Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 18
Ipamuhay ang mga Doctrinal Mastery Passage
Ang isa sa mga layunin ng doctrinal mastery ay tulungan kang matutuhan kung paano ipamuhay ang doktrinang itinuro sa mga doctrinal mastery scripture passage sa mga sitwasyon sa totoong buhay. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng mga pagkakataon na masubukang maipamuhay ang ilan sa mga doctrinal mastery passage ng Bagong Tipan.
Mga doctrinal mastery passage
Ipagpalagay na 150 sa pinakamahuhusay na atleta sa mundo ang nagta-tryout upang maging goalkeeper sa isang pinakamahusay na soccer team. Naiisip mo ba kung gaano kahirap para sa mga coach na pumili lang ng isang atleta?
-
Ano sa palagay mo ang mga pamantayang maaaring gamitin ng mga coach upang masala kung sino ang pipiliin?
Naglalaman ang Bagong Tipan ng halos 8,000 talata. Tanging 53 lamang sa mga talatang ito (humigit-kumulang 1 sa bawat 150 talata) ang kasama sa 24 na doctrinal mastery passage ng Bagong Tipan. Isipin ang hirap sa pagpili kung aling mga talata mula sa buong Bagong Tipan ang dapat pag-aralan bilang mga doctrinal mastery passage.
-
Kung hihilingin sa iyong tumulong na pumili ng mga doctrinal mastery passage, anong mga pamantayan ang gagamitin mo upang pagpasyahan kung aling mga scripture passage ang pipiliin mo?
Pumili ng dalawa sa mga sumusunod na doctrinal mastery passage na hindi masyadong pamilyar sa iyo. Basahin ang buong talata sa iyong mga banal na kasulatan, at tumukoy ng mga dahilan kung bakit sa palagay mo ay napili ang mga talata na iyon bilang mga doctrinal mastery passage na pagtutuunan ng mga kabataan sa buong mundo.
Doctrinal Mastery ng Bagong Tipan: 1 Corinto–Apocalipsis
Scripture Reference |
Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan |
---|---|
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan Sa Panginoon, kailangan ng babae ang lalaki at ang lalaki ay kailangan ng babae.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Sapagkat kung paanong kay Adan ang lahat ay namamatay, gayundin kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan Sa Pagkabuhay na Mag-uli, may tatlong antas ng kaluwalhatian. |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Bilang katiwala ng kaganapan ng panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan Ang Simbahan ay “itinayo sa saligang inilagay ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus ang batong panulok.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Ang araw [ni Cristo] … [ay] hindi darating malibang maunang maganap ang pagtalikod.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Ang mga banal na kasulatan [ay] makakapagturo sa iyo tungo sa kaligtasan.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan Ang Ama sa Langit ang “Ama ng mga espiritu.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya sa Diyos.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Ang pananampalataya … kung ito ay walang mga gawa ay patay.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Ang ebanghelyo ay ipinangaral maging sa mga patay.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “At ang mga patay ay hinatulan ayon sa kanilang mga gawa.” |
Ang iyong ugnayan sa Diyos
Ang isang dahilan kung bakit napili ang mga doctrinal mastery passage ay dahil naglalaman ang mga ito ng mga katotohanang makapagpapatibay sa iyong ugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.
Gamitin ang mga talata
Ang isa sa mga layunin ng doctrinal mastery ay tulungan kang gamitin ang mga katotohanang matatagpuan sa mga doctrinal mastery passage sa mga sitwasyong kinakaharap mo sa buhay mo ngayon at kakaharapin sa hinaharap. Halimbawa, ang doktrinang itinuro sa 1 Pedro 4:6 na ipinangangaral ang ebanghelyo sa mga yumao sa daigdig ng mga espiritu ay makatutulong na mapanatag ang isang kaibigang nawalan ng mahal sa buhay, o makahihikayat sa iyong gumawa ng gawain sa templo at family history para sa mga ninuno mo.