Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 4
Ipamuhay ang mga Doctrinal Mastery Scripture Passage
Ang isa sa mga layunin ng doctrinal mastery ay tulungan kang matutuhan kung paano ipamuhay ang doktrinang itinuro sa mga doctrinal mastery scripture passage. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng mga pagkakataon na magsanay para sa pagpapamuhay ng mga doctrinal mastery scripture passage sa mga sitwasyong katulad ng mga sitwasyong maaari mong maranasan sa sarili mong buhay.
Paano nauugnay ang mga banal na kasulatan sa buhay ko?
Isang binatilyong nagngangalang Nico ang gumugugol ng maraming oras sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Marami siyang nalalamang kuwento sa banal na kasulatan at napakaraming scripture verse na ang naisaulo niya. Sa kabila ng kanyang mga pagsisikap, nahihirapan si Nico na makita kung paano nauugnay ang mga banal na kasulatan sa sarili niyang mga sitwasyon at tanong.
-
Ano ang maaari mong sabihin kay Nico upang matulungan siyang makita kung paano magagamit ang mga banal na kasulatan sa kanyang buhay?
-
Kailan mo ipinamuhay ang isang katotohanan mula sa mga banal na kasulatan?
Ang lesson na ito ay tutulong sa iyo na maipamuhay ang mga katotohanang itinuro sa mga doctrinal mastery scripture passage sa mga sitwasyon sa totoong buhay.
Mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan
Ang sumusunod ay mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa mga doctrinal mastery scripture passage mula sa unang kalahati ng Bagong Tipan. Rebyuhin ang chart na ito, at, markahan ang mga talata na ito sa iyong mga banal na kasulatan kung hindi mo pa ito nagagawa.
Reperensyang Banal na Kasulatan |
Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan |
“Sapagkat ipinanganak sa inyo ngayon sa lunsod ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo, ang Panginoon.” | |
“Malibang ang isang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos.” | |
“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak.” | |
“Paliwanagin ninyo nang gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao.” | |
“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan, at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.” | |
Sinabi ni Jesus, “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian.” | |
“Kung ang sinuman ay nagnanais gumawa ng kalooban ng Diyos ay makikilala niya … ang turo.” | |
“Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos. … Ibigin mo ang iyong kapwa.” | |
Iniutos ni Jesucristo, tumanggap ng sakramento “sa pag-aalaala sa akin.” | |
“At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Diyos na tunay, at si [Jesucristo].” | |
“Sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.” |
-
Ano ang ilang paraan kung paano mo naipamuhay o maipamumuhay ang ilan sa mga katotohanang itinuro sa mga doctrinal mastery scripture passage na ito?
Gamitin ang doktrina sa mga sitwasyon sa totoong buhay
1. Pumili ng isa sa mga sumusunod na sitwasyon, pagkatapos ay pumili ng isang doctrinal mastery scripture passage mula sa chart na sa palagay mo ay makatutulong sa taong iyon sa sitwasyong iyon. Ipaliwanag ang iyong sagot.
-
Nagtanong sa iyo ang kaibigan mo, “Bakit napakahalaga ni Jesucristo?”
-
Habang nagsisimulang matuto ang isang kaibigan tungkol sa ebanghelyo, itinanong niya, “Bakit kailangan kong magpabinyag? Hindi ba maaaring maging mabuting tao na lang ako?”
Pumili ng isa sa mga sumusunod na sitwasyon.
-
Nahihirapan ka sa buhay at nag-iisip kung saan ka maaaring bumaling upang makadama ng kapanatagan.
-
Binigyang-diin ng iyong mga magulang ang kahalagahan ng pagiging mabuting halimbawa mo sa iyong kapwa.
2. Batay sa sitwasyong pinili mo, sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:
-
Aling doctrinal mastery scripture passage ang sa palagay mo ay nauugnay sa sitwasyong ito?
-
Ano ang ilang partikular na salita o parirala mula sa doctrinal mastery scripture passage na ito na talagang makatutulong sa sitwasyong ito?
Juan 3:163. Gumawa ng isang sitwasyon na nauugnay sa doktrinang itinuro sa
. Isulat ang iyong sitwasyon sa iyong study journal.