Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 21


Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 21

Ipamuhay ang mga Doctrinal Mastery Passage

Mga young adult na nakatingin sa mga banal na kasulatan.

Ang isang layunin ng doctrinal mastery ay tulungan kang mas maunawaan ang mga turo ng Tagapagligtas, maipaliwanag ang mga ito sa sarili mong mga salita, at maipamuhay ang mga ito. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng pagkakataong magsanay na ipamuhay ang mga doctrinal mastery passage sa Bagong Tipan sa iba’t ibang sitwasyon.

Rebyuhin ang mga doctrinal mastery passage

Rebyuhin ang mga scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa mga sumusunod na doctrinal mastery passage. Isipin kung paano maiaangkop sa iyong buhay ang doktrina sa bawat passage.

Itugma ang bawat doctrinal mastery scripture reference sa tamang mahalagang parirala ng banal na kasulatan. Ang mga tamang sagot ay nasa katapusan ng lesson.

  1. Mga Hebreo 12:9 

  2. Santiago 1:5–6

  3. Santiago 2:17–18

  4. 1 Pedro 4:6

  5. Apocalipsis 20:12

  1. “Ang pananampalataya … kung ito ay walang mga gawa ay patay.”

  2. Ang Ama sa Langit ang “Ama ng mga espiritu.”

  3. “At ang mga patay ay hinatulan ayon sa kanilang mga gawa.”

  4. “Kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya sa Diyos.”

  5. “Ang ebanghelyo ay ipinangaral maging sa mga patay.”

Ipamuhay ang doktrinang itinuro sa mga doctrinal mastery passage

Ang buklet na Para sa Lakas ng mga Kabataan ay nagbibigay ng sumusunod na payo: “Pag-aralan ang mga banal na kasulatan araw-araw at ipamuhay ang mga nababasa ninyo. Ang mga banal na kasulatan ay napakalakas na pinagmumulan ng personal na paghahayag at patnubay at palaging magpapalakas ng inyong patotoo” ([2011], 42).

  • Anong uri ng mga bagay ang ginagawa mo na makatutulong sa iyo na maipamuhay ang natututuhan mo sa mga banal na kasulatan?

  • Ano ang doctrinal mastery passage na nakatulong sa iyo sa buhay mo? Paano ito nakatulong sa iyo?

Ang sumusunod na aktibidad ay tutulong sa iyo na magsanay na ipamuhay ang ilang partikular na doctrinal mastery passage. Kapag natapos mo na ang aktibidad, maging handa sa personal na paghahayag. Maaaring bigyan ka ng Banal na Espiritu ng mga kaalaman o ideya kung paano mo ipamumuhay ang mga banal na kasulatan. Maghandang isulat ang anumang pahiwatig na matatanggap mo.

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 1. Gawin ang sumusunod sa iyong study journal:

  1. Ilarawan ang isang makatotohanang sitwasyon o magtanong ng isang bagay na nauugnay sa isa o mahigit pa sa mga doctrinal mastery scripture passage sa lesson na ito (Mga Hebreo 12:9; Santiago 1:5–6; Santiago 2:17–18; 1 Pedro 4:6; Apocalipsis 20:12).

  2. Magbahagi ng isang karanasan na nauugnay sa doktrinang itinuro sa scripture passage. Maaaring ito ay isang personal na karanasan, karanasan ng isang taong kakilala mo, o karanasang nakatala sa mga banal na kasulatan.

  3. Ibahagi kung paano mo maipamumuhay ang doktrina o kung ano ang ipinauunawa nito sa iyo tungkol sa Ama sa Langit o kay Jesucristo.

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 2. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:

  • Ano ang magagawa mo sa linggong ito na tutulong sa iyo na maipamuhay ang mga banal na kasulatan?

  • Paano makatutulong sa iyo ang paggawa nito para mas mapalapit ka sa Tagapagligtas?

Mga sagot sa quiz: 1-b, 2-d, 3-a, 4-e, 5-c