I-assess ang Iyong Pagkatuto 3
Mateo 8–13; Marcos 2–5; Lucas 7–9; 11; 13
Layunin ng lesson na ito na tulungan kang suriin ang mga mithiing itinakda mo at ang pagkatuto at pansariling pag-unlad na naranasan mo sa iyong pag-aaral ng Bagong Tipan sa taong ito.
Isipin ang iyong pag-unlad kamakailan
Isa sa mga layunin ng seminary ay tulungan kang lumapit kay Jesucristo at maging Kanyang disipulo. Maglaan ng ilang sandali upang pag-isipan ang iyong espirituwal na pag-unlad kamakailan. Magagabayan ka ng mga sumusunod na tanong. Maaari mong isulat ang iyong mga sagot sa mga tanong na ito sa iyong study journal.
-
Ano ang isang pagbabago na ginawa mo sa iyong buhay kamakailan na mas naglapit sa iyo kay Jesucristo?
-
Ano ang natutuhan mo tungkol sa Tagapagligtas sa iyong mga pag-aaral kamakailan na talagang naging makabuluhan para sa iyo?
-
Sa paanong mga paraan mo nadarama na nagiging higit ka nang katulad ni Jesucristo?
I-assess ang kakayahan mong maunawaan ang mga banal na kasulatan
Ngayong taon sa seminary, tinuruan ka ng iba’t ibang kasanayan upang matulungan kang mas maunawaan ang mga banal na kasulatan. Ang ilan sa mga kasanayang ito, tulad ng pagbibigay-kahulugan sa mahihirap na salita, ay maaaring nakatulong sa iyo na mas maunawaan ang mga salitang ginamit sa mga banal na kasulatan. Ang iba pang mga kasanayan, tulad ng pattern na may apat na hakbang para sa pag-unawa sa mga simbolong ginagamit sa mga talinghaga, ay maaaring nakatulong sa iyo na mas maunawaan ang mga mensahe sa mga banal na kasulatan.
-
Gamit ang scale na 0 hanggang 5, gaano nakatulong sa iyo ang mga sumusunod na kasanayan sa pag-aaral upang mas maunawaan ang mga banal na kasulatan?
0. Hindi ko pa nagamit ang kasanayang ito.
1. Walang naitulong
2. Kaunti lamang ang naitulong
3. Medyo nakatulong
4. Nakatulong kahit papaano
5. Lubos na nakatulong
______ Pagtukoy sa mga alituntunin
______ Pag-unawa sa mga simbolo at metapora (halimbawa, sa mga talinghaga ng Tagapagligtas)
______ Pag-tag (sa Gospel Library), pagmamarka, pagsalungguhit, at iba pa
______ Pagsulat ng mga ideya at impresyon habang nag-aaral ka
______ Pag-uugnay (sa Gospel Library) o pag-cross reference ng mga talata ng mga banal na kasulatan
______ Pag-aaral ng maraming pananaw (halimbawa, pag-aaral ng iisang kuwento mula sa iba’t ibang punto o pananaw)
______ Paglalarawan ng mga banal na kasulatan sa isipan
-
Ano pang mga kasanayan ang idaragdag mo sa listahang ito na nasubukan mo na?
-
Paano nakatulong sa iyo ang pagsasagawa ng mga kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan upang mas makilala si Jesucristo at mas maunawaan ang Kanyang mga turo?
Ipaliwanag ang mahalagang ginagampanan ng mga propeta at apostol sa Simbahan ng Tagapagligtas
Kamakailan lamang ay napag-aralan mo ang tungkol sa pagtawag ng Tagapagligtas sa Kanyang Labindalawang Apostol bilang bahagi ng pagtatatag ng Kanyang Simbahan (tingnan sa Mateo 10).
Ipagpalagay na may kaibigan kang nag-aaral ng tungkol sa Simbahan at gusto niyang malaman pa ang tungkol sa ginagampanan ng mga propeta at apostol sa Simbahan ng Tagapagligtas ngayon. Kunwari ay itinanong sa iyo ng kaibigan mo ang mga sumusunod na tanong. Maghanda ng sagot para sa iyong kaibigan. Maaaring makatulong na isama ang mga katotohanan mula sa Mateo 10 bilang bahagi ng iyong sagot.
1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:
-
Bakit tumatawag ang Tagapagligtas ng mga Apostol?
-
Bakit natin kailangan ng mga buhay na Apostol ngayon?
I-assess kung paano ka nananampalataya kay Jesucristo upang mapagsisihan ang iyong mga kasalanan
Maaaring nakita mo na ang diagram na ito sa nakaraang lesson. Maglaan ng ilang sandali upang mapagnilayan kung saan mo maaaring ilagay ang iyong sarili sa diagram na ito ngayon. Isipin kung gaano ka na kalapit sa Panginoon at kung saang direksyon ka papunta.
Sa pag-aaral mo ng Bagong Tipan, maaaring nahikayat kang mas lumapit pa kay Jesucristo sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya at pagsisisi sa iyong mga kasalanan. Bagama’t kung minsan ay tila hahantong sa mga hindi kanais-nais na resulta ang pagsisisi, makatutulong sa atin ang pananampalataya kay Jesucristo at taos-pusong pagsisisi upang madaig ang pagkatakot na iyon.
Kung nakibahagi ka sa lesson para sa Lucas 7:36–50, maaalala mo na pinagawa ka ng plano upang mapalalim mo ang iyong pagmamahal sa Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagsisisi sa iyong mga kasalanan. Sa lesson na iyan, sinabi sa iyo na sagutin mo ang mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:
-
Ano ang isang bagay na kailangan mong ihinto para mas mapalapit sa Tagapagligtas? Paano ka hihinto?
-
Ano ang isang bagay na kailangan mong simulang gawin upang mas mapalapit sa Tagapagligtas? Paano ka magsisimula?
Kung maaari, balikan ang isinulat mong ito sa iyong study journal upang marebyu kung paano mo sinagot ang dalawang tanong na ito. Isipin ang tungkol sa progresong nagawa mo sa pagsasakatuparan ng mga mithiing itinakda mo. Magagabayan ka ng mga sumusunod na tanong.
-
Anong mga balakid ang kinaharap mo o ano ang progresong nagawa mo habang nagsisikap kang magbago at mas mapalapit kay Jesucristo?
-
Paano ka tinulungan ng Tagapagligtas?
-
Batay sa iyong kasalukuyang progreso, ano sa palagay mo ang dapat na maging susunod mong hakbang?
2. Sagutin ang isa sa mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:
-
Ano pang mga tanong ang mayroon ka tungkol sa pagsisisi?
-
Paano nakatulong ang pagpili mong magsisi sa iyong espirituwal na pag-unlad at pagkakaroon ng kagalakan?
-
Paano mo nadama ang pagmamahal ng Tagapagligtas habang nagsisikap kang magsisi o magbago?