Seminary
Filipos 4


Filipos 4

Paghahanap ng Kagalakan at Kapayapaan kay Jesucristo

Dalagita na nagninilay.

Ano ang nagdudulot sa iyo ng kapayapaan at kapanatagan sa panahon ng pagkabalisa at pagsubok? Sa kanyang liham sa mga taga Filipos, madalas magsalita si Pablo tungkol sa kagalakan at kapayapaan. Sa pagtatapos ng liham na ito, itinuro ni Pablo na si Jesucristo ang pinagmumulan ng kapayapaan at kagalakan at binigyang-diin niya ang magagawa ng mga Banal upang makadama ng kagalakan at “kapayapaan ng Diyos” (Filipos 4:7). Habang nag-aaral ka, sikaping tukuyin ang mga paraan na makatatanggap ka ng dagdag na kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ni Jesucristo sa iyong sariling buhay.

Mga hamon ni Pablo

Suriin ang sumusunod na larawan na kumakatawan kay Apostol Pablo at sa ilan sa kanyang mga hamon at posibleng alalahanin. Isaalang-alang na ang mga ito ay karagdagan sa pagkabilanggo ni Pablo sa bahay habang isinusulat ang kanyang liham sa mga Banal sa Filipos. Isipin kung paano maaaring naging mga balakid ang mga hamong ito sa nadaramang kapayapaan at kagalakan ni Pablo.

New Testament Seminary Teacher Manaul - 2023

Sa iyong study journal, gumawa ng bilog na may stick figure o guhit na linya na kumakatawan sa iyo, tulad ng kay Pablo. Sa labas ng bilog, ilista ang ilan sa sarili mong mga pangamba o alalahanin na kung minsan ay nagpapahirap sa iyo na makadama ng kapayapaan at kagalakan.

  • Saan naghahanap ang mga tao ng higit na kapayapaan at kagalakan sa buhay na ito? Saan ka naghahanap ng kapayapaan at kagalakan? Nagtagumpay ka na ba sa iyong mga pagsisikap?

Isang mensahe ng kagalakan at kapayapaan

Sa kabila ng pagkabilanggo sa bahay at pagharap sa iba pang mga hamon, madalas banggitin ni Pablo ang kagalakan at kapayapaan sa kanyang liham sa mga taga Filipos. Bagama’t sinabi ni Pablo sa mga taga Filipos na nakadama siya ng malaking kagalakan sa kanilang kabutihan at pagmamalasakit sa kanya (tingnan sa Filipos 4:1, 10, 14–16), palagi niyang ipinapaalala sa kanila ang pinakadakilang pinagmumulan ng kanyang kagalakan.

Basahin ang Filipos 4:4, 10, 13, at maaari mong markahan kung sino ang tinukoy ni Pablo na pinagmumulan ng kanyang kagalakan at lakas.

  • Sa iyong palagay, bakit palaging binabanggit ni Pablo si Jesucristo bilang pinagmumulan ng kanyang lakas, kagalakan, at kapayapaan?

Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson kung bakit si Jesucristo ang pinagmumulan ng kapayapaan at kagalakan.

17:1

Kagalakan at Espirituwal na Kaligtasan

Itinuro ni Pangulong Nelson na maaari tayong magalak anuman ang sitwasyon kung nakatuon tayo kay Jesucristo at sa plano ng kaligtasan.

Opisyal na larawan ni Pangulong Russell M. Nelson na kinunan noong Enero 2018

Mahal kong mga kapatid, ang kagalakang nadarama natin ay halos walang kinalaman sa mga sitwasyon natin sa buhay kundi sa pinagtutuunan natin sa buhay.

Kapag nakatuon ang ating buhay sa plano ng kaligtasan ng Diyos … at kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo, makadarama tayo ng kagalakan anuman ang nangyayari—o hindi nangyayari—sa ating buhay. Ang kagalakan ay nagmumula sa at dahil sa Kanya. Siya ang pinagmumulan ng lahat ng kagalakan. …

Kung paanong nag-aalok ng kapayapaan ang Tagapagligtas na “di masayod ng pagiisip” [Mga Taga Filipos 4:7], gayundin naman na nag-aalok Siya ng matindi, malalim, at malawak na kagalakan na hindi masayod ng isipan ng tao. Halimbawa, tila imposibleng magalak kapag may malubhang karamdaman ang anak mo o nawalan ka ng trabaho o nagtaksil ang asawa mo. Ngunit iyon mismo ang kagalakang iniaalok ng Tagapagligtas. Ang Kanyang kagalakan ay hindi nagbabago, na tinitiyak sa atin na ang ating “mga pagdurusa ay maikling sandali na lamang” [Doktrina at mga Tipan 121:7] at ilalaan sa ating kapakinabangan [tingnan sa 2 Nephi 2:2].

(Russell M. Nelson, “Kagalakan at Espirituwal na Kaligtasan,” Liahona, Nob. 2016, 82)

  • Ano ang itinuro ni Pangulong Nelson na pinakamakabuluhan sa iyo? Bakit?

  • Sa iyong palagay, paano makakaapekto sa iyong buhay ang tunay na pag-unawa at pagsasabuhay ng turo ni Pangulong Nelson?

  • Paano ka nabigyan ni Jesucristo ng kapayapaan at kagalakan sa iyong buhay?

Pagtatamo ng kagalakang ibinibigay ni Jesucristo

Kapwa nagbigay ng partikular na payo sina Pangulong Nelson at Apostol Pablo tungkol sa magagawa natin upang matamo ang kapayapaan at kagalakan na ginawang posible ni Jesucristo.

Basahin ang Filipos 4:6–9, 11 at ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Nelson, at alamin kung paano tayo makahahanap ng kapayapaan at kagalakan kay Jesucristo. Maaari mong markahan sa iyong mga banal na kasulatan o ilista sa iyong study journal ang nalaman mo. Tandaang binanggit ni Joseph Smith ang Filipos 4:8 bilang “payo ni Pablo” at isinama niya ito bilang bahagi ng ikalabintatlong saligan ng pananampalataya.

17:1

Kagalakan at Espirituwal na Kaligtasan

Itinuro ni Pangulong Nelson na maaari tayong magalak anuman ang sitwasyon kung nakatuon tayo kay Jesucristo at sa plano ng kaligtasan.

Opisyal na larawan ni Pangulong Russell M. Nelson na kinunan noong Enero 2018

Kung gayon, paano natin matatamasa ang kagalakang iyon? Masisimulan nating masdan “si Jesus na gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya” [Mga Hebreo 12:2] “sa bawat pag-iisip” [Doktrina at mga Tipan 6:36]. Makapagpapasalamat tayo para sa Kanya sa ating mga panalangin at sa pagtupad ng mga tipan na ginawa natin sa Kanya at sa ating Ama sa Langit. Habang nagiging tunay sa atin ang Tagapagligtas at habang isinasamo nating ibigay sa atin ang Kanyang kagalakan, mag-iibayo ang ating kagalakan.

(Russell M. Nelson, “Kagalakan at Espirituwal na Kaligtasan,” Liahona, Nob. 2016, 82)

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 1. Gawin ang sumusunod na aktibidad sa iyong study journal:

Suriin ang listahan o mga tala mula sa pag-aaral mo ng Filipos at ng mga salita ni Pangulong Nelson, at isipin kung ano ang pinakamahalaga sa iyo at kung bakit. Tukuyin ang isang alituntunin at isulat ito sa iyong journal kasama ng scripture reference na pinagmulan nito. Maaaring ganito ang simula ng iyong katotohanan na nakasulat sa mga bold letter:

  • Maaari akong magalak at makatanggap ng higit pang kapayapaan ng Diyos kapag ako ay …

Humingi ng inspirasyon mula sa Espiritu upang mapalalim ang iyong pag-unawa sa katotohanang natagpuan mo sa pamamagitan ng karagdagang pag-aaral. Kasama sa ilang paraan na maaari mo itong gawin ay:

  • Paghahanap ng mga cross-reference sa mga nauugnay na banal na kasulatan. Ang mga ito ay maaaring mga doctrinal mastery passage o mga banal na kasulatan na matatagpuan sa mga talababa o footnote. Maaari mong isulat ang mga scripture reference na ito sa tabi ng talata kung saan mo natukoy ang alituntunin.

  • Pagrerebyu ng Para sa Lakas ng mga Kabataan (buklet, 2011), na nakatuon sa “Pasasalamat,” “Katapatan at Integridad,” o iba pang pamantayan na nauugnay sa alituntuning natukoy mo.

Ibahagi ang natutuhan mo, kabilang:

  • Ang alituntuning nahanap mo at ang scripture reference na nagtuturo nito.

  • Ang mga nahanap mo (mga cross-reference, tulong sa pag-aaral, at iba pa) na nakapagpalalim ng iyong pag-unawa at anumang karagdagang kaalaman mula sa resource na ito.

  • Paano makatutulong sa iyo ang pagsasabuhay ng alituntuning ito upang makahanap ng higit na kagalakan at kapayapaan sa Diyos.

Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

Ano ang magagawa ko kapag mahirap makahanap ng kapayapaan at pag-asa?

5:20

Find Hope and Strength in Heavenly Father and Jesus Christ

A discussion about moral agency and how to reach out to Heavenly Father and Jesus Christ for help.

4:9

Peace in Christ

When there’s no peace on earth, there is peace in Christ.

Paano ako makakahanap ng kapayapaan kay Jesucristo?

Itinuro ni Elder Ulisses Soares ng Korum ng Labindalawang Apostol:

14:47

Saliksikin si Cristo sa Bawat Pag-iisip

Itinuro ni Elder Soares na ang pagkakaroon natin ng mga banal na pag-iisip at hangarin ay nakatutulong sa atin na mapaglabanan ang tukso.

Elder Ulisses Soares, opisyal na larawan ng Korum ng Labindalawang Apostol.

Sa pagsasaliksik kay Cristo sa bawat pag-iisip at pagsunod sa Kanya nang buo nating puso, kailangan nating iayon sa Kanya ang ating isipan at mga hangarin. Ang pag-aayon na ito ay tinutukoy sa mga banal na kasulatan bilang “[pagpapakatibay] sa Panginoon” [Filipos 4:1]. Ang planong ito na kumilos ay nagpapahiwatig na patuloy tayong namumuhay nang naaayon sa ebanghelyo ni Cristo at araw-araw tayong nakatuon sa lahat ng bagay na mabuti. Saka lang natin matatamo “ang kapayapaan ng Diyos, na hindi maabot ng pag-iisip” at na “mag-iingat ng [ating] mga puso at mga pag-iisip kay Cristo Jesus” [Filipos 4:7].

(Ulisses Soares, “Saliksikin si Cristo sa Bawat Pag-iisip,” Liahona, Nob. 2020, 82–83)

Itinuro ni Sister Jean B. Bingham, Relief Society General President:

2:3

Upang ang Inyong Kagalakan ay Malubos

Itinuro ni Sister Bingham na sa kabila ng mga paghihirap sa buhay na ito, maaari tayong bumaling kay Jesucristo na pinagmumulan ng lahat ng paggaling, kapayapaan, at walang hanggang pag-unlad.

Opisyal na Larawan ni Sister Jean B. Bingham. Kinunan noong 2017.

Si Jesucristo ay pinagmumulan din ng kapayapaan. Inaanyayahan Niya tayong “sumandig sa [Kanyang] malakas na bisig” [“Lean on My Ample Arm,” Hymns, blg. 120] at nangangako ng “kapayapaan … na di masayod ng pagiisip” [Mga Taga Filipos 4:7], na nadarama kapag ang Kanyang Espiritu ay “[bumubulong] ng kapayapaan sa [ating] mga kaluluwa” [Alma 58:11] anuman ang ating mga pagsubok. Mga personal na alalahanin man ito, problema sa pamilya, o krisis sa komunidad, darating ang kapayapaan kapag nagtiwala tayo na may kapangyarihan ang Bugtong na Anak ng Diyos na aliwin ang ating nasaktang kaluluwa.

(Jean B. Bingham, “Upang ang Inyong Kagalakan ay Malubos,” Liahona, Nob. 2017, 86)

Anong mga pagpapala ang darating kapag naghanap ako ng kapayapaan kay Jesucristo?

Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson:

5:26

Isang Bagong Normal

Itinuro sa atin ni Pangulong Nelson na ibaling ang ating mga puso sa Ama sa Langit at sa Tagapagligtas upang makamit ang ating banal na potensyal at makadama ng kapayapaan. Ibinalita niya ang anim na bagong templo.

Opisyal na larawan ni Pangulong Russell M. Nelson na kuha noong Enero 2018

Ngayon, mga minamahal kong kapatid, binabasbasan ko kayo na mapuno kayo ng kapayapaan ng Panginoong Jesucristo. Ang Kanyang kapayapaan ay higit pa sa kaya nating maintindihan. Binabasbasan ko kayo ng higit na paghangad at kakayahan na sundin ang mga batas ng Diyos. Ipinapangako ko na sa paggawa nito, makatatanggap kayo ng maraming biyaya, at ng dagdag na katapangan at personal na paghahayag, higit na pagkakaisa sa inyong mga tahanan, at kaligayahan, sa kabila ng kawalang-katiyakan.

(Russell M. Nelson, “Isang Bagong Normal,” Liahona, Nob. 2020, 119)