Seminary
Juan 11:1–46, Bahagi 2


Juan 11:1–46, Bahagi 2

Pinabangon ni Jesus si Lazaro mula sa Kamatayan

Jesus mourning Lazarus.

Sa nakaraang lesson, tumukoy ka ng mga alituntunin mula sa salaysay tungkol sa pagpapabangon ng Tagapagligtas kay Lazaro mula sa kamatayan. Bibigyan ka ng lesson na ito ng pagkakataong magturo ng isang alituntunin na makatutulong sa iyo at sa iba na matanggap ang tulong ng Tagapagligtas sa mga hamon ng buhay.

Epekto ng pagtuturo

Pagnilayan ang isang pagkakataon na may naituro sa iyo tungkol kay Jesucristo o sa Kanyang ebanghelyo na nagkaroon ng malaking impluwensya sa iyo.

  • Paano ito itinuro sa iyo?

  • Bakit napakalaki ng impluwensya nito?

Si Jesucristo ang Dalubhasang Guro. Habang nagtuturo Siya nang may kapangyarihan at Espiritu, nadama ng mga nakikinig nang may pagpapakumbaba ang epekto ng Kanyang mga turo (tingnan sa Juan 3:2; Juan 6:35, 68-69).

  • Ano ang ilang halimbawa ng mga taong naiimpluwensyahan nang husto ng turo ng Tagapagligtas?

Pagnilayan ang halimbawa ng Tagapagligtas at ang sarili mong mga karanasan habang naghahanda at nagtuturo ka ng maikling lesson batay sa salaysay tungkol sa pagpapabangon ng Tagapagligtas kay Lazaro mula sa kamatayan sa Juan 11:1–46. Ang isang elemento ng pagtuturo ng Tagapagligtas ay palagi Siyang nagtuturo ng totoong doktrina at mga alituntunin. Sa lesson na ito, magkakaroon ka ng pagkakataong tularan ang halimbawa ng Tagapagligtas habang nagtuturo ka ng totoong alituntunin. Habang pinagbubuti mo ang iyong kakayahang magturo sa paraan ng Tagapagligtas, maaari kang maging higit na katulad Niya.

Lazaro

Alalahanin ang lahat ng kaya mong maalala sa salaysay tungkol sa pagpapabangon ng Tagapagligtas kay Lazaro mula sa kamatayan. Kung kinakailangan, basahin ang sumusunod na buod.

Nagpadala ng mensahe sina Maria at Marta kay Jesus na may sakit ang kanilang kapatid na si Lazaro. Sadyang ipinagpaliban ni Jesus ang paglalakbay Niya at dumating Siya apat na araw mula nang mamatay si Lazaro. Dahil sa pagmamahal at pagkahabag, muling binuhay ni Jesus si Lazaro. Binigyang-diin ng pangyayaring ito na si Jesus ang piniling Mesiyas at may kapangyarihan Siyang daigin ang kamatayan. Matapos marinig ang himalang ito, nagplano ang mga punong saserdote at mga Fariseo na patayin sina Jesus at Lazaro.

Ang iyong lesson

Maghanda ng lesson gamit ang isang alituntunin na matututuhan natin mula sa Juan 11. Pumili ng isang alituntunin mula sa mga sumusunod na opsiyon na pinakanakakainteres sa iyo o sa palagay mo ay pinakanauugnay sa mga tinedyer.

Opsiyon 1 sa lesson: Makapagsasagawa ang Tagapagligtas ng mga himala sa ating mga buhay kapag kumilos tayo nang may pananampalataya sa Kanya sa panahon ng ating mga pagsubok (Juan 11:20–27,38–45).

Opsiyon 2 sa lesson: Dumarating ang mga himala ng Diyos sa ating mga buhay ayon sa Kanyang kalooban at takdang panahon (Juan 11:1–7,11–17, 39–45).

Opsiyon 3 sa lesson: Matutularan natin ang halimbawa ni Jesucristo sa pamamagitan ng pagpapakita ng habag sa iba (Juan 11:32–36,43–44).

Opsiyon 4 sa lesson: Makikita natin ang pagmamahal at kapangyarihan ng Diyos habang pinalalakas at pinapanatag Niya tayo sa ating mga paghihirap (Juan 11:1–7,11–15,38–46).

Opsiyon 5 sa lesson: May kapangyarihan si Jesucristo sa buhay at kamatayan (Juan 11:20–27,39–46).

Opsiyon 6 sa lesson: Pumili ng sarili mong alituntunin mula sa salaysay na ito (Juan 11:1–46).

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. 1. Gawin ang sumusunod sa iyong study journal:

Sagutin ang mga sumusunod na prompt upang matulungan kang gumawa ng outline para sa iyong lesson. Maaari kang maglaan ng 15 hanggang 20 minuto upang ihanda ang iyong lesson at 5 hanggang 10 minuto upang ituro ito.

  1. Paano mo ipababatid ang alituntuning pinili mo sa paraang makatutulong sa mga tinuturuan mo na maunawaan kung bakit ito mahalaga?

  2. Aling mga talata ang babasahin mo kasama ng mga tinuturuan mo upang pinakamahusay na mailarawan ang alituntuning ito? (Kung may alam kang karagdagang salaysay sa banal na kasulatan, scripture passage, o pahayag ng isang lider ng Simbahan na makatutulong sa mga tinuturuan mo na maunawaan ang alituntunin, maaari mo rin itong isulat dito.)

  3. Ano ang itinuturo sa iyo ng alituntuning ito tungkol sa Tagapagligtas? Maaari mong sabihin sa mga tinuturuan mo na ibahagi ang natutuhan nila tungkol kay Jesucristo mula sa alituntuning ito.

  4. Ano ang maaari mong ibahagi tungkol sa kung paano nakatulong sa iyo ang alituntuning ito? Anong mga pagpapala ang natamo sa pamumuhay nang ayon dito? Maaari mong anyayahan ang mga tinuturuan mo na magbahagi rin ng mga karanasan nila.

  5. Isulat ang mga saloobin mo tungkol sa alituntuning itinuturo mo at isang maikling paliwanag kung paano nito pinalalakas ang iyong patotoo kay Jesucristo. Ibahagi ang iyong patotoo kung nadarama mong dapat mo itong gawin.

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. 2. Ituro ang iyong lesson sa isang kapamilya o kaibigan. Kapag tapos ka na, sagutin sa iyong study journal ang mga sumusunod na tanong:

  • Ano ang natutuhan mo sa karanasang ito?

  • Paano makatutulong sa iyo at sa iba ang paghahanda ng mga lesson at pagtuturo sa iba na mas lumapit sa at maging higit na katulad ng Tagapagligtas?

Mga karagdagang sanggunian o resources

Makatutulong sa iyo ang mga sumusunod na video at mensahe na ihanda at ituro ang iyong lesson. Maaari mong gamitin ang mga sanggunian o resources na ito sa isa o mahigit pa sa mga sumusunod na paraan:

  • upang mas maunawaan ang alituntuning itinuturo mo

  • upang matukoy ang mga katotohanan, kuwento, o kaalaman na maibabahagi mo sa sarili mong mga salita habang nagtuturo ka

  • upang maghanap ng mga pahayag o video clip na maaari mong ipakita para sa mga tinuturuan mo

Matatagpuan ang lahat ng nakalistang video sa ChurchofJesusChrist.org.

Opsiyon 1 sa lesson: Makapagsasagawa ang Tagapagligtas ng mga himala sa ating mga buhay kapag kumilos tayo nang may pananampalataya sa Kanya sa panahon ng ating mga pagsubok

Neil L. Andersen, “Ang Pananampalataya ay Hindi Matatamo Kung Wala Munang Pagpiling Gagawin” (pangkalahatang kumperensya, Okt. 2015) (panoorin mula sa time code na 1:40 hanggang 4:32).

15:1

Ang Pananampalataya ay Hindi Matatamo Kung Wala Munang Pagpiling Gagawin

Tinalakay ni Elder Andersen kung paano natin mapipiling palakasin at pangalagaan ang ating pananampalataya.

5:33

Finding the Incredible: What Cancer and Trials Can Teach Us

Daniel and Melanie Hedlund found out Daniel had cancer in December 2007, three weeks after being married.

Opsiyon 2 sa lesson: Dumarating ang mga himala ng Diyos sa ating mga buhay ayon sa Kanyang kalooban at takdang panahon

Jeffrey R. Holland, “Paghihintay sa Panginoon,” Ensign o Liahona, Nob. 2020, 115–17.

 

4:55

Good Things to Come

Elder Jeffrey R. Holland recalls his days as a poor young father with a broken-down family car and testifies that for those who embrace the gospel of Jesus Christ, there are better days and good things to come.

Opsiyon 3 sa lesson: Matutularan natin ang halimbawa ni Jesucristo sa pamamagitan ng pagpapakita ng habag sa iba

Dieter F. Uchtdorf, “Kayo ang Aking mga Kamay,” Ensign o Liahona, Mayo 2010, 68–75.

11:47

Mourn with Those That Mourn—Hope Works

There are times to sit with someone, listen to them, and validate what they are feeling rather than give advice or resources. It’s more helpful to mourn with than for someone.

Opsiyon 4 sa lesson: Makikita natin ang pagmamahal at kapangyarihan ng Diyos

habang pinalalakas at pinapanatag Niya tayo sa ating mga paghihirap

John C. Pingree Jr., “Ako ay May Gawain para sa Iyo” (pangkalahatang kumperensya, Okt. 2017) (panoorin mula sa time code na 5:49 hanggang 6:48).

2:3

"I Have a Work for Thee"

Pinatotohanan ni Elder Pingree na ang Diyos ay may gawain para sa ating lahat. Nagbahagi rin siya ng mga alituntunin na tutulong sa atin na magawa ang gawaing iyon at binalaan tayo sa mga paraan na gagamitin ni Satanas upang mahadlangan tayo.

14:54

Using Your Trials to Help Others—Hope Works

Pain and grief can be unspeakable. Because Molly had the courage to speak, she felt seen and heard. Pain is a powerful connector. Talking about it allows others to share their pain.

Opsiyon 5 sa lesson: May kapangyarihan si Jesucristo sa buhay at kamatayan

D. Todd Christofferson, “Ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo,” Ensign o Liahona, Mayo 2014, 111–14.

Paul V. Johnson, “At Hindi na Magkakaroon ng Kamatayan” (pangkalahatang kumperensya, Abr. 2016) (panoorin mula sa time code na 0:17 hanggang 4:56).

10:14

At Hindi na Magkakaroon ng Kamatayan

Ikinuwento ni Elder Johnson ang tungkol sa kanyang anak na babae na pumanaw dahil sa sakit na kanser. Nagpatototo siya sa katiyakan ng Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas at ng Pagkabuhay na Mag-uli ng sangkatauhan.