Seminary
Roma 12–15 


Roma 12–15

Pagkakaisa sa pamamagitan ni Jesucristo

Naglalakad ang mga kabataang lalaki at babae sa Crystal Gardens sa Navy Pier sa Chicago. May mga puno ng palma at iba pang mga halaman sa background.

Nahirapan ka na bang makiisa sa iba pang mga miyembro ng Simbahan? Ang mga Banal sa Roma na nabuhay noong panahon ni Pablo ay iba’t iba ang pinagmulan at kultura. Kung minsan ay hindi sila nagkakasundo at nagtatalo sila. Bilang tugon, hinikayat sila ni Pablo na “magkaisa … ng pag-iisip” (Roma 12:16). Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maghanap ng mga paraan upang mas makiisa sa mga miyembro ng Simbahan ng Tagapagligtas. 

Lahat tayo ay maaaring magkaisa

Si Micah at ang kanyang pamilya ay bininyagan tatlong taon na ang nakalipas. Matagal-tago bago nakaangkop ang pamilya ni Micah sa bagong pamumuhay bilang mga miyembro ng Simbahan, ngunit nakatanggap sila ng malakas na suporta at pagtanggap mula sa mga miyembro ng kanilang branch. Kamakailan, tinanggap ng ama ni Micah ang isang bagong trabaho, at lumipat ang kanyang pamilya sa ibang lugar. Dumalo si Micah sa simbahan at sa mga aktibidad ng kabataan sa kanyang bagong ward nang ilang linggo, ngunit nahihirapan siyang madamang tanggap siya rito. Tila mababait ang mga kabataan, ngunit tila matagal nang mga miyembro ng Simbahan ang karamihan sa kanila, at iniisip ni Micah kung huhusgahan nila siya sa kanyang mga kahinaan at kakulangan ng karanasan sa Simbahan.

  • Anong payo ang ibibigay mo kay Micah upang matulungan siya sa sitwasyong ito?

  • Anong payo ang ibibigay mo sa mga kabataan sa bagong ward ni Micah?

Isinulat ni Pablo ang kanyang sulat sa mga taga Roma sa panahon kung kailan nagsimulang sumamba nang magkakasama ang mga miyembro ng Simbahan na mula sa iba’t ibang relihiyon at kultura. May mga pagkakataong hindi nagkakasundo ang mga Banal na ito o hinuhusgahan ang iba pang miyembro ng Simbahan na hindi nila kapareho ng pinipili. Ang isa sa mga aral na matututuhan natin mula sa mga turo ni Pablo sa Roma 12–15 ay bagama’t may mga pagkakaiba tayong lahat, magagawa ng mga miyembro ng Simbahan na magsikap na magkaisa sa pamamagitan ng mga turo ni Jesucristo.

  • Bakit maaaring mahirap makiisa sa iba pang mga miyembro ng Simbahan?

  • Sa palagay mo, bakit mahalaga sa Panginoon na magkaisa ang mga miyembro ng Kanyang Simbahan?

Isipin kung gaano ka kalapit sa mga tao sa iyong ward o branch, sa iyong mga kaklase sa seminary, o sa iba pang miyembro ng Simbahan. Sa lesson na ito, pag-isipan kung paano ka mas makikiisa sa iba pang miyembro ng Simbahan ng Tagapagligtas.

Ang mga turo ni Pablo tungkol sa pagkakaisa

Pag-aralan ang mga turo ni Pablo tungkol sa pagkakaisa mula sa kahit dalawa sa mga sumusunod na grupo ng mga talata. Habang nag-aaral ka, maghanap ng mga turong makatutulong sa iyong mas maunawaan at suportahan ang iba pang miyembro ng Simbahan. Maaari ding makatulong na gumawa ng visual representation ng isa o mahigit pa sa mga turo ni Pablo sa mga talatang pinag-aralan mo.

  • Ano ang natutuhan mo mula sa mga talatang pinag-aralan mo na makatutulong sa iyong mas makiisa sa iba?

  • Paano makatutulong sa iyo ang pagsisikap na makiisa sa iba na maging mas katulad ni Jesucristo?

  • Anong mga karanasan mula sa buhay mo o ng iba ang nagpakita sa iyo ng kahalagahan ng pakikiisa sa iba pang miyembro ng Simbahan?

Panoorin ang video na “A Friend to All” (4:01), matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org. Sa video na ito, inilarawan ni Elder Ulisses Soares ng Korum ng Labindalawang Apostol ang ilan sa mga karanasan ng kanyang pamilya noong sila ay mga bagong miyembro ng Simbahan. Habang pinanonood mo ito, isipin kung paano mo mas masusuportahan at kakaibiganin ang kapwa mo mga miyembro ng Simbahan.

4:0

A Friend to All

Elder Ulisses Soares talks of the need for kindness and acceptance.

  • Ano ang pinakatumimo sa iyo sa mensahe ni Elder Soares? Bakit?

Pagsasabuhay ng natutuhan mo

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 1. Gawin ang sumusunod na aktibidad:

Isipin ang natutuhan at nadama mo tungkol sa pagkakaisa na napag-aralan mo ngayon. Maglaan ng sandali upang gumawa ng plano tungkol sa kung paano mo maisasabuhay ang mga turong ito. Magsulat ng mithiin tungkol sa kung paano ka magsisikap na makiisa sa isa o mahigit pa sa mga sumusunod na tagpo:

  • Sa mga miyembro ng iyong klase sa Young Women o korum ng priesthood

  • Sa mga miyembro ng iyong klase sa seminary

  • Sa iba pang miyembro ng iyong ward o branch

Maaari ding makatulong na isulat ang anumang balakid na kinakaharap mo sa pagkamit ng iyong mithiin. Paano mo madaraig ang mga balakid na ito? Paano makatutulong ang Panginoon?

Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

Ano ang matututuhan natin mula sa mga hamong kinaharap ng Simbahan sa Roma noong panahon ni Pablo?

Ipinaliwanag ni Elder Quentin L. Cook ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Opisyal na larawan ni Elder Quentin L. Cook. Tinawag sa Korum ng Labindalawang Apostol noong Oktubre 6, 2007.

Ang kultura ng Simbahan ay mula sa ebanghelyo ni Jesucristo. Ang Liham ni Apostol Pablo sa mga Taga Roma ay may malalim na kahulugan. …

… Pinayuhan ni Pablo ang mga Judio at Gentil na sundin ang mga kautusan, mahalin ang isa’t isa, at na humahantong ang kabutihan sa kaligtasan.

Ang kultura ng ebanghelyo ni Jesucristo ay hindi kultura ng mga Gentil o kultura ng mga Judio. Hindi ito ibinabatay sa kulay ng balat ng isang tao o kung saan nakatira ang isang tao. Bagama’t nagsasaya tayo sa magkakaibang kultura, dapat nating iwanan ang mga aspekto ng mga kulturang iyon na taliwas sa ebanghelyo ni Jesucristo.

(Quentin L. Cook, “Mga Pusong Magkakasama sa Kabutihan at Pagkakaisa,” Liahona, Nob. 2020, 20–21)

Ano ang maaaring mangyari kapag nagsisikap tayong maging mga nagkakaisang miyembro ng Simbahan ng Tagapagligtas?

Itinuro ni Elder Jorge T. Becerra ng Pitumpu:

Elder Jorge T. Becerra, opisyal na larawan ng Unang Korum ng Pitumpu.

Sa bawat ward at branch, kailangan natin ang lahat—ang mga taong matitibay at ang mga taong marahil ay nahihirapan. Ang lahat ay kailangan sa mahalagang pagpapalakas sa buong “katawan ni Cristo.” Madalas kong isipin kung sino ang mga nawawala sa ating maraming kongregasyon na magpapalakas sa atin at bubuo sa atin.

(Jorge T. Becerra, “Mga Kaawa-awa,” Liahona, Mayo 2021, 40)

Ibinahagi ni Sister Sharon Eubank ng Relief Society General Presidency ang sumusunod na salaysay:

10:6

By Union of Feeling We Obtain Power with God

Sister Eubank teaches us how we can achieve greater unity with each other and thus obtain greater power from God.

Opisyal na Larawan ni Sister Sharon Eubank. Kinunan noong 2017.

Noong 1842, ang mga Banal ay nagtrabaho nang husto para maitayo ang Nauvoo temple. Matapos itatag ang Relief Society noong Marso, madalas pumunta si Propetang Joseph sa kanilang mga pulong para ihanda sila sa sagrado at nagbibigkis na mga tipan na malapit na nilang gawin sa templo.

Noong Hunyo 9, “sinabi [ng Propeta] na magtuturo siya ng tungkol sa awa[.] Kung tutulan kaya tayo ni Jesucristo at ng mga … anghel dahil sa mga walang kabuluhang bagay, ano ang mangyayari sa atin? Kailangan tayong maging maawain sa isa’t isa, at huwag pansinin ang maliliit na bagay.” Sinabi pa ni Pangulong Smith, “Nakalulungkot para sa akin na walang mas lubos na pakikipagsamahan—kung ang isang miyembro ay nagdurusa, damhin ito ng lahat—sa pagkakaisa ng damdamin ay natatamo natin ang kapangyarihan ng Diyos” [“Minutes and Discourse, 9 June 1842,” 61, Joseph Smith Papers].

Tila tinamaan ako ng kidlat ng maikling pangungusap na iyon. Sa pagkakaisa ng damdamin ay natatamo natin ang kapangyarihan ng Diyos. Hindi ganitong klase ng mundo ang nais ko. Maraming bagay ang gusto kong maimpluwensiyahan at gawing mas mabuti. At sa totoo lang, maraming sumasalungat sa hangarin ko, at kung minsan ay nararamdaman ko na wala akong magawa. Kamakailan, tinanong ko ang aking sarili ng mga mapagsuring katanungan: Paano ko mas mauunawaan ang mga tao sa paligid ko? Paano ko magagawang magkaroon ng “pagkakaisa ng damdamin” na iyon kung ang lahat ay labis na magkakaiba? Anong kapangyarihan ng Diyos ang maaari kong matanggap kung mas nakikiisa pa ako nang kaunti sa iba?

(Sharon Eubank, “Sa Pagkakaisa ng Damdamin ay Natatamo Natin ang Kapangyarihan ng Diyos,” Liahona, Nob. 2020, 55)

Mga video tungkol sa kahalagahan ng pagkakaisa

  • “To Love Them All” (3:22), makukuha sa ChurchofJesusChrist.org. Si Elder Patrick Kearon ng Panguluhan ng Pitumpu ay nagsalita tungkol sa pagiging kabilang at pagkakaibigan sa Simbahan.

    3:22

    To Love Them All

    Elder Patrick Kearon speaks on inclusion and friendship in the Church

  • “Till We All Come in the Unity of the Faith” (2:21), matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org. Si Brother Ahmad S. Corbitt ng Young Men General Presidency ay nagsalita tungkol sa dumaraming pagkakaiba-iba sa Simbahan.

2:3

Till We All Come in the Unity of the Faith

The Gospel and the Church bring God's children together in unity.