Seminary
Apocalipsis 2–3, Bahagi 1


Apocalipsis 2–3, Bahagi 1

“Alam Ko ang Iyong mga Gawa”

PAINTING BY GREG Olson of Christ knocking on a door

Kilala ni Jesucristo ang bawat isa sa atin. Alam Niya kung ano ang mahusay nating ginagawa, at alam Niya kung ano ang mapagbubuti pa natin upang maging mas katulad Niya. Sa magkakahiwalay na mensahe sa bawat isa sa pitong simbahan sa Asia, isinulat ni Juan ang mga mensahe ni Jesucristo na kumikilala sa mabubuting gawa ng mga Banal at nagpapaalala sa kanila tungkol sa mga bagay na kailangan nilang baguhin. Ang lesson na ito ay makahihikayat sa iyo na pakinggan ang tinig ng Tagapagligtas na kinikilala ang iyong mabubuting gawa at itinutuwid ka.

Pakinggan ang tinig ng Tagapagligtas

Jesus Christ depicted knocking on a door. Christ is portrayed wearing red and white robes. The painting illustrates the concept of Christ “knocking on the door,” as described in scripture. There is no doorknob depicted in the painting, symbolizing that the door must be opened from within.

Tingnan ang larawang ito ni Jesucristo at isipin ang sumusunod na tanong:

  • Ano kaya ang mararamdaman mo kapag may narinig kang kumakatok sa pintuan ng iyong tahanan at malaman na ang kumakatok ay ang Tagapagligtas? Bakit?

Sa kanyang mensahe sa mga miyembro ng Simbahan sa Laodicea (kung saan itinatag ang isa sa pitong simbahan na sinulatan ni Juan sa Asia; tingnan sa Apocalipsis 1:11), nagtapos si Juan nang may paanyaya mula kay Jesucristo.

Basahin ang Apocalipsis 3:20 at tukuyin ang paanyaya ng Tagapagligtas.

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. 1. Sagutin sa iyong study journal ang mga sumusunod na tanong:

  • Ano sa palagay mo ang simbolikong kahulugan ng Apocalipsis 3:20 ?

  • Sa iyong palagay, bakit kumakatok ang Tagapagligtas sa pinto sa halip na pumasok na lang?

  • Paano mo mapagbubuksan ng pinto si Jesucristo at mas mapapakinggan ang Kanyang tinig?

  • Ano ang nagawa mo kamakailan upang marinig ang Kanyang tinig at buksan ang pinto?

Bagama’t si Juan ang sugo, si Jesus ang tinig ng mga mensahe sa pitong simbahan. Habang pinag-aaralan mo ang mga mensahe sa Apocalipsis 2–3, pakinggan ang mensahe ni Jesucristo sa iyo. Mag-isip ng mga paraan na mabubuksan mo ang pinto upang makasama ang Tagapagligtas at mapalakas ka Niya.Bagama’t natatangi ang bawat isa sa pitong mensahe, may ilang pagkakatulad din.

Hanapin at markahan ang inulit na pariralang “Alam ko ang iyong mga gawa” sa Apocalipsis 2:2, 9, 13, 19 ; 3:1, 8, 15 . Isinulat ni Juan sa mga talatang ito ang mensahe ni Jesucristo, na kumakatawan din sa kalooban ng Ama sa Langit.

  • Bakit maaaring mahalagang maunawaan na ang Ama sa Langit at si Jesucristo ay “alam ang iyong mga gawa”?

Ang isang katotohanan na makikita natin sa Apocalipsis 2–3 ay dahil kilala ng Ama sa Langit at ni Jesucristo ang bawat isa sa atin, makikilala Nila ang ating mabubuting gawa at mapapaalalahanan Nila tayo tungkol sa mga kinakailangan nating baguhin. Maghanap ng katibayan ng katotohanang ito habang pinag-aaralan mo ang payo sa pitong simbahan.

Payo sa pitong simbahan

Map of the Mediterranean.

Tingnan ang mapa ng pitong simbahan at pumili ng kahit dalawang simbahan na pag-aaralan. Hanapin ang mabubuting gawa na kinikilala ni Jesucristo sa ilan sa mga simbahan at ang pagtutuwid na ibinibigay Niya sa bawat simbahan.

  1. Efeso ( Apocalipsis 2:1–7): Ang mga Nicolaita ay isang pangkat ng relihiyon na nagsasabing makagagawa sila ng kasalanang seksuwal nang walang kaparusahan dahil ililigtas sila ng biyaya ng Diyos.

  2. Smirna ( Apocalipsis 2:8–11)

  3. Pergamo ( Apocalipsis 2:12–17): Ang doktrina ni Balaam ay tumutukoy sa paglabag sa mga kautusan ng Diyos upang matugunan ang mga makamundong hangarin o maghangad ng mga parangal ng tao (tingnan sa 2 Pedro 2:15). Tandaan ang kahulugan ng mga Nicolaita sa itaas.

  4. Tiatira ( Apocalipsis 2:18–29)

  5. Sardis ( Apocalipsis 3:1–6)

  6. Filadelfia ( Apocalipsis 3:7–13): Kinikilala lamang ng mensaheng ito ang mabubuting gawa.

  7. Laodicea ( Apocalipsis 3:14–22): Iwinawasto lamang ng mensaheng ito ang mga hindi perpektong gawa. Pansinin na ang ibig sabihin ng malahininga ay hindi lubos na tapat sa ebanghelyo ni Jesucristo.

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. 2. Sa iyong study journal, sagutin ang mga sumusunod na tanong para sa bawat simbahan na pinili mo:

  • Anong mabubuting gawa ang kinilala ni Jesucristo? Paano mo nakita ang mga katulad na mabubuting gawa ng mga miyembro ng Simbahan sa ating panahon?

  • Anong pagtutuwid o payo ang ibinigay ni Jesus sa simbahang pinili mo? Bakit magandang payo pa rin ito para sa Simbahan ngayon?

  • Bakit si Jesucristo lamang ang nakaaalam kung ano ang mabuti nating nagagawa at kung paano tayo kailangang magpakabuti pa?

Payo para sa sarili mong buhay

Hinikayat tayo ni Pangulong Thomas S. Monson (1927–2018) na buksan ang pinto at tulutang makapasok ang Tagapagligtas sa ating buhay. Basahin ang sumusunod na pahayag mula sa “Mrs. Patton—Ang Karugtong ng Kuwento.”

2:3

Mrs. Patton—the Story Continues

I am certain our Heavenly Father was mindful of her needs and wanted her to hear the comforting truths of the gospel.

Official portrait of President Thomas S. Monson, 2008.

Taglay ang buong lakas ng aking kaluluwa pinatototohanan ko na mahal ng ating Ama sa Langit ang bawat isa sa atin. Dinirinig Niya ang mga dalangin ng mapagpakumbabang puso; dinirinig Niya ang paghingi natin ng tulong. … Ang Kanyang Anak na ating Tagapagligtas at Manunubos, ay nagsasalita sa atin ngayon: “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya” [ Apocalipsis 3:20 ].

Pakikinggan ba natin ang katok na iyon? Maririnig ba natin ang tinig na iyon? Pagbubuksan ba natin ng pinto ang Panginoon, upang matanggap natin ang tulong na handa Siyang ipagkaloob? Dalangin ko na gawin natin ito.

(Thomas S. Monson, “Mrs. Patton—Ang Karugtong ng Kuwento,” Liahona, Nob. 2007, 24)

Balikan ang larawan ni Jesus na kumakatok sa pinto at pagnilayan ang natutuhan mo.

  • Ano sa palagay mo ang nais ng Tagapagligtas na malaman mo na mahusay mong ginagawa?

  • Ano ang maaaring sabihin sa iyo ng Tagapagligtas na baguhin mo sa iyong buhay?

Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

Ano ang “unang pag-ibig” na binanggit sa Apocalipsis 2:4 ?

Ang mga Banal sa Efeso ay napagwikaan dahil sa pagbabalewala sa utos na ibigin ang Diyos (tingnan sa Mateo 22:37–38).

Apocalipsis 2:9 . Paano maaaring maralita tayo pero mayaman pa rin?

Kinilala ng Tagapagligtas ang pananampalataya ng mga Banal sa Smirna at tiniyak Niya sa kanila ang mga walang hanggang kayamanan na ipinangako sa mga sumusunod sa Kanyang mga kautusan (tingnan din sa Santiago 2:5 ; Doktrina at mga Tipan 11:7).

Apocalipsis 2:14 . Sino si Balaam?

“Si Balaam ay isang propeta sa Lumang Tipan, na ang mga gawa ay nakatala sa Mga Bilang 22–24 ; 31:16 . Sa simula ay tapat siya sa Panginoon at sa Kanyang mga tao, na paulit-ulit na tinanggihan si Balak sa kahilingan nito na isumpa ang Israel. Gayunpaman, tinanggap kalaunan ni Balaam ang alok na kayamanan ni Balak at tinuruan si Balak kung paano pahihinain ang mga hukbo ng Israel sa pamamagitan ng kasalanang seksuwal at pagsamba sa diyus-diyosan (tingnan sa Mga Bilang 25:1–5 ; 31:13–16). Kasama sa plano ang pag-akit ng mga babaeng Moabita sa mga kalalakihan ng Israel at pag-udyok sa kanilang mag-alay ng mga hain sa mga diyus-diyosan, sa gayon ay espirituwal silang mawawasak” (New Testament Student Manual [2014], 534).

Apocalipsis 3:14 . Bakit tinawag si Jesus bilang ang “Amen”?

“Ang ibig sabihin sa Hebreo at sa Griyego ng salitang ‘amen’ ay tunay, tiyak, o tapat. Sa Apocalipsis 3:14 , ang pagiging tapat at totoo ni Cristo bilang dakilang ‘Amen’ ay inilalahad bilang paghahambing sa mga malahiningang pag-uugali ng mga taga-Laodicea [tingnan din sa Apocalipsis 3:15–16 ]” (New Testament Student Manual [2014], 536).

Paano ko maaanyayahan ang Diyos na ipakita sa akin ang Kanyang pagsang-ayon at pagtutuwid?

Itinuro ni Pangulong Henry B. Eyring ng Unang Panguluhan:

Official Portrait of President Henry B. Eyring taken March 2018.

Samantalang sinusuri ninyo ang inyong buhay habang isinasagawa ang ordenansa ng sakramento, nawa’y hindi lamang nakatuon ang inyong isipan sa mga nagawa ninyong mali, kundi sa mga nagawa rin ninyong tama—mga sandaling nadama ninyo na natutuwa sa inyo ang Ama sa Langit at ang Tagapagligtas. Maaari kayong maglaan ng ilang sandali sa oras ng sakramento para hilingin sa Diyos na tulungan kayong makita ang mga ito. Kapag ginawa ninyo ito, ipinapangako ko na may madarama kayo. Makadarama kayo ng pag-asa.

(Henry B. Eyring, “Lagi Siyang Alalahanin,” Liahona, Peb. 2018, 5)