Doctrinal Mastery: Juan 7:17
“Kung ang Sinuman ay Nagnanais Gumawa ng Kalooban ng Diyos ay Makikilala Niya Kung ang Turo ay Mula sa Diyos.”
Sa iyong pag-aaral ng Juan 7, natutuhan mo na inanyayahan tayo ni Jesus na gawin ang kalooban ng Ama sa Langit upang malaman natin na totoo ang Kanyang turo (tingnan sa talata 17). Ang lesson na ito ay tutulong sa iyo na maisaulo ang doctrinal mastery reference na ito at ang mahalagang parirala nito, maipaliwanag ang doktrina, at maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang sitwasyon sa totoong buhay.
Isaulo at ipaliwanag
Subukang bigkasin ang reperensyang banal na kasulatan at ang mahalagang parirala nito sa ibaba habang tinatakpan ang isa sa tatlong bahagi. Kapag kaya mo nang bigkasin ang isa sa tatlong bahagi nang walang kopya, takpan ang isa pang bahagi at bigkasin ang reperensyang banal na kasulatan at mahalagang parirala nito nang ilang beses pa. Ipagpatuloy ang prosesong ito hanggang sa mabigkas mo na ang lahat nang hindi ito tinitingnan.
Juan 7:17
“Kung ang sinuman ay nagnanais gumawa ng kalooban ng Diyos,
ay makikilala niya kung ang turo ay mula sa Diyos.”
Basahin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan.
Dapat nating tandaan na ang pagkakaroon ng patotoo ay hindi bagay na basta lang darating sa atin kundi isang proseso na inaasahan ang pagkilos natin.
(Dallin H. Oaks, “Patotoo,” Ensign o Liahona, Mayo 2008, 27)
-
Sa iyong palagay, paano nauugnay ang pahayag ni Pangulong Oaks sa itinuro ng Tagapagligtas sa Juan 7:17?
Pagsasanay para sa pagsasabuhay
Maglaan ng ilang minuto na rebyuhin ang mga alituntunin sa mga talata 5–12 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022). Pumili ng isa sa mga alituntunin na pag-aaralan nang mas mabuti.
-
Paano mo maipaliliwanag nang maikli ang alituntuning pinili mo sa isang taong maaaring hindi pamilyar dito?
Kapag naunawaan mo ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman, matutulungan mo ang iyong sarili at ang iba na magkaroon ng patotoo o harapin ang kawalang-katiyakan. Gamitin ang sumusunod na sitwasyon bilang pagsasanay sa pagtulong sa isang kaibigan.Habang nakikipag-usap ka sa kaibigan mong si Luis, sinabi niya sa iyo na wala siyang patotoo tungkol sa [pumili ng doktrina]. Naalala mo ang natutuhan mo sa Juan 7:17, at nang may kumpiyansa, ipinaliwanag mo na makatatanggap siya ng patotoo tungkol sa doktrinang ito sa pamamagitan ng [ipaliwanag kung ano ang maaaring gawin ni Luis upang makatanggap ng patotoo tungkol sa doktrinang ito]. Kapansin-pansin ang pagkadismayado ni Luis nang sabihin niya sa iyong, “Ilang beses ko nang sinubukang gawin iyan, ngunit hindi ko pa rin maramdamang totoo iyon.”
-
Ano ang ilang posibleng dahilan kung bakit maaaring hindi madama ni Luis na mayroon siyang patotoo?
Gamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman, tulungan si Luis na maunawaan kung anong mga balakid ang maaaring kinakailangan niyang madaig upang magkaroon ng patotoo. Maaari mong gamitin ang mga sumusunod na tanong o iba pang maiisip mo upang makapaghanda ng sagot para matulungan si Luis.
Kumilos nang may pananampalataya
-
Sa iyong palagay, bakit mahalagang patuloy na ipamuhay ang mga turo ng Tagapagligtas kahit hindi dumarating ang patotoo sa oras kung kailan natin ito gusto?
-
Anong karanasan ang maibabahagi mo kay Luis tungkol sa pagsisikap na kailangang gawin upang magkaroon ng patotoo?
Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw
-
Ano sa palagay mo ang nais ng Ama sa Langit na malaman ng isang taong katulad ni Luis tungkol sa pagkakaroon ng patotoo?
-
Paano maaaring makatulong kay Luis ang pag-unawa na ang patotoo ay nagmumula sa Ama sa Langit at hindi lamang natatamo sa paglipas ng panahon? (tingnan sa Mateo 16:13–17).
Hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ng mga itinalagang sources na ibinigay ng Diyos
-
Ano ang ilan sa mga sources na itinalaga ng Diyos na maaaring makatulong kay Luis na humingi ng tulong sa Panginoon upang magkaroon siya ng patotoo?
Isang halimbawa ng paggamit ng isang source na itinalaga ng Diyos ay ang pagbabasa sa mensahe ni Pangulong Dallin H. Oaks na “Patotoo,” na makukuha sa ChurchofJesusChrist.org, at pagbabahagi ng maikling pahayag mula rito na maaaring makatulong kay Luis.
1. Isulat sa iyong study journal ang sagot mo sa sumusunod na prompt.
Gamit ang mga nalaman mo habang pinagninilayan mo ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman, sumulat ng sagot kay Luis. Maaari kang magsama ng personal na karanasan, patotoo, at paanyaya kay Luis na kumilos nang may pananampalataya.