: Ano Kaya ang Buhay Ninyo Kung Wala Ito?,” Ensign o Liahona, Nob. 2017, 62–63)
Paano ako matutulungan ng pagsasaulo ng mga banal na kasulatan?
Itinuro ni Elder Richard G. Scott (1928–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol:
Maging matalino sa paggamit ng teknolohiya. Markahan ang mahahalagang talata sa inyong device at sumangguni sa mga ito nang madalas. Kung pag-aaralan ninyong mga kabataan ang isang talata sa banal na kasulatan nang kasindalas ng pagte-text ng ilan sa inyo, di-magtatagal at daan-daang talata ang maisasaulo ninyo. Ang mga talatang iyon ay mapapatunayang mabisang pagkunan ng inspirasyon at patnubay ng Espiritu Santo sa oras ng pangangailangan.
(Richard G. Scott, “Para sa Kapayapaan sa Tahanan,” Ensign o Liahona, Mayo 2013, 30)