Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 25


Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 25

Unawain at Ipamuhay

A woman is sitting against a tree reading her scriptures. It is a nice sunny day with clouds in the sky. She has a flower in her hair.

Isa sa mga layunin ng doctrinal mastery ay tulungan kang maunawaan at maipamuhay ang mga doctrinal mastery passage sa iyong sariling sitwasyon o sa pagtulong mo sa ibang tao. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng pagkakataong palalimin ang iyong pag-unawa at maipamuhay ang mga katotohanan mula sa 13 doctrinal mastery passage mula sa pangalawang bahagi ng Bagong Tipan.

Pinalakas ng mga katotohanan ng ebanghelyo

Sinabi minsan ni Pangulong M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol na isa sa mga layunin ng doctrinal mastery ay magtuon sa “pagpapalago at pagpapalakas ng [ating] pananampalataya kay Jesucristo at pagpapaibayo ng [ating] kakayahang mamuhay ayon sa ebanghelyo” (“Ang mga Oportunidad at Responsibilidad ng mga CES Teacher sa ika-21 Siglo” [isang gabi kasama ang isang General Authority, Peb. 26, 2016], broadcasts.ChurchofJesusChrist.org). Sa madaling salita, layunin ng mga doctrinal mastery passage na mas palakasin ang iyong pananampalataya!

Ipagpalagay na may mga kaibigan ka na nagsasabi sa iyo pagkatapos ng seminary isang araw na nadarama nilang pag-aaksaya ng oras ang doctrinal mastery. Nadarama nila na hindi nakatutulong ang mga doctrinal mastery passage at hindi nila nakikita kung paano makatutulong ang mga ito sa kanilang buhay.

Gamit ang ibinigay na chart, pagnilayan ang mga scripture passage na napag-aralan mo sa kalahating bahaging ito ng Bagong Tipan. Isipin kung aling mga scripture passage ang naging pagpapala o nakatulong sa iyo.

Doctrinal Mastery sa Bagong Tipan: 1 Corinto–Apocalipsis

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

1 Corinto 6:19–20

“Ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo.”  

1 Corinto 11:11

Sa Panginoon, kailangan ng babae ang lalaki at ang lalaki ay kailangan ng babae.”  

1 Corinto 15:20–22

“Sapagka’t kung paanong kay Adan ang lahat ay namamatay, gayundin kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.”  

1 Corinto 15:40–42

Sa Pagkabuhay na Mag-uli, may tatlong antas ng kaluwalhatian.  

Efeso 1:10

“Bilang katiwala ng kaganapan ng panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo.”  

Efeso 2:19–20 

Ang Simbahan ay “itinayo sa saligang inilagay ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus ang batong panulok.”  

2 Tesalonica 2:1–3

“Ang araw [ni Cristo] … [ay] hindi darating malibang maunang maganap ang pagtalikod.”  

2 Timoteo 3:15–17

“Ang mga banal na kasulatan [ay] makakapagturo sa iyo tungo sa kaligtasan.”  

Mga Hebreo 12:9

Ang Ama sa Langit ang “Ama ng mga espiritu.”   

Santiago 1:5–6

“Kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya sa Diyos.”  

Santiago 2:17–18

“Ang pananampalataya … kung ito ay walang mga gawa ay patay.”  

1 Pedro 4:6

“Ang ebanghelyo ay ipinangaral maging sa mga patay.”  

Apocalipsis 20:12

“At ang mga patay ay hinatulan ayon sa kanilang mga gawa.”  

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. 1. Sagutin sa iyong study journal ang mga sumusunod na tanong:

  • Paano ka napagpala, napalakas, o napatatag ng alinman sa mga doctrinal mastery passage na napag-aralan mo sa taong ito?

Upang maanyayahan ang Tagapagligtas na buuin, palakasin, at patatagin tayo sa pamamagitan ng mga doctrinal mastery passage, kailangan nating palawakin ang ating pag-unawa at kakayahang ipamuhay ang mga katotohanang matatagpuan sa mga ito. Layunin ng mga sumusunod na aktibidad na tulungan kang gawin ito.

Pag-unawa at pag-alala sa mga katotohanan ng ebanghelyo

Ang isang paraan upang mas maunawaan at maalala ang mga katotohanang matatagpuan sa mga doctrinal mastery passage ay ihambing ang mga ito sa mga bagay at sitwasyon sa araw-araw.

Pumili ng dalawa sa mga scripture passage na gusto mong mas maunawaan, at rebyuhin ang mahahalagang parirala ng mga ito.

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. 2. Kumpletuhin ang sumusunod na aktibidad sa iyong study journal para sa bawat scripture passage na pinili mo:

a) Magdrowing o kumuha ng larawan ng isang bagay o sitwasyon na sa palagay mo ay nauugnay sa mahalagang parirala ng scripture passage. (Halimbawa, para sa Santiago 1:5–6, maaari kang magdrowing ng isang taong nagdarasal. Para sa 1 Corinto 15:40–42 maaari kang magdrowing o kumuha ng larawan ng araw, buwan, o mga bituin.)

b) Sumulat ng maikling paliwanag kung paano nauugnay ang iyong larawan sa katotohanang itinuturo sa scripture passage.

Ipamuhay ang mga katotohanan ng ebanghelyo

Itinuro ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol ang isang katotohanan na makatutulong sa atin na maunawaan at maipamuhay ang mga doctrinal mastery passage. Itinuro niya na ang mga alituntunin ng ebanghelyo ay naglalaan ng “mahalagang pananaw ng kawalang-hanggan habang pinagdaraanan natin ang iba’t ibang kalagayan, hamon, desisyon, at karanasan ng mortalidad” (“Ang mga Alituntunin ng Aking Ebanghelyo,” Liahona, Mayo 2021, 123–24). Ang mga alituntuning matatagpuan sa mga doctrinal mastery passage ay makatutulong sa atin sa maraming sitwasyon sa ating buhay.

Pumili ng dalawang scripture passage na may mga alituntunin na gusto mong malaman kung paano ipamuhay. Maaaring ang mga ito ay ang mga scripture passage na pinili mo kanina, o maaaring iba ang mga ito.

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. 3. Kumpletuhin ang sumusunod na aktibidad sa iyong study journal para sa dalawang scripture passage na pinili mo:

Para sa bawat scripture passage, ilarawan ang isang sitwasyon kung saan maipamumuhay ng isang tao ang katotohanang itinuro sa scripture passage. Halimbawa, maaaring mas mahikayat ang isang kabataan na makibahagi sa gawain sa family history sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kanyang patotoo tungkol sa doktrina ng kaligtasan para sa mga patay na itinuro sa 1 Pedro 4:6 .

Ipaliwanag kung paano makatutulong ang pamumuhay ayon sa katotohanang itinuro sa bawat scripture passage na pinili mo upang matanggap ng taong iyon ang tulong ng Tagapagligtas.