Apocalipsis 2–3, Bahagi 2
“Ang Magtagumpay”
Naisip mo na ba kung paano mo matagumpay na mahaharap ang mga hamon ng mortalidad? Itinuro ng Tagapagligtas sa mga Banal mula sa pitong simbahan sa Asia kung paano daigin ang mga pag-uusig, kasalanan, at iba pang mga hamon upang matanggap ang Kanyang mga ipinangakong pagpapala. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na makadama ng ibayong hangaring madaig ang mga hamon at matanggap ang mga pagpapalang ipinangakong ibibigay ng Tagapagligtas.
Makita ang katapusan mula sa simula
Isipin kunwari na ikaw ay nasa sumusunod na sitwasyon na inilarawan ni Brother Ahmad S. Corbitt ng Young Men General Presidency. Panoorin ang “Magagawa Ninyong Tipunin ang Israel!,” na matatagpuan sa SimbahanniJesucristo.org, mula sa time code na 4:49 hanggang 5:22, o basahin ang sumusunod na pahayag.
Pagdaig sa sanlibutan
Ibinahagi ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol ang mga sumusunod tungkol sa pagdaig:
Posible bang madaig ang sanlibutan at matanggap ang mga pagpapalang ito? Oo naman.
Yaong mga dumaig sa sanlibutan ay nagkakaroon ng lubos na pagmamahal sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo. …
Ang pagdaig sa sanlibutan ay hindi nangyayari sa isang mahalagang sandali sa buhay, kundi sa maraming sandali na nagtatakda ng inyong walang hanggang tadhana.
(Neil L. Andersen, “Pagdaig sa Sanlibutan,” Liahona, Mayo 2017, 59)
-
Ano ang natutuhan mo mula sa pahayag ni Elder Andersen tungkol sa pagdaig?
Dahil mahal at pinangangalagaan tayo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo, nais Nila tayong tulungan na madaig ang lahat ng kinakailangan upang maging karapat-dapat para sa kadakilaan.
2. Gawin ang sumusunod.
Pumili ng isa o higit pa sa mga sumusunod na aktibidad (o ibang aktibidad na pipiliin mo) upang matulungan kang matukoy kung ano ang magagawa mo upang madaig ang mga hamon at matanggap ang mga ipinangakong pagpapala ng Tagapagligtas. Isulat ang iyong mga ideya.
-
Basahin ang mensahe sa pangkalahatang kumperensya noong Abril 2017 na pinamagatang “Pagdaig sa Sanlibutan” ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol. Maghanap ng mga ideya tungkol sa magagawa mo upang magtagumpay.
-
Basahin ang Juan 16:33 , at pagkatapos ay pag-aralan kung paano nadaig ng Tagapagligtas ang mga tukso ni Satanas sa Mateo 4:1–11 . Alamin kung paano mo masusunod ang payo at halimbawa ng Tagapagligtas habang sinisikap mong madaig ang mga hamon at kasalanan.
-
Hanapin ang salitang “madaig” sa SimbahanniJesucristo.org. Pag-aralan ang mga sipi o banal na kasulatan na mahahanap mo upang matukoy kung paano ka rin magtatagumpay.
Mag-isip ng kahit isang bagay na magagawa mo na tutulong sa iyo na madaig ang hamon o kasalanan na naisip mo sa unang bahagi ng lesson. Sa iyong personal journal, isulat kung ano ang gagawin mo at mangakong gawin ito. Maaari mong ibahagi ang iyong plano sa iyong mga magulang o sa isang pinagkakatiwalaang lider ng Simbahan.
3. Sagutin sa iyong study journal ang mga sumusunod na tanong:
-
Ano ang natutuhan mo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo mula sa lesson na ito?
-
Ano ang nalalaman mo na tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala na nagbibigay sa iyo ng tiwala na matutulungan ka Niya na madaig ang lahat ng bagay at matanggap ang Kanyang mga ipinangakong pagpapala?
Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?
Apocalipsis 2:25 ; 3:5 . Ano ang ibig sabihin ng “panghawakan [nang] matibay”?
Kung minsan ang mga Kristiyanong hinatulan ng mga pinunong Romano ng pagkabilanggo o kamatayan ay inililigtas ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagsumpa kay Cristo at pagsamba sa emperador. Itinala ni Juan ang pagpuri ng Panginoon sa mga Banal sa Pergamo dahil kanilang “iniingatan [nang] mabuti” ang Kanyang pangalan, kahit sila ay binabantaang papatayin ( Apocalipsis 2:13 ; tingnan din sa Apocalipsis 2:25 ; 3:3, 11). Ang isang parirala na inulit nang ilang beses sa Apocalipsis 2–3 ay ang payo na “panghawakan [nang] matibay” ang katotohanan (tingnan sa Apocalipsis 2:13, 25 ; 3:3, 11). Ipinaliwanag ni Pangulong M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol na ang ibig sabihin ng “panghawakan [nang] matibay” ang katotohanan, na matatagpuan sa salita ng Diyos, ay “pakinggan ito, sundin ang mga alituntuning itinuro dito, at mahigpit na hawakan ang mga alituntuning iyon na para bang nakasalalay dito ang ating buhay—na, kung ang tinutukoy natin ay espirituwal na buhay, ito ay literal na totoo (“Be Strong in the Lord,” Ensign, Hulyo 2004, 10).
Ano ang ibig sabihin ng tumanggap ng kadakilaan?
Ipinaliwanag ni Pangulong Russell M. Nelson:
Bagamat ang kaligtasan ay [responsibilidad ng bawat] tao, ang kadakilaan ay [responsibilidad ng] pamilya. Tanging ang mga ikinasal sa templo [na ang] kasal ay ibinuklod sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ng pangako ang mananatiling mag-asawa matapos mamatay at tatanggap ng pinakamataas na antas ng selestiyal na kaluwalhatian, o kadakilaan.
(Russell M. Nelson, “Selestiyal na Kasal,” Liahona, Nob. 2008, 92)
Itinuro ni Brother Brian K. Ashton, na noon ay kabilang sa Sunday School General Presidency:
Gumawa ang Ama ng isang plano na magtutulot sa atin, kung makatutugon tayo sa mga partikular na kundisyon, na magtamo ng pisikal na katawan na magiging imortal at niluwalhati sa Pagkabuhay na Mag-uli; mag-asawa at bumuo ng pamilya sa buhay na ito o, para sa matatapat na hindi nagkaroon ng pagkakataon na ito, pagkatapos ng mortalidad; sumulong tungo sa pagiging perpekto; at sa huli ay makabalik sa ating mga Magulang sa Langit at mamuhay kasama nila sa kalagayang dinakila at walang hanggang kaligayahan.
(Brian K. Ashton, “Ang Ama,” Liahona, Nob. 2018, 94)