Seminary
Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 2


Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 2

Pagsusuri ng mga Konsepto at Tanong nang may Walang-hanggang Pananaw

Looking through gospel glasses. The focus is on the Temple and family.

Ang isa sa mga layunin ng doctrinal mastery ay tulungan kang matutuhan at maipamuhay ang mga alituntunin para sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang maging higit na katulad ni Jesucristo. Matutulungan ka ng lesson na ito na matutuhang suriin ang mga isyu nang may walang-hanggang pananaw upang maunawaan ang mga ito nang mas malinaw.

Paalala: Makabubuting ituro ang lesson na ito sa simula ng school year. Kung kailangang ilipat ang lesson na ito sa linggo bago o pagkatapos ng linggong ito, maaari kang magturo ng isang doctrinal mastery lesson kapalit nito, na maaaring hindi napag-aralan ng mga estudyante noong walang klase.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang isang hamon o tanong na mayroon sila, o pag-isipan ang tanong kung saan pinili nilang kumilos nang may pananampalataya sa lesson na “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 1.” Sabihin sa kanila na pag-isipan kung ano ang mga susunod na hakbang upang makahanap pa ng tulong para sa hamon o tanong na ito.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Mga tanong at hamon

Kung minsan, nakararanas tayo ng mga hamon o pagsubok na maaaring sumubok sa ating pananampalataya. Ibinahagi ni Pangulong Russell M. Nelson ang isang pagsubok na naranasan ng kanyang manugang sa apo.

Panoorin ang “Hayaang Manaig ang Diyos” mula sa time code na 5:50 hanggang 6:39, o basahin ang sumusunod na teksto:

18:51
Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

Kamakailan lamang, ang asawa ng isa sa aming mga apong lalaki ay nagkaroon ng espirituwal na hamon. Tatawagin ko siyang “Jill.” Sa kabila ng pag-aayuno, panalangin, at mga basbas ng priesthood, ang ama ni Jill ay nag-agaw-buhay. Takot na takot siya na baka mawala kapwa ang kanyang ama at kanyang patotoo.

Isang gabing malalim, sinabi ng asawa kong si Sister Wendy Nelson, ang tungkol sa sitwasyon ni Jill. Kinabukasan nadama ni Wendy na sabihin kay Jill na ang sagot ko sa kanyang espirituwal na hamon ay isang salita lang! Ang salita ay myopic.

(Russell M. Nelson, “Hayaang Manaig ang Diyos,” Ensign o Liahona, Nob. 2020, 93)

Ang ibig sabihin ng salitang myopic ay nearsighted o shortsighted.

  • Ano ang ilang katotohanan tungkol sa Diyos at sa Kanyang plano na maaaring nakatulong kay Jill na huwag matakot sa kung ano ang maaaring mangyari sa hinaharap?

Pag-isipan ang isang hamon o tanong na kinakaharap mo ngayon. Maaaring ito rin ang natukoy mo sa lesson na “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 1”.

  • Bakit mo gusto at kailangan ng tulong sa tanong o hamong ito?

Tandaang hindi masamang makaranas ng dalamhati at sakit. Maging si Jesus ay nagdalamhati para sa mga taong mahal Niya (tingnan sa Juan 11:32–36). Kapag tinitingnan natin ang ating mga sitwasyon nang may walang hanggang pananaw, matutulungan tayo ng Panginoon na makayanan ang mga damdaming ito. Maghanap ng mga katotohanan sa lesson na ito na makatutulong sa iyo na magawa ito sa sarili mong mga tanong at hamon.

Mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman

Kapag dumaranas tayo ng mga hamon sa buhay o nahaharap tayo sa mga tanong na hindi nasagot, matutulungan tayo ng mga sumusunod na alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman:

1. Kumilos nang may pananampalataya.2. Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw.3. Hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ng mga itinalagang tulong o sources na ibinigay ng Diyos.

Sa lesson na ito, pagtutuunan natin ang katotohanan na kapag sinusuri natin ang mga isyu nang may walang-hanggang pananaw, matutulungan tayo ng Espiritu Santo na maunawaan ang mga ito nang mas malinaw.

Pag-aralan ang talata 8 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document at ang kahit isa sa mga sumusunod na scripture passage. Markahan ang mga salita o parirala na makatutulong kay Jill na tingnan ang kanyang mga pagsubok nang may walang hanggang pananaw.

2 Corinto 4:17–18

Mosias 4:9

Doktrina at mga Tipan 58:2–4

  • Batay sa nabasa mo, ano ang gusto mong malaman ni Jill tungkol sa pagkakaroon ng walang-hanggang pananaw?

  • Ano ang mga karanasan mo (o ng iba) sa pagkakaroon ng walang-hanggang pananaw na maaari mong ibahagi kay Jill?

Paano sumuri ng mga tanong o alalahanin nang may walang-hanggang pananaw

Kapag may mga tanong o alalahanin tayo, ang isang prosesong maaari nating sundin upang matulungan tayong tingnan ang mga bagay ayon sa walang hanggang pananaw ay:

Sa natitirang bahagi ng lesson, ipakita sa mga estudyante ang sumusunod na tatlong hakbang.

1. Tukuyin ang anumang palagay natin na maaaring humantong sa maling pagkaunawa tungkol sa Ama sa Langit o sa Kanyang plano.2. Tukuyin ang mga katotohanan tungkol sa Ama sa Langit o sa Kanyang plano na nagwawasto sa mga palagay na ito.3. Iangkop ang tanong sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang dito nang may walang hanggang pananaw o sa pamamagitan ng pagbabago sa tanong upang maipakita ang mga katotohanan ng ebanghelyo.

2:58
  • Anong mga palagay ang maaaring mayroon si Jill na maaaring humantong sa mga pag-aalinlangan o takot?

Maaaring kabilang sa ilang palagay na maaaring mayroon ang isang taong shortsighted na nasa sitwasyon ni Jill ay: masyadong maaga ang pagkamatay ng isang mahal sa buhay; hindi na niya makikita muli ang kanyang yumaong mahal sa buhay; o nakabatay ang kanyang patotoo sa isang himalang magliligtas sa kanyang mahal sa buhay mula sa kamatayan. Ang mga palagay na ito ay maaaring mag-udyok sa mga taong nahihirapan sa kanilang pagdadalamhati na magtanong ng tulad ng “Kung mahal ako ng Diyos, bakit Niya kukunin sa akin ang aking mahal sa buhay?”

Kadalasan, ang pag-iisip ng gayon ding mga palagay ay maaaring magdulot sa atin ng karagdagang pagdadalamhati o pasakit na higit pa sa nararanasan na natin. Makatutulong ang pagtukoy sa mga katotohanan tungkol sa Ama sa Langit at sa Kanyang plano.

  • Anong mga katotohanan ang alam mo tungkol sa Ama sa Langit at sa Kanyang plano na maaaring makatulong?

Maaaring kabilang sa mga posibleng sagot ang:

  • Ang mga pag-iisip at pamamaraan ng Panginoon ay higit na mataas kaysa sa ating mga pag-iisip at pamamaraan (tingnan sa Isaias 55:8–9).

  • Kapag gumagawa at tumutupad tayo ng mga tipan sa templo, makakasama nating muli ang ating mga mahal sa buhay pagkatapos ng buhay na ito sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Tagapagligtas (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 138:47–48).

  • Tinutulutan tayo ng Diyos na makaranas ng mga pagsubok upang subukin ang ating pananampalataya (tingnan sa Eter 12:6 ; Doktrina at mga Tipan 98:14).

  • Sa anong mga paraan mo maaaring iangkop ayon sa walang hanggang pananaw ang maaaring mga alalahanin ng isang taong nasa sitwasyon ni Jill? (Halimbawa, maaari kang magtanong ng mga bagay na nagpapakita ng walang-hanggang pananaw, tulad ng “Paano ko madarama ang pagmamahal ng Diyos habang nararanasan ko ang masakit na pagkawalang ito kahit alam kong pansamantala lang ito lalo na kung isasaalang-alang ito sa kawalang-hanggan?” o “Paano ako makakaasa sa aking pananampalataya sa Tagapagligtas na nagtitiwala na makikita kong muli ang aking mahal sa buhay?”)

Ibinahagi ni Pangulong Nelson kung paano pinagpala si Jill sa pagkakaroon ng walang-hanggang pananaw sa pamamagitan ng pagsubok sa kanya.Panoorin ang “Hayaang Manaig ang Diyos,” na matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org, mula sa time code na 6:58 hanggang 8:24, o basahin ang pahayag sa ibaba:

2:58
Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

Matapos pumanaw ang ama ni Jill, ang salitang myopic ay palagi niyang naiisip. Binuksan niya ang kanyang puso para mas maunawaan pa na ang ibig sabihin ng myopic ay “nearsighted.” At nagsimulang magbago ang paraan ng kanyang pag-iisip. At sinabi ni Jill, “tinulungan ako ng salitang myopic na tumigil, mag-isip, at gumaling. Ang salitang iyan ngayon ay nagdudulot sa akin ng kapayapaan. Ipinapaalala nito sa akin na palawakin ang aking pananaw at hangarin ang walang-hanggan. Ipinapaalala nito sa akin na may banal na plano at buhay pa rin ang aking ama at mahal at binabantayan niya ako. Inakay ako ng salitang myopic tungo sa Diyos.”

Ipinagmamalaki ko ang mahal naming manugang sa apo. Sa mahirap na panahong ito sa kanyang buhay, si Jill ay natututong tanggapin ang kalooban ng Diyos para sa kanyang ama, nang may walang-hanggang pananaw para sa kanyang sariling buhay. Sa pagpiling hayaang manaig ang Diyos, nakahanap siya ng kapayapaan.

(Russell M. Nelson, “Hayaang Manaig ang Diyos,” 93)

  • Paano pinagpala si Jill nang magkaroon siya ng walang-hanggang pananaw?

Pagnilayan ang hamon o tanong na natukoy mo sa unang bahagi ng lesson na ito. Sagutin ang iyong tanong o hamon sa iyong study journal gamit ang tatlong hakbang na natutuhan mo.

Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang natutuhan nila mula sa aktibidad na ito at itanong pa ang anumang tanong nila. Patotohanan ang mga katotohanang tinalakay sa lesson na ito, at anyayahan ang mga estudyante na magbahagi rin ng kanilang mga patotoo.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Paano makatutulong sa akin ang patuloy na pagkakaroon ng walang-hanggang pananaw kapag nakararanas ako ng pagdadalamhati o kawalan?

Ipinaliwanag ni Pangulong Russell M. Nelson kung paano nakatulong sa kanya ang patuloy na pagkakaroon ng walang-hanggang pananaw nang biglang pumanaw ang kanyang asawang si Dantzel at nang pumanaw ang kanyang anak na si Wendy matapos ang matagal na pakikipaglaban sa kanser:

Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

Noong 2005, matapos ang halos 60 taong pagsasama bilang mag-asawa, ang aking mahal na si Dantzel ay biglang pumanaw. Sa loob ng ilang panahon, nalugmok ako sa pagdadalamhati. Ngunit ang mensahe ng Pasko ng Pagkabuhay at ang pangako ng pagkabuhay na mag-uli ang nagpalakas sa akin.

(Russell M. Nelson, “Paghahayag para sa Simbahan, Paghahayag para sa Ating Buhay,” Ensign o Liahona, Mayo 2018, 94)

Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

Labis kaming nangungulila sa aming anak. Gayunman, dahil sa ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo, hindi kami nag-aalala para sa kanya. Habang patuloy naming tinutupad ang aming mga tipan sa Diyos, namumuhay kami nang may pananabik na makasama siyang muli. Samantala, pinaglilingkuran namin ang Panginoon dito at pinaglilingkuran niya ang Panginoon doon—sa paraiso.

(Russell M. Nelson, “Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin,” Ensign o Liahona, Mayo 2019, 88)

Bakit mahalaga ang ating mga palagay?

Ibinahagi ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan:

Official Portrait of President Dallin H. Oaks taken March 2018.

Dahil alam ng mga Banal sa mga Huling Araw ang plano ng ating Ama sa Langit para sa Kanyang mga anak, alam natin na ang buhay na ito ay hindi isang-yugtong dula na nasa pagitan ng hindi alam na nakaraan at hinaharap na walang katiyakan. Ang buhay na ito ay gaya ng pangalawang yugto ng isang tatlong-yugtong dula. Ang layunin nito ay tinutukoy ng inihayag tungkol sa ating espirituwal na buhay sa Yugto 1 at sa ating walang hanggang tadhana sa Yugto 3. Dahil alam natin ang Planong ito at ang iba pang katotohanang inihayag ng Diyos, nagsisimula tayo sa mga palagay na naiiba sa mga palagay ng mga taong hindi nakaaalam nito. Dahil dito, nagkakaroon tayo ng iba’t ibang konklusyon sa maraming mahahalagang paksa na hinuhusgahan lamang ng iba batay sa kanilang mga opinyon tungkol sa buhay sa mundo.

(Dallin H. Oaks, “As He Thinketh in His Heart” [isang gabi kasama ang isang General Authority, Peb. 8, 2013], 3–4)

Paano ko iaangkop ang aking mga tanong at alalahanin upang maunawaan ang mga ito ayon sa walang-hanggang pananaw?

Sinabi ni Brother Chad H Webb na administrador ng Seminaries and Institutes of Religion:

Portrait of Chad Webb

Kung magsisimula tayo nang may walang-hanggang pananaw, magkakaroon tayo ng konklusyon na nagpapakita ng walang-hanggang katotohanan. Ngunit kung magsisimula tayo nang may makamundong palagay, malamang na magkaroon tayo ng mga makamundong konklusyon. Kaya maaari nating kailanganing baguhin ang ilang tanong dahil talagang hindi natin tinatanggap ang mga ideyang pinagbatayan nito.

Halimbawa, malamang ay may nagtanong na sa inyo ng, “Hindi ba dapat makasal ang dalawang taong nag-iibigan?” Sa pananaw ng karamihan sa mundo, ang sagot ay tila oo. Ngunit isipin ninyo kung ano ang nalalaman ninyo tungkol sa plano ng kaligtasan at tungkol sa layunin ng Ama sa Langit para sa kasal. Ang plano ng kaligtasan ay naglalaan ng isang walang-hanggang pananaw at alituntunin ng ebanghelyo na nagpapabago sa tanong. Ang ilang tanong na maaari ninyong isaalang-alang ay “Bakit inorden ng Diyos ang pamilya?” o “Bakit itinatag ng Panginoon ang kasal sa pagitan ng isang lalaki at isang babae?” Isipin kung ano ang nalalaman ninyo tungkol sa mga espiritung anak ng Ama sa Langit—kung saan sila nanggaling at kung ano ang nais Niya para sa kanila ngayon at sa mga kawalang-hanggan. Isipin kung bakit Niya tayo pinagkalooban ng kapangyarihang ibuklod ang mga pamilya sa mga templo. Paano binabago ng inyong pag-unawa sa mga alituntuning ito ang tanong at tinutulutan kayong maunawaan ang isyu sa pamamagitan ng liwanag ng ebanghelyo?

(Chad H Webb, “That They May Know How to Come unto Him and Be Saved” [Brigham Young University–Hawaii devotional, ika-22 ng Mar. 2016], byuh.edu)