Seminary
Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 1


Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 1

Kumilos nang May Pananampalataya

A young man holding scriptures and pondering.

Ang isa sa mga layunin ng doctrinal mastery ay tulungan kang matutuhan at maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang maging higit na katulad ni Jesucristo. Ang lesson na ito ay nilayong tulungan ka na maunawaan at maipamuhay ang partikular na alituntuning pagkilos nang may pananampalataya kay Jesucristo kapag dumating ang mahihirap na hamon at tanong.

Planuhin kung ilang oras ang gugugulin sa iba’t ibang bahagi ng lesson. Iwasang gumugol ng masyadong maraming oras sa unang bahagi ng lesson at pagkatapos ay mamadaliin ang natitirang bahagi ng lesson. Habang naghahanda ka, tantiyahin kung ilang oras ang kailangan upang matulungan ang mga estudyante na makibahagi sa bawat bahagi ng lesson.

Paghahanda ng estudyante:Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang kanilang mga karanasan kung saan nagkaroon sila ng mahirap na hamon o mga tanong na hindi madaling malutas (mula sa sarili nilang buhay o sa buhay ng iba). Maaaring kabilang sa mga ito ang isang tanong tungkol sa mga bagay na espirituwal na hindi nasagot o isang mahirap na pagsubok. Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan kung paano sila tumugon o tutugon sa mga sitwasyong ito.

Paalala: Makabubuting ituro ang lesson na ito sa simula ng school year. Kung ang lesson na ito ay ituturo sa ibang araw ng taon, maaari mong ituro kapalit nito ang isang doctrinal mastery lesson na maaaring hindi naituro sa mga estudyante noong walang pasok sa paaralan.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Kapag dumating ang mahihirap na hamon at tanong

Sabihin sa mga estudyante na nakibahagi sa aktibidad sa paghahanda ng estudyante na maaari nilang ibahagi, kung naaangkop, ang mga karanasan nila sa pagharap sa mahihirap na hamon at tanong. Maaari mong gamitin ang kanilang mga karanasan sa halip na ang mga sitwasyon sa ibaba.

Sa buhay na ito, nararanasan nating lahat ang mahihirap na hamon at tanong na maaaring hindi madaling malutas. Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon habang iniisip ang mga karanasan mo o ng isang taong kilala mo na katulad nito.

Isang binatilyo ang maraming tanong tungkol sa mga patakaran ng Simbahan at nagsisimulang magduda kung totoo ang Simbahan.

Isang dalagita ang nakakita ng post sa social media na kinukuwestiyon ang doktrina ng Simbahan. Ngayon, siya mismo ay nagsisimula nang magduda sa doktrinang iyon.

Isang dalagita ang nag-iisip kung talagang nasasagot ang mga panalangin matapos magdusa at mamatay ang kanyang kapatid na lalaki dahil sa malubhang sakit, sa kabila ng mga panalangin at mga basbas na ibinigay para sa kanya.

  • Ano ang ilan sa iba’t ibang paraan ng pagtugon ng mga tao kapag nahaharap sila sa mahihirap na hamon o tanong na tulad nito?

Maaaring makatulong sa mga estudyante na gawin ang sumusunod na pag-assess sa sarili bilang writing exercise sa kanilang study journal. Maaari mong ipakita ang sumusunod na talata para makita ng mga estudyante.

Pagnilayan sandali ang iyong mga karanasan sa pagharap sa mahihirap na hamon at tanong. Maaaring makatulong na pag-isipan ang mga sumusunod na tanong: Nagtagumpay ka na ba sa paghahanap ng mga sagot? Ano ang nakatulong sa iyo para mahanap mo ang kapayapaan? Ano ang hindi nakatulong sa iyo?

Maaari mong isulat at ipakita ang mga sagot ng mga estudyante sa susunod na tanong. Kung naibahagi na ng mga estudyante ang mga ito sa bahaging paghahanda ng estudyante, maaari mong laktawan ang tanong na ito. Ang mga sagot na ito ay babanggiting muli sa pagtatapos ng lesson.

  • Ano ang ilang tanong mo o hamon sa iyo (o sa ibang taong kilala mo) na hindi madaling malutas?

  • Sa iyong palagay, bakit tinutulutan tayo ng Ama sa Langit na magkaroon ng mga tanong na hindi pa nalulutas sa halip na palaging ibigay sa atin ang mga sagot?

Kapag may mga tanong, mahalagang tandaan na hinihimok tayo ng Panginoon na magtanong at maghanap ng mga sagot (tingnan sa Mateo 7:7–8 ; Santiago 1:5–6 ; Doktrina at mga Tipan 42:61). Ang pagtatanong at paghahanap ng mga sagot ay mahalagang bahagi ng ating pagsisikap na matutuhan ang katotohanan, na sinusundan ng pagsasabuhay at pamumuhay ng natutuhan natin sa ating paghahangad na maging higit na katulad ng Tagapagligtas at ng ating Ama sa Langit.

Ang tatlong alituntunin na gagabay sa atin sa paghahangad nating malutas ang mga tanong o isyu at mapaunlad ang ating pag-unawa sa walang hanggang katotohanan ay kinabibilangan ng:

  • Kumilos nang may pananampalataya.

  • Suriin ang mga konsepto at mga tanong nang may walang-hanggang pananaw.

  • Hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ng mga itinalagang tulong o sources na ibinigay ng Diyos.

Ang lahat ng tatlo sa mga alituntuning ito ay mahalagang gamitin kapag nahaharap ka sa mga tanong at alalahanin na hindi madaling malutas o kapag dumaranas ka ng mga pagsubok.

Kumilos nang may pananampalataya

Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan kang maunawaan ang sumusunod na alituntunin: kapag kumilos tayo nang may pananampalataya, binibigyan tayo ng Panginoon ng kapayapaan at lakas habang hinahanap natin ang mga sagot sa ating mga tanong at alalahanin.

Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong study journal.

  • Sa iyong palagay, ano ang ibig sabihin ng kumilos nang may pananampalataya?

Palalimin ang iyong pag-unawa sa ibig sabihin ng kumilos nang may pananampalataya sa pamamagitan ng paggawa sa aktibidad sa pag-aaral sa ibaba. Maaaring makatulong na may kasama ka sa iyong pag-aaral upang makapagsanay kang ipaliwanag ang iyong naunawaan at matuto mula sa iba.

Color Handouts Icon

Bigyan ang bawat estudyante ng kopya ng sumusunod na handout na pag-aaralan nang magkakapartner o sa maliliit na grupo. Habang sama-samang nag-aaral ang mga estudyante, pakinggang mabuti ang ginagawa nila. Tulungan silang patibayin ang kanilang pagkatuto, itama at linawin ang mga maling pagkaunawa, at tulungan silang manatiling nakatuon sa gawain.

Ano ang Ibig Sabihin ng Kumilos nang may Pananampalataya?

Basahin ang Doctrinal Mastery Core Document (2022) “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,” mga talata 1–2 at 5–7 at ang sumusunod na pahayag ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol. Habang nag-aaral ka, alamin kung ano ang ibig sabihin ng kumilos nang may pananampalataya at kung ano ang makatutulong sa iyo na maipamuhay ang alituntuning ito kapag may mga tanong ka.

Official portrait of Elder Neil L. Andersen of the Quorum of the Twelve Apostles, 2010, August.

Ang pananampalataya ay hindi basta lamang natin natatamo o nananatili sa atin bilang karapatan ng pagkapanganay. … Ang pananampalataya kay Jesucristo ay kaloob mula sa langit na matatamo lamang matapos nating piliing maniwala at hangarin at panghawakan ito. … Ang kalakasan ng inyong pananampalataya sa hinaharap ay hindi basta mangyayari kung wala kayong pagpiling gagawin. …

Ang pananampalataya ay hindi humihingi ng sagot sa bawat tanong ngunit naghahangad ng katiyakan at katapangan upang sumulong, at kung minsan ay tinatanggap na, “Hindi ko alam ang lahat, ngunit sapat ang nalalaman ko upang magpatuloy sa landas ng pagkadisipulo.”

Ang tulutang mapuno ng pagdududa ang sarili, at maudyukan ng mga sagot mula sa mga walang pananampalataya, ay nagpapahina ng pananampalataya kay Jesucristo at sa Pagpapanumbalik. “Ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagka’t ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya.” [1 Mga Taga Corinto 2:14]. …

Bagama’t maaaring maliit pa lang ang ningas ng inyong pananampalataya, ang mabubuting pagpili ay magdudulot ng higit na tiwala sa Diyos at magpapalakas ng inyong pananampalataya.

(Neil L. Andersen, “Ang Pananampalataya ay Hindi Matatamo Kung Wala Munang Pagpiling Gagawin,” Ensign o Liahona, Nob. 2015, 65–67)

  • Sa iyong palagay, bakit mahalagang kumilos nang may pananampalataya kapag may mga tanong at alalahanin tayo?

  • Ano ang natutuhan mo mula sa mga babasahing ito tungkol sa ibig sabihin ng kumilos nang may pananampalataya?

Act in faith handout

Bago ang susunod na aktibidad, maaari mong bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na talakayin at ituro sa isa’t isa ang napag-aralan nila, kung ano ang tila pinakamahalaga sa kanila, at kung ano ang mga tanong nila. Maaari din nilang isaalang-alang ang mga sumusunod:

  • Anong mga katangian ng Ama sa Langit at ni Jesucristo ang nakadagdag sa iyong pananalig at pagtitiwala sa Kanila? Paano makatutulong sa iyo ang kaalaman o paniniwala sa mga bagay na ito tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo upang kumilos ka nang may pananampalataya?

  • Ano ang ilang gawain na maaari mong gawin habang nagsisikap kang kumilos nang may pananampalataya kapag nahaharap sa mahihirap na tanong o hamon?

  • May iba pa bang mga resource na alam mong makatutulong sa iba na matuto kung paano kumilos nang may pananampalataya?

Alalahanin ang mahihirap na tanong at hamon na kinakaharap mo, o balikan ang mga sitwasyon sa simula ng lesson. Habang isinasaisip ang isa sa mga ito, magsanay na gamitin ang natutuhan mo tungkol sa pagkilos nang may pananampalataya sa pamamagitan ng pagsagot nang detalyado hangga’t maaari sa mga sumusunod na tanong.

  • Ano ang hamon o tanong na pinili mo para sa pagsasanay sa pagkilos nang may pananampalataya?

  • Ano ang dalawa o tatlong paraan kung paano maaaring kumilos nang may pananampalataya ang isang tao sa sitwasyong ito?

  • Ano ang mayroon sa sitwasyong ito na maaaring magpahirap sa pagkilos nang may pananampalataya kay Jesucristo? Paano mo malalampasan ang mga hamong ito?

  • Ano ang partikular na gusto mong maalala tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo habang ikaw ay nasa sitwasyong ito? Paano makatutulong sa iyo ang pag-alala sa mga bagay na iyon?

Maaari mong hayaang ibahagi ng mga estudyante sa klase ang kanilang mga sagot, kabilang ang kanilang mga patotoo tungkol sa itinuro sa kanila ng Espiritu Santo sa lesson tungkol sa pagkilos nang may pananampalataya. Ipaalam sa mga estudyante na sa buong panahon nila sa seminary, patuloy silang magkakaroon ng mga pagkakataon na magsanay sa pagsasabuhay ng alituntuning ito. Anyayahan silang simulan o ipagpatuloy ang pagsasanay sa paggamit ng alituntuning ito sa sarili nilang buhay.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Mali bang magkaroon ng mga tanong tungkol sa ebanghelyo?

Itinuro ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf ng Unang Panguluhan ang tungkol sa kahalagahan ng tapat na pagtatanong:

Official portrait of Elder Dieter F. Uchtdorf of the Quorum of the Twelve Apostles, 2006. Called as Second Counselor in the First Presidency, 3 February 2008. Made official portrait in 2008 replacing portrait taken in 2004.

Natural lamang ang magtanong—ang binhi ng tapat na pagtatanong ay kadalasang sumisibol at lumalagong tulad ng malaking puno ng pang-unawa. May ilang mga miyembro ng Simbahan na, sa anumang pagkakataon, ay hindi nagkaroon ng anumang malalim o sensitibong tanong. Isa sa mga layunin ng Simbahan ang pangalagaan at linangin ang binhi ng pananampalataya—ito man ay nasa lupa ng pagdududa at kawalang-katiyakan. Ang pananampalataya ay pag-asa sa mga bagay na hindi nakikita ngunit totoo.

Kung gayon, mahal kong mga kapatid—mahal kong mga kaibigan—mangyaring pagdudahan muna ang inyong pagdududa bago ninyo pagdudahan ang inyong pananampalataya. Hindi natin dapat hayaang pigilan tayo ng pagdududa at ilayo tayo sa dakilang pagmamahal, kapayapaan at mga natatanging kaloob na dulot ng pananampalataya sa Panginoong Jesucristo.

(Dieter F. Uchtdorf, “Halina, Sumama sa Amin,” Ensign o Liahona, Nob. 2013, 23)

Paano ko pag-iibayuhin ang kakayahan kong kumilos nang may pananampalataya?

Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson ang tungkol sa isang proseso na magagawa natin upang palakasin ang ating pananampalataya:

Official portrait of Elder Dieter F. Uchtdorf of the Quorum of the Twelve Apostles, 2006. Called as Second Counselor in the First Presidency, 3 February 2008. Made official portrait in 2008 replacing portrait taken in 2004.

Lumalakas ang ating pananampalataya sa tuwing <lds-p class=“rte2-style-org-ldschurch-rte-paragraphid-AnnotatedParagraphRichTextElement” data-aid=“b4ef14ae-904c-4020-be57-3e905b279aff” data-pid=“61“>ginagamit natin ito. Ito ang ibig sabihin ng pagkatuto sa pamamagitan ng pananampalataya.

Halimbawa, kapag nanampalataya tayo at sumunod sa mga batas ng Diyos—maliitin man tayo ng maraming tao—o sa bawat pagkakataon na tinatanggihan natin ang mga kasiyahan o ideolohiya na tahasang lumalabag sa ating mga tipan, <lds-p class=“rte2-style-org-ldschurch-rte-paragraphid-AnnotatedParagraphRichTextElement” data-aid=“a7d58c0e-b770-41fd-a9a0-68d422980ee9“ data-pid=“62“>ginagamit natin ang ating pananampalataya, at lalo itong lumalakas.

(Russell M. Nelson, “Yakapin ang Bukas nang may Pananampalataya,” Ensign o Liahona, Nob. 2020, 75)

Mga sitwasyon sa tunay na buhay ng mga taong kumikilos nang may pananampalataya

10:11
3:12

<h3 class=“cms-Headings-H3“>Bakit hindi ako dapat matakot sa mga tanong na hindi pa nalulutas?

1:9

Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Paghahanap ng mga sagot sa mga tanong

Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan kung bakit tinutulutan tayo ng Ama sa Langit na umunlad sa pamamagitan ng paghahanap natin ng mga sagot sa ating mga tanong, maaari mong ipakita ang mga halimbawa ng mga website na naglalaman ng “Frequently Asked Questions” (FAQ) page. Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na ang layunin ng FAQ page ay magbigay ng mabilis at madaling mahanap na mga sagot sa mga problemang maaaring nararanasan.

  • Sa iyong palagay, bakit hindi kaagad ibinibigay sa atin ng Ama sa Langit ang lahat ng sagot sa ating mga tanong tulad ng FAQ page?