Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 24
Ipamuhay ang mga Doctrinal Mastery Passage
Ang isa sa mga layunin ng doctrinal mastery ay tulungan kang matutuhan kung paano ipamuhay ang mga doctrinal mastery passage. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng mga pagkakataong magsanay na ipamuhay ang ilan sa mga doctrinal mastery passage sa iba’t ibang makatotohanang sitwasyon.
Pamumuhay ayon sa mga alituntunin ng ebanghelyo
Ipinaliwanag ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf, na noon ay kabilang sa Unang Panguluhan, ang kahalagahan ng pamumuhay ayon sa mga alituntunin ng ebanghelyo. Panoorin ang video na “Sa Pagiging Tapat,” mula sa time code na 11:24 hanggang 12:02, na matatagpuan sa SimbahanniJesucristo.org, o basahin ang sumusunod na pahayag.
Rebyuhin ang mga doctrinal mastery passage
Basahin sandali ang mga sumusunod na doctrinal mastery passage, at isipin kung ano ang ginawa mo upang ipamuhay ang mga ito.
Doctrinal Mastery sa Bagong Tipan: 1 Corinto–Apocalipsis
“Ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo.” | |
“Sa Panginoon, kailangan ng babae ang lalaki at ang lalaki ay kailangan ng babae.” | |
“Sapagka’t kung paanong kay Adan ang lahat ay namamatay, gayundin kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.” | |
Sa Pagkabuhay na Mag-uli, may tatlong antas ng kaluwalhatian. | |
“Bilang katiwala ng kaganapan ng panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo.” | |
Ang Simbahan ay “itinayo sa saligang inilagay ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus ang batong panulok.” | |
“Ang araw [ni Cristo] … [ay] hindi darating malibang maunang maganap ang pagtalikod.” | |
“Ang mga banal na kasulatan [ay] makakapagturo sa iyo tungo sa kaligtasan.” | |
Ang Ama sa Langit ang “Ama ng mga espiritu.” | |
“Kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya sa Diyos.” | |
“Ang pananampalataya … kung ito ay walang mga gawa ay patay.” | |
“Ang ebanghelyo ay ipinangaral maging sa mga patay.” | |
“At ang mga patay ay hinatulan ayon sa kanilang mga gawa.” |
Ipamuhay ang mga katotohanan
Makatutulong na panoorin kung paano ipinamumuhay ng iba ang mga katotohanan ng ebanghelyo.
Isipin kung paano nakatulong sa iyo sa nakaraan, kasalukuyan, at maaaring sa hinaharap ang pag-alam at pamumuhay sa mga katotohanan ng ebanghelyo. Kumpletuhin ang sumusunod na aktibidad upang matulungan kang magsanay na ipamuhay ang mga katotohanan mula sa mga doctrinal mastery passage na napag-aralan mo.
1. Kumpletuhin ang bawat isa sa mga sumusunod na hakbang sa iyong study journal.
Nakaraan
Mag-isip ng isang pagkakataon kung saan umasa ka sa isa sa mga katotohanan na nagmula sa isang doctrinal mastery passage. Kung wala kang maisip na partikular na pagkakataon sa iyong buhay, mag-isip ng isang taong kilala mo o isang tao mula sa isang salaysay sa mga banal na kasulatan na pinagpala nang kumilos siya ayon sa isang katotohanan na nasa doctrinal mastery passage.
Isulat ang mga pagpapalang nagmula sa pamumuhay sa katotohanang ito. Tiyaking ipaliwanag kung paano ito nagdagdag o makadaragdag sa iyong pagtitiwala sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.
Kasalukuyan
Pag-isipan ang iyong mga kasalukuyang pangangailangan at sitwasyon. Rebyuhin ang mga doctrinal mastery passage, at pumili ng isa rito na sa palagay mo ay mas masusunod mo sa iyong buhay. Isulat kung ano ang magagawa mo upang kumilos nang may pananampalataya at maipamuhay ang doctrinal mastery passage.
Hinaharap
Pumili ng isang doctrinal mastery passage, at sumulat ng isang sitwasyon na maaaring mangyari sa iyo sa hinaharap kung saan makatutulong sa pagkilos mo nang may pananampalataya ang mga katotohanang itinuro sa doctrinal mastery passage.
Pagnilayan kung paano nakaimpluwensya sa iyong buhay at mga desisyon ang pag-alam at pagkilos ayon sa katotohanan.
-
Paano nakatulong ang pagpapamuhay ng ebanghelyo para mapalakas ang iyong pananampalataya kay Cristo?
-
Ano ang magagawa mo upang mas maalala ang mga katotohanan ni Cristo habang pumipili ka sa hinaharap?