Seminary
Apocalipsis 12


Apocalipsis 12

“Digmaan sa Langit”

illustration of the earth from space

Saan ka nanggaling bago ka isinilang sa mundo? Paano makakaapekto sa buhay mo ang kaalamang ito? Habang inilalarawan ang kanyang pangitain tungkol sa “mga bagay na kailangang mangyari pagkatapos ng mga bagay na ito” ( Apocalipsis 4:1) hinggil sa mga huling araw at Ikalawang Pagparito ni Jesucristo, ibinahagi rin ni Juan ang mga detalye tungkol sa ating buhay bago tayo isinilang, kabilang ang “digmaan sa langit” ( Apocalipsis 12:7) at ang pagsalungat ni Satanas sa mga tagasunod ni Jesucristo sa mortalidad. Layunin ng lesson na ito na tulungan kang pag-ibayuhin ang iyong katapatan na sundin si Jesucristo sa pamamagitan ng pagtulong sa iyo na maunawaan ang iyong pinili sa buhay bago tayo isinilang na sundin ang Tagapagligtas at hindi tanggapin si Satanas.

Anong kaibahan ang magagawa nito?

Sa isang pandaigdigang debosyonal para sa mga kabataan, ibinahagi ni Sister Wendy W. Nelson, asawa ni Pangulong Russell M. Nelson, ang sumusunod na pahayag. Subukang ilarawan sa isipan kung ano ang ipinag-aanyaya niya sa iyo na ilarawan sa isipan at damhin. Maaari mong panoorin ang video na “Pag-asa ng Israel” (1:01:34), na matatagpuan sa SimbahanniJesucristo.org, mula sa time code na 20:52–21:37, o basahin ang sumusunod na pahayag.

2:3

2018 Pandaigdigang Debosyonal para sa Kabataan

Sina Pangulong Russell M. Nelson at Sister Wendy Nelson ay nagsalita sa Pandaigdigang Debosyonal para sa Kabataan noong ika-3 ng Hunyo, 2018

Ang Digmaan sa Langit sa buhay bago tayo isinilang o premortal na buhay

Upang matulungan kang maghandang pag-aralan ang mga turo ni Juan tungkol sa Digmaan sa Langit, maaaring makatulong sa iyo na pag-aralan ang Apocalipsis 12:1–5 at pagkatapos ay tingnan ang larawan sa ibaba na nagpapakita ng ilan sa mga simbolo sa mga talatang ito. Gamitin ang sumusunod na chart upang matulungan kang maunawaan kung ano ang kinakatawan ng mga simbolong ito.

Book of Revelation Transparencies

Simbolo

Ang kinakatawan

Isang babae ( Apocalipsis 12:1)

“[Ang] simbahan ng Diyos” (tingnan sa Pagsasalin ni Joseph Smith, Apocalipsis 12:7)

Ang anak ng babae ( Apocalipsis 12:2)

“Ang kaharian ng ating Diyos at ng kanyang Cristo” (tingnan sa Pagsasalin ni Joseph Smith, Apocalipsis 12:7)

Isang dragon ( Apocalipsis 12:3)

Si Satanas (tingnan sa Pagsasalin ni Joseph Smith, Apocalipsis 12:8)

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. 1. Gawin ang sumusunod na aktibidad, kabilang ang paggawa at pagkumpleto sa chart at pagsagot sa mga tanong:

Upang malaman ang tungkol sa Digmaan sa Langit, gumawa ng chart na katulad ng sumusunod sa iyong study journal. Basahin ang Pagsasalin ni Joseph Smith, Apocalipsis 12:7–11 . Tandaan na “si Miguel at ang kanyang mga anghel” ( Apocalipsis 12:7) ay si Adan at ang iba pang mabubuting espiritung anak ng Diyos.

Ang Digmaan sa Langit

Pagsasalin ni Joseph Smith, Apocalipsis 12:7–11

Natutuhan ko na si Satanas ay …

Natutuhan ko na si Jesucristo ay …

Natutuhan ko na ako ay …

Pagnilayan ang nabasa mo at kung ano ang isinulat mo sa iyong chart.

  • Ano ang mahalaga para sa iyo? Ano ang mga tanong mo?

  • Ano ang ipinauunawa sa iyo ng talata 11 tungkol sa kung sino ka sa buhay bago ka isinilang? Anong tungkulin ang ginampanan ng Tagapagligtas sa pagtulong sa iyo na madaig si Satanas?

Sa pagtuturo tungkol sa buhay bago tayo isinilang at sa ating mga ginawa roon, binigyang-diin ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan ang sumusunod:

Official Portrait of President Dallin H. Oaks taken March 2018.

Sa Kapulungan sa Langit, ipinaalam sa lahat ng espiritung anak ng Diyos ang plano ng Ama, pati na ang mga ibubunga at pagsubok nito, ang mga tulong ng langit, at ang maluwalhating tadhana nito. Nakita natin ang katapusan mula sa simula. Lahat ng napakaraming mortal na isinilang sa mundong ito ay pinili ang plano ng Ama at ipinaglaban ito sa sumunod na digmaan sa langit.

(Dallin H. Oaks, “Ang Dakilang Plano,” Liahona, Mayo 2020, 93)

  • Ano ang natututuhan mo na makapagpapalakas ng iyong pananampalataya kay Jesucristo at makatutulong sa iyo na sundin Siya?

Ang isang katotohanan na maaari mong matutuhan mula sa iyong pag-aaral ay nadaig mo si Satanas sa buhay bago ka isinilang sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo at pananatiling tapat sa iyong patotoo.

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. 2. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

  • Paano nakakaimpluwensya ang pag-unawa sa katotohanang ito sa kung paano mo nakikita ang iyong sarili at ang iba?

  • Ano ang ipinauunawa sa iyo ng katotohanang ito tungkol sa kapangyarihan ng Tagapagligtas at ng Kanyang Pagbabayad-sala?

Alalahanin na matapos ang paghihimagsik ni Satanas, siya at ang kanyang mga tagasunod ay “itinapon sa lupa” ( Apocalipsis 12:9). Basahin ang Apocalipsis 12:12, 17 , at alamin kung kanino nakidigma si Satanas matapos siyang itapon mula sa langit. Maaari mong idagdag ang iyong mga nalaman sa chart na ginawa mo.

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. 3. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:

  • Paano mo nakikita na nagpapatuloy ngayon ang digmaang sinimulan ni Satanas laban sa mga tagasunod ni Cristo?

  • Paano makatutulong sa iyo ang mga katotohanang nalaman mo tungkol sa Digmaan sa Langit sa buhay bago tayo isinilang sa digmaang ito laban kay Satanas ngayon?

Rebyuhin ang inilista mo sa iyong study journal, at maaari mong tahimik na isipin at ipagdasal ang iyong personal na paniniwala sa iyong buhay bago ka isinilang at sa mga katotohanan ng digmaan ni Satanas at ng mga sumusunod kay Jesucristo. Isipin kung paano makatutulong sa iyo ang natutuhan mo ngayon na mas maunawaan ang iyong pagtitiwala at pag-asa kay Jesucristo sa buhay bago ka isinilang. Paano mo Siya mas lubos na mapagkakatiwalaan at maaasahan sa buhay na ito? Isulat ang mga naisip at impresyon mo sa iyong study journal.

Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

Paano ko nadaig si Satanas sa Digmaan sa Langit sa buhay bago tayo isinilang?

Ibinahagi ni Pangulong Henry B. Eyring ng Unang Panguluhan ang sumusunod:

2:3

Ang Kapangyarihan ng Pananampalataya sa Pagsang-ayon

Inanyayahan tayo ni Pangulong Eyring na sang-ayunan at suportahan ang ating mga pinuno ng Simbahan.

Official Portrait of President Henry B. Eyring taken March 2018.

Isipin ang nalalaman natin tungkol sa daigdig ng mga espiritu bago tayo isinilang. Inilahad ng ating Ama sa Langit ang isang plano para sa Kanyang mga anak. Naroon tayo. … Sinalungat ni Lucifer, na ating kapatid sa espiritu, ang plano na magtutulot sa atin ng kapangyarihang pumili. Si Jehova, ang Pinakamamahal na Anak ng Ama sa Langit, ay sumang-ayon sa plano. Pinamunuan ni Lucifer ang isang paghihimagsik. Nagwagi ang sumasang-ayon na tinig ni Jehova, at nagboluntaryo Siya na maging Tagapagligtas natin.

Ang katotohanang buhay kayo ngayon ay tumitiyak na sumang-ayon kayo sa Ama at sa Tagapagligtas. Kinailangan ang pananampalataya kay Jesucristo upang sang-ayunan ang plano ng kaligayahan at ang tungkulin ni Jesucristo rito sapagkat kakaunti lamang ang inyong pagkakaalam tungkol sa mga hamong haharapin ninyo sa mortalidad.

(Henry B. Eyring, “Ang Kapangyarihan ng Pananampalataya sa Pagsang-ayon,” Liahona, Mayo 2019, 58)

Ibinahagi ni Brother Ahmad S. Corbitt, Unang Tagapayo sa Young Men General Presidency, ang sumusunod:

10:53

Magagawa Ninyong Tipunin ang Israel!

Itinuro ni Brother Corbitt na makatutulong ang mga kabataan ng Simbahan sa pagtitipon ng Israel kapag naunawaan nila ang kanilang tunay na identidad at natatanging lakas.

The official portrait of Ahmad Corbitt.

Nang ipangako ni Jesucristo [sa premortal na daigdig] na Siya ay paparito sa mundo at ibibigay Niya ang Kanyang buhay upang tipunin at iligtas tayo, hindi lamang kayo naniwala sa Kanya. Kayong “magigiting na mga espiritu” ay may “labis na pananampalataya” kaya nakita ninyo na tiyak ang Kanyang pangako [Russell M. Nelson at Wendy W. Nelson, “Pag-asa ng Israel,” 8; Alma 13:3 ]. Hindi Siya maaaring magsinungaling, kaya nakita ninyo Siya na tila itinigis na Niya ang Kanyang dugo para sa inyo, bago pa man Siya isinilang. …

… Bago isinilang kayong magigiting na mga espiritu, natutuhan ninyong makita ang mga pangako ni Cristo sa tiyak na paraang ito, at natikman ninyo ang Kanyang pagliligtas. Ang inyong malaking pananampalataya ay tulad ng mga kalamnan na mas lumalakas at mas lumalaki kapag lalo ninyong ginagamit ang mga ito, ngunit taglay na ninyo ang mga ito.

(Ahmad S. Corbitt, “Magagawa Ninyong Tipunin ang Israel!,” Liahona, Mayo 2021, 62)

Saan ko matututuhan pa ang tungkol sa buhay bago tayo isinilang?

Maaari mong pag-aralan ang ilan sa mga sumusunod na resource:

Moises 4:1–4

Mga Paksa ng Ebanghelyo, “Digmaan sa Langit,” https://www.churchofjesuschrist.org/study/manual/gospel-topics/war-in-heaven?lang=tgl

Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “ Digmaan sa Langit ,” https://www.churchofjesuschrist.org/study/scriptures/gs/war-in-heaven?lang=tgl

Saan Tayo Nanggaling?” (video, 3:23), https://www.churchofjesuschrist.org/media-library/video/2019-07-0060-where-did-we-come-from?lang=tgl

3:23

Saan Tayo Nanggaling?

Bago isilang, nabuhay tayo kasama ng Diyos bilang espiritu. Hindi natin iyon naaalala dahil ang buhay na ito ay panahon para masubukan ang ating pananampalataya at pagkamasunurin. Ang ating pagpili ang magtatakda kung makakabalik tayo sa piling Niya.

Anong uri ng digmaan ang Digmaan sa Langit?

Inilarawan ni Elder Bruce R. McConkie (1915–1985) ng Korum ng Labindalawang Apostol ang digmaang nangyari sa langit.

Head and shoulders portrait of Elder Bruce R. McConkie.

Anong klase ng digmaan? Katulad ng uri ng digmaan na namamayani sa mundo; ang uri na mapapasimulan lamang ni Satanas at ng mga espiritu—digmaan ng mga salita, pagkakaingay ng mga opinyon, paglalaban ng mga ideolohiya; digmaan ng katotohanan at kamalian, ng liwanag at kadiliman. … At patuloy pa rin ang digmaang ito. Nasa lupa na ito ngayon tulad noon sa langit; lahat ng tao ay dapat pumili kung sinong heneral ang kanyang susundin.

(Bruce R. McConkie, Doctrinal New Testament Commentary [1973], 3:518)