Seminary
Mateo 1; Lucas 1


Mateo 1; Lucas 1

Buod

Si Mateo, na kilala rin bilang si Levi, ang may-akda ng unang Ebanghelyo ng Bagong Tipan. Ang isa sa kanyang mga layunin sa pagsusulat ay ipakita na tinupad ni Jesus ang mga propesiya sa Lumang Tipan tungkol sa Mesiyas (tingnan sa Mateo 1:1–17). Nagpakita ang anghel na si Gabriel kay Maria upang ibalita ang pagsilang ni Jesucristo, ang “Anak ng Kataas-taasan” (tingnan sa Lucas 1:1–38). Noong nagdadalang-tao kay Jesus, dinalaw ni Maria ang kanyang pinsang si Elizabeth at nagalak kasama niya sa kabutihan ng Diyos (tingnan sa Lucas 1:39–79).

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Mateo 1:1–17

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na matutuhan ang tungkol kay Jesucristo bilang ipinangakong Mesiyas at makadama ng higit na pagpapahalaga sa Kanya.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pumasok sa klase na pinag-isipan kung bakit mahalaga sa kanila si Jesucristo. Maaari din nilang itanong sa pamilya o mga kaibigan kung ano ang nararamdaman nila tungkol sa Tagapagligtas.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Sa simula ng lesson, kapag isinusulat ng mga estudyante ang mahahalagang detalye tungkol kay Jesucristo sa isang pirasong papel, maaari mong sabihin sa mga estudyante na i-type ang kanilang mga sagot at i-post ang mga ito gamit ang chat feature. Bigyan ang mga estudyante ng sapat na oras na basahin ang isinulat ng iba pang estudyante.

Lucas 1:1–38

Layunin ng lesson:Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na matutuhan kung paano tumugon sa kalooban ng Panginoon nang may mas malaking tiwala sa Kanya.

  • Paghahanda ng estudyante:Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang sumusunod na tanong: Ano ang alam mo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo na tumutulong sa iyo na magtiwala sa Kanila?

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Kung may mga breakout room, maaaring makatulong na igrupu-grupo ang mga estudyante upang talakayin ang dalawang tanong na kasunod ng pahayag ni Pangulong Nelson sa pagtatapos ng lesson. Magtalaga ng isang estudyante sa bawat grupo na mamumuno sa talakayan. Kapag muling nagsama-sama ang klase, anyayahan ang mga facilitator na ibuod ang tinalakay ng kanilang mga grupo.

Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 1

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na maunawaan at maipamuhay ang partikular na alituntunin sa pagkilos nang may pananampalataya kay Jesucristo kapag dumating ang mahihirap na hamon at tanong.

  • Paghahanda ng estudyante:Hilingin sa mga estudyante na pagnilayan ang kanilang mga karanasan kung saan namomroblema sila sa mahirap na hamon o sa mga tanong na hindi madaling malutas (mula sa sarili nilang buhay o sa buhay ng iba). Maaaring kabilang sa mga ito ang mga bagay tulad ng isang tanong tungkol sa espirituwal na hindi nasagot o mahirap na pagsubok. Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan kung paano sila tumugon o tutugon sa mga sitwasyong ito.

  • Handout: “Ano ang Ibig Sabihin ng Kumilos nang may Pananampalataya?”

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari kang maghanda ng isang slide presentation na may impormasyon mula sa handout o maaari mong ipadala ang handout sa mga estudyante sa pamamagitan ng email o learning management system. Sabihin sa mga estudyante na i-access ang handout upang magamit nila ito sa oras ng klase.

Mateo 1:18–25; Lucas 1:26–35

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na maunawaan kung paanong ang mga katangiang namana ni Jesus sa isang mortal na ina at isang imortal na Ama ang dahilan kung bakit Siya lang ang may kakayahang tulungan tayong madaig ang lahat ng hamon ng mortalidad.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga hamon na karaniwang kinakaharap ng mga taong kaedad nila.

  • Mga Materyal para sa mga Estudyante:Papel, mga colored pencil, mga krayola, at iba pa.

Lucas 1:39–79

Layunin ng lesson:Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng mga pagkakataong kilalanin ang kabutihan ng Diyos at papurihan Siya para dito.

  • Paghahanda ng estudyante:Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang magbahagi ng isang linya mula sa isang himno na nagtatampok sa kabutihan ni Jesucristo.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maghandang ipakita ang mga tanong na pag-iisipan na nakalista sa huling bahagi ng lesson para matingnan palagi ng mga estudyante ang mga ito. Kung posible, maaari mong ipakontrol sa mga estudyante ang screen upang maisulat nila ang mga katangian ng Tagapagligtas na pinahahalagahan nila nang lubos.