Seminary
Apocalipsis 14


Apocalipsis 14

“Nakita Ko Ang Isa Pang Anghel …, na May Walang Hanggang Ebanghelyo.”

The Melbourne Australia Temple angel Moroni.

Pag-isipan ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo. Paano nakatutulong sa iyo Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw na maunawaan at mapaghandaan mo ito? Ipinropesiya ni Apostol Juan ang mga pangyayaring magiging panimula ng matagumpay na Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas, kabilang ang Pagpapanumbalik ng Kanyang Simbahan at ang paghihiwalay ng mabubuti at ng masasama. Layunin ng lesson na ito na tulungan kang maunawaan kung paano matutulungan ng Tagapagligtas at ng Kanyang ipinanumbalik na Simbahan ang mundo—kabilang ka—na maghanda para sa Kanyang Ikalawang Pagparito.

Ang layunin ng Simbahan

Ipagpalagay na nasa isang klase ka sa paaralan nang banggitin ang paksa tungkol sa organisadong relihiyon. Nagkomento ang isang kaklase mo na mas paunti nang paunti ang mga taong kabilang o dumadalo sa isang simbahan dahil sa palagay nila ay wala talagang layunin ang mga simbahan. Dahil sa komentong ito, pinag-isipan mo ang lahat ng layunin ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

  • Ano ang ilang bagay na sa palagay mo ay dapat maunawaan ng iba tungkol sa kung bakit itinatag ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan?

Maaaring may mga naisip ka sa maraming mahahalagang layunin ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ipinaliwanag ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol ang isa sa maraming mahalagang layunin ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw:

Portrait of Elder D. Todd Christofferson. Photographed in March 2020.

Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay ang katangi-tanging binigyang-kapangyarihan at inatasan na gawin ang mga kinakailangang paghahanda para sa Ikalawang Pagparito ng Panginoon; tunay ngang ito ay ipinanumbalik para sa layuning iyon.

(D. Todd Christofferson, “Paghahanda para sa Pagbabalik ng Panginoon,” Liahona, Mayo 2019, 82)

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. 1. Sagutin sa iyong study journal ang sumusunod na tanong:

  • Paano maaaring makaapekto ang pag-unawa sa layuning ito sa pananaw at pakikibahagi mo at ng iba sa Simbahan?

Pagnilayan sandali ang mga pagpapala ng Simbahan ng Tagapagligtas at ng Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo sa iyong buhay. Habang nag-aaral ka, pakinggan ang mga pahiwatig at impresyon mula sa Espiritu Santo upang tulungan kang gamitin ang mga pagpapalang ito upang mas makapaghanda para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas.

Nakakita si Juan ng pangitain tungkol sa Pagpapanumbalik sa mga huling araw

Bilang bahagi ng kanyang pangitain na nakatala sa aklat ng Apocalipsis, nasaksihan ni Juan ang maraming mahalagang kaganapan na mangyayari bago ang Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas. Nakita niya ang 144,000 matapat na matataas na saserdote mula sa lahat ng lipi ni Israel na inoordenan upang pangasiwaan ang ebanghelyo at dalhin ang mga tao sa Simbahan (tingnan sa Apocalipsis 7:4–8 ; 14:1–5 ; Doktrina at mga Tipan 77:11). Nakita rin niya ang maraming anghel na kumikilos upang ihanda ang mundo para sa pagbabalik ng Tagapagligtas (tingnan sa Apocalipsis 14:6–20).

Angel Moroni on the Meridian Idaho Temple during winter at sunrise.
  • Naisip mo ba kung bakit may estatwa ni Moroni sa ibabaw ng karamihan sa ating mga templo?

Ang mga estatwang ito ay simbolo ng pangangaral ng ipinanumbalik na ebanghelyo sa buong mundo. Ang mga sugo ng langit, kabilang si Moroni, ay may mahalagang tungkulin sa Pagpapanumbalik ng ebanghelyo sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith. Sa Apocalipsis 14 , binanggit ni Juan ang mahalagang tungkulin ni Moroni at ng iba pang anghel sa pagtulong na maihanda ang mundo para sa pagbabalik ng Tagapagligtas.

Basahin ang Apocalipsis 14:6 , at alamin kung ano ang matututuhan mo mula sa paglalarawan ni Juan na nagpapaalala sa iyo tungkol kay Moroni at sa kanyang misyon.

Bukod kay Moroni, ang anghel na binanggit sa Apocalipsis 14:6 ay maaari ding kumatawan sa maraming sugo mula sa langit na tumulong na ipanumbalik ang ebanghelyo ni Jesucristo. Basahin ang sumusunod upang matukoy ang iba pang mga anghel na may ginampanan sa pagpapanumbalik ng ebanghelyo:

Doktrina at mga Tipan 13 , section heading

Doktrina at mga Tipan 110:11–16

Doktrina at mga Tipan 128:20–21

Basahin ang Apocalipsis 14:7 , at alamin kung ano ang sinabi ng anghel.

Ang pariralang “dumating na ang oras ng kanyang paghuhukom” ay tumutukoy sa panahong hahatulan ni Jesucristo ang lahat ng tao sa mundo. Ang Kanyang paghatol ay mangyayari sa Ikalawang Pagparito (tingnan sa Malakias 3:1–5) at sa Huling Paghuhukom (tingnan sa 2 Nephi 9:15). Sa tulong ng mga sugo ng langit, ipinanumbalik ni Jesucristo ang Kanyang ebanghelyo upang tumulong sa paghahanda sa mundo para sa Kanyang Ikalawang Pagparito.

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. 2. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:

  • Ano ang ilang paraan na tumutulong ang ipinanumbalik na ebanghelyo ng Panginoon at ang Kanyang Simbahan sa paghahanda sa mundo para sa Kanyang Ikalawang Pagparito? Ipaliwanag ang iyong mga sagot.

  • Ano ang itinuturo sa iyo ng mga pagsisikap ng Panginoon na ihanda tayo para sa Kanyang Ikalawang Pagparito tungkol sa Kanya at sa Kanyang mga hangarin para sa iyo?

Ang ating responsibilidad sa paghahanda sa mundo para sa Ikalawang Pagparito

Tinapos ni Juan ang bahaging ito ng kanyang mga isinulat sa pamamagitan ng paglalarawan ng isang pangitain niya tungkol sa isang “katulad ng isang Anak ng tao” ( Apocalipsis 14:14). Basahin ang Apocalipsis 14:14–15 , at alamin ang nakita ni Juan.

Drawing of a sickle.

Ang karit ay isang matalas at kurbadong talim na ginagamit upang tabasin at anihin (o igapas) ang mga pananim. Nang ituro ni Jesus ang talinghaga tungkol sa mga damo at mga trigo (tingnan sa Mateo 13:24–30, 36–43), sinabi Niya na ang trigo (mabubuting tao) ay ihihiwalay mula sa mga damo (hindi mabubuting tao) “sa katapusan ng sanlibutan” ( Mateo 13:40). Sa kanyang pangitain, nakita ni Juan ang pagtitipon ng mabubuti mula sa masasama bilang paghahanda sa pagkalipol ng masasama (tingnan sa Apocalipsis 14:16–20). Ang pariralang “Ihulog mo ang iyong karit at gumapas ka” sa Apocalipsis 14:15 ay maaaring mangahulugan ng pagtitipon ng mga kaluluwa kay Jesucristo.

Inaanyayahan tayo ni Jesucristo na makibahagi sa pagtitipon ng mga kaluluwa sa Kanya bilang paghahanda para sa Kanyang Ikalawang Pagparito. Ito ay kadalasang tinutukoy bilang ang pagtitipon ng Israel.

Maglaan ng oras upang rebyuhin ang mga turo kamakailan ng mga propeta at apostol ng Panginoon na may kaugnayan sa pakikibahagi sa pagtitipon ng Israel. Upang magawa ito, maaari mong saliksikin ang paksang “Pagtitipon” sa mga mensahe sa huling pangkalahatang kumperensya sa SimbahanniJesucristo.org o sa Gospel Library app. Bilang alternatibo, maaari mong rebyuhin ang isa o mahigit pa sa mga sumusunod na mensahe mula kina Pangulong Russell M. Nelson at Sister Wendy W. Nelson. Sa iyong pag-aaral, maghanap ng mga pahayag na naglalarawan ng ating responsibilidad sa pagtulong na tipunin ang Israel at ihanda ang mundo para sa Ikalawang Pagparito.

Pag-asa ng Israel” (pandaigdigang debosyonal para sa mga kabataan kasama sina Russell M. Nelson at Wendy W. Nelson, Hunyo 3, 2018), suplemento sa Liahona, SimbahanniJesucristo.org

Pakikibahagi ng Kababaihan sa Pagtitipon ng Israel,” Liahona, Nob. 2018, 68–70

Hayaang Manaig ang Diyos,” Liahona, Nob. 2020, 92–95

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. 3. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:

  • Ano ang isang pahayag na nakita mo tungkol sa pagtitipon ng Israel na partikular na mahalaga para sa iyo? Bakit?

  • Ano ang ilang partikular na bagay na gagawin mo upang maihanda ang iyong sarili at ang iba para sa pagbabalik ng Tagapagligtas? Paano ka matutulungan ng mga bagay na ito na maging handa?

Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

Bakit may responsibilidad ako sa paghahanda sa mundo para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas?

Itinuro ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Official Portrait of Elder Jeffrey R. Holland. Photographed January 2018.

Dahil dispensasyon natin ang huli at pinakadakila sa lahat, dahil lahat ng bagay kalaunan ay magaganap at matutupad sa ating panahon, may isang partikular at napakatiyak na responsibilidad, kung gayon, na nakaatang sa atin na narito sa Simbahan ngayon na hindi iniatang sa gayong paraan sa balikat ng mga miyembro ng Simbahan noong una. Hindi tulad ng Simbahan noong panahon ni Abraham o Moises, Isaias o Ezekiel, o maging sa panahon ng Bagong Tipan nina Santiago at Juan, responsibilidad nating ihanda ang Simbahan ng Kordero ng Diyos na tanggapin ang Kordero ng Diyos—nang personal, sa matagumpay na kaluwalhatian, sa Kanyang papel sa milenyo bilang Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari. Wala nang iba pang dispensasyon na may ganyang tungkulin.

… Responsibilidad natin bilang Simbahan at bilang mga miyembro ng Simbahang iyan na maging marapat [upang] pumarito si Cristo sa atin, maging marapat [upang] salubungin Niya tayo, at tanggapin at yakapin Niya tayo. Ang buhay na ihaharap natin sa Kanya sa sagradong sandaling iyon ay kailangang maging karapat-dapat sa Kanya!

(Jeffrey R. Holland, “Paghahanda para sa Ikalawang Pagparito,Liahona, Dis. 2013, 4)

Itinuro ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol:

2:3

Preparing the World for the Second Coming

Your mission will be a sacred opportunity to bring others to Christ and help prepare for the Second Coming of the Savior.

Official portrait of Elder Neil L. Andersen of the Quorum of the Twelve Apostles, 2010, August.

Naisip na ba ninyo kung bakit kayo ipinadala sa mundo sa panahong ito? Hindi kayo nabuhay noong panahon nina Eva at Adan o noong mga faraon ang namumuno sa Egipto o noong panahon ng Ming dynasty. Isinilang kayo sa panahong ito, 20 siglo pagkatapos ng unang pagparito ni Cristo. Ang priesthood ng Diyos ay ipinanumbalik sa lupa, at sinimulan nang ihanda ng kamay ng Panginoon ang mundo para sa Kanyang maluwalhating pagbabalik. Panahon ito ng magagandang oportunidad at mahahalagang responsibilidad. Ang panahong ito ay sa inyo.

Sa inyong binyag, ipinakita ninyo ang inyong pananampalataya kay Jesucristo. … Isa sa inyong mahahalagang responsibilidad ang tulungan ang mundo na maghanda para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas.

(Neil L. Andersen, “Paghahanda sa Mundo para sa Ikalawang Pagparito,” Liahona, Mayo 2011, 49)