Seminary
Juan 1:1–16


Juan 1:1–16

“Naging Tao ang Salita”

One oil on wood panel painting of the creation of the earth and the heavens. a large red orb is at left with Christ in white robes at left. His robes and hair are billowing around him as though in a great wind. He is barefoot and has both hands stretched out toward the orb.

Isinulat ni Apostol Juan ang kanyang Ebanghelyo upang tulungan tayong maniwala na si Jesus ang Cristo (tingnan sa Juan 20:30–31). Itinuro ni Juan na nilisan ni Jesucristo ang Kanyang tahanan sa langit upang mabuhay sa lupa at maging ating Manunubos. Ang layunin ng lesson na ito ay tulungan kang maunawaan kung sino si Jesucristo bago Siya isinilang sa mundong ito at lalo pang pahalagahan ang pagmamahal na ipinakita Niya sa pamamagitan ng pagtupad sa Kanyang misyon sa lupa.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung ano ang nalalaman nila tungkol sa kung sino si Jesucristo bago Siya pumarito sa lupa. Hikayatin silang maghanap ng kahit isang scripture passage na naglalarawan sa Kanya bago Siya isinilang sa mundong ito.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ano ang kahalagahan nito?

Ipakita ang sumusunod na larawan o magdala sa klase ng isang bola na gamit sa isang sikat na sport, at itanong ang mga sumusunod. Maaaring gumamit ng iba pang bagay kung ang malalaman pa tungkol sa bagay na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan na higit ang kahalagahan nito kaysa sa una nilang inakala.

soccer ball
  • Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan ng bolang ito?

  • Paano kung ito ay ginamit sa isang world championship game o nilagdaan ng isang sikat na manlalaro?

Ang pag-alam sa kasaysayan ng isang bagay ay makadaragdag sa ating pang-unawa sa kahalagahan nito. Maaaring totoo rin ito tungkol sa mga tao.

Bago itanong ang susunod na tanong, maaari kang magpakita ng isang larawan ni Jesucristo, tulad ng larawan sa simula ng lesson na ito.

  • Paano makatutulong na nababatid mo kung sino si Jesucristo bago Siya isinilang upang maunawaan mo ang kahalagahan ng Kanyang buhay at misyon sa lupa?

Ang Ebanghelyo Ayon kay Juan ay makatutulong sa atin na maunawaan kung sino talaga si Jesus ng Nazaret at kung bakit dapat nating hangaring matuto mula sa Kanyang mga salita at halimbawa. Nagsulat si Juan upang palakasin ang iyong paniniwala na si Jesus ang Cristo, ang ipinangakong Mesiyas (tingnan sa Juan 20:30–31). Ang Ebanghelyo Ayon kay Juan ay nagsimula sa paglalarawan ng kaluwalhatian at kapangyarihan ni Jesucristo bago pa man Siya naparito sa lupa.

Kung mas maraming malalaman ang mga estudyante mula sa mas detalyadong pambungad sa Ebanghelyo Ayon kay Juan, maaari mong gamitin ang unang item sa bahaging “Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon” ng lesson na ito.

Si Jesucristo sa premortal na buhay o sa buhay bago tayo isinilang

Maaari mong gayahin ang sumusunod na aktibidad sa pisara at sabihin sa mga estudyante na isulat ang kanilang mga obserbasyon sa mga angkop na column sa buong lesson.

Kopyahin ang sumusunod na chart sa iyong study journal:

Si Jesus sa premortal na buhay

Ang buhay sa lupa ni Jesus

Gamit ang iyong kasalukuyang kaalaman tungkol kay Jesucristo, isulat sa kaliwang column ang mga salita at parirala na naglalarawan sa kung sino si Jesucristo, kung ano ang Kanyang pagkatao, at kung ano ang ginawa Niya bago Siya isinilang.

Basahin ang mga sumusunod na scripture passage at ang pahayag ni Elder Robert E. Wells ng Pitumpu, at itala ang mga karagdagang paglalarawan kay Jesucristo sa parehong column. (Ang pariralang “sa simula” na ginamit sa mga scripture passage na ito ay tumutukoy sa premortal na buhay.)

Maaari mong isulat ang mga sumusunod na reperensya na banal na kasulatan sa kaliwang bahagi ng pisara. Kung kinakailangan, tulungan ang mga estudyante na mahanap ang Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia sa “Mga Tulong sa Pag-aaral” sa Gospel Library app.

Pagsasalin ni Joseph Smith, Juan 1:1–5 (sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia o sa Gospel Library app)

Doktrina at mga Tipan 93:21

Abraham 3:22–24

Portrait of Elder Robert E. Wells. He received emeritus status on 4 October 1997

Si Jesus ay pinili at isinugo rin ng Ama upang itatag at likhain ang daigdig na ito, ang ating solar system, ang ating galaxy, at maging ang mga daigdig na hindi mabilang.

Si Jesucristo ay si Jehova noon at ngayon ng Lumang Tipan, ang Diyos ni Adan at ni Noe, ang Diyos nina Abraham, Isaac, at Jacob. Si Jehova ay nagpakita sa mga sinaunang propeta at nakipag-usap sa kanila. Kapag nagsalita Siya, ginagawa Niya ito sa ngalan ng Ama at sinasabi Niya ang sasabihin ng Kanyang Ama. Si Jehova ng Lumang Tipan ay naging si Jesucristo ng Bagong Tipan nang siya’y isilang sa mundo.

(Robert E. Wells, “Our Message to the World,” Ensign, Nob. 1995, 65)

Balikan ang listahang ginawa mo sa kaliwang bahagi ng pahina ng iyong journal, at ibuod sa isang pangungusap kung sino si Jesucristo sa premortal na buhay at isulat ito.

Anyayahan ang mga nagboluntaryo na ibahagi ang kanilang mga buod.

Ang buhay sa lupa ni Jesus

Tingnan ang sumusunod na larawan. Sa kanang column ng iyong chart, magsulat ng ilang paglalarawan sa abang kalagayan ng pagsilang ng Tagapagligtas.

Art depicting the Baby Jesus in a manger. There are animals in the background.
5:52

Ang isang kahulugan ng salitang pagpapakababa ay “pagbaba.” Kung gayon, ang pagbaba ng Tagapagligtas upang mabuhay sa lupa kasama natin ay inilalarawan kung minsan bilang “ang pagpapakababa ng Diyos” ( 1 Nephi 11:26). Kusang-loob na nilisan ni Jesucristo ang Kanyang trono sa langit at nagtungo sa isang nahulog na daigdig kung saan daranas Siya ng matitinding pagsubok at pagdurusa.

Basahin ang mga sumusunod na scripture passage, at alamin ang mga paghihirap na tiniis ng Tagapagligtas sa lupa at kung bakit. Idagdag ang mga paglalarawang ito sa kanang bahagi ng pahina ng iyong study journal.

Juan 1:10–11

1 Nephi 11:26, 32–33

1 Nephi 19:7–10

Doktrina at mga Tipan 88:6

Balikan ang listahang ginawa mo sa kanang column, at ibuod sa isang pangungusap ang mga tiniis ni Jesucristo sa lupa at isulat ito.

Maglaan ng ilang minuto na ihambing ang iniwan ni Jesus sa yaong handa Niyang tiisin sa lupa.

Maaari mong bigyan ang mga estudyante ng oras na sagutin ang mga sumusunod na tanong sa kanilang study journal. Pagkatapos ay anyayahan ang mga nagboluntaryo na ibahagi nang malakas ang kanilang mga sagot.

  • Ano ang natutuhan o nadama mo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo habang pinag-aaralan mo ang mga sctipture passage na ito?

  • Sa iyong palagay, bakit handang magpakababa si Jesucristo “sa lahat ng bagay” ( Doktrina at mga Tipan 88:6)?

  • Paano nakaaapekto sa nadarama mo sa Kanya ang naunawaan mo tungkol sa pagpapakababa ni Jesucristo?

Magpatotoo tungkol sa pagmamahal ni Jesucristo, at magpasalamat sa Kanyang kahandaang magpakababa upang iligtas tayo.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Ano ang kakaiba sa Ebanghelyo Ayon kay Juan?

Mga 92 porsiyento ng naitala sa Ebanghelyo Ayon kay Juan ay hindi matatagpuan sa iba pang mga tala ng Ebanghelyo. Ito marahil ay dahil nagsusulat si Juan para sa mga miyembro ng Simbahan na may kaalaman na tungkol kay Jesucristo—malinaw na ibang grupo ng mambabasa mula sa grupo ng mambabasa nina Mateo, Marcos, at Lucas. Naglalaman ng maraming doktrina ang Ebanghelyo Ayon kay Juan; ang ilan sa mga pangunahing tema nito ay ang kabanalan ni Jesus bilang Anak ng Diyos, ang Pagbabayad-sala ni Cristo, ang buhay na walang hanggan, ang Espiritu Santo, ang pangangailangang isilang na muli, ang kahalagahan ng pagmamahal sa iba, at ang kahalagahan ng paniniwala sa Tagapagligtas. Isa sa mga pinakamahalagang kontribusyon ni Juan ay ang pagsasama niya ng mga turo ng Tagapagligtas sa Kanyang mga disipulo sa mga oras bago Siya dinakip, kasama na ang dakilang Panalangin ng Pamamagitan.

1 Nephi 11:26.

Kapwa ba tinukoy ang Ama sa Langit at si Jesucristo bilang Diyos sa mga banal na kasulatan?

May tatlong magkakahiwalay na katauhan sa Panguluhang Diyos: ang Diyos, ang Amang Walang Hanggan; ang Kanyang Anak na si Jesucristo; at ang Espiritu Santo.

Ang Diyos na kilala bilang si Jehova ay ang Anak, si Jesucristo ( Isa. 12:2 ; 43:11 ; 49:26 ; 1 Cor. 10:1–4 ; 1 Tim. 1:1 ; Apoc. 1:8 ; 2 Ne. 22:2). [Kumikilos] si Jesus sa ilalim ng pamamatnubay ng Ama at may ganap na pagkakaisa sa Kanya. Kapatid Niya ang buong sangkatauhan, sapagkat Siya ang pinakamatanda sa mga espiritung anak ni Elohim. Tinutukoy Siya sa ilang [reperensyang] banal na kasulatan sa salitang Diyos.Halimbawa, sinasabi sa banal na kasulatan na “nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa” ( Gen. 1:1), subalit iyon ay si Jesus na siyang Lumikha sa ilalim ng pamamatnubay ng Diyos Ama ( Juan 1:1–3, 10, 14 ; Heb. 1:1–2).

(Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “ Diyos, Panguluhang Diyos ,” scriptures.ChurchofJesusChrist.org)

Nakatala sa Mosias 15:1 at Juan 20:26–28 ang dalawa pang halimbawa tungkol kay Jesus na tinukoy bilang Diyos.

Sa anong mga partikular na paraan pinili ni Jesucristo na magpakababa?

Itinuro ni Bishop Richard C. Edgley, dating tagapayo sa Presiding Bishopric:

FInal official portrait of Elder Richard C. Edgley of the Presiding Bishopric 2000. Released at the April 2012 general conference.

Siya ay bumaba upang isilang ng mortal na babae. …

Siya ay bumaba upang magpabinyag sa tao, bagama’t Siya ay perpekto at walang kasalanan.

Siya ay bumaba upang magministeryo sa mga pinakamapagpakumbaba sa mga mapagpakumbaba. …

Siya ay bumaba upang ipailalim ang Kanyang sarili sa kalooban ng Ama, tinulutan ang Kanyang sarili na magdanas ng tukso, makutya, mabugbog, maitaboy, at maitakwil, bagama’t Siya ay makapangyarihan.

Siya ay bumaba upang hatulan ng sanlibutan, bagama’t Siya ang Hukom ng buong daigdig.

Siya ay bumaba upang ipako sa krus at paslangin para sa mga kasalanan ng sanlibutan, bagama’t walang taong makapapatay sa Kanya.

(Richard C. Edgley, “The Condescension of God,” Ensign, Dis. 2001, 20)

Bakit handang magpakababa ni Jesucristo tulad ng ginawa Niya?

Ipinaliwanag ni Bishop Richard C. Edgley, dating tagapayo sa Presiding Bishopric:

FInal official portrait of Elder Richard C. Edgley of the Presiding Bishopric 2000. Released at the April 2012 general conference.

Siya ay nagpakababa hindi dahil sa obligasyon, ni para sa kaluwalhatian, kundi dahil lamang sa pagmamahal. Ang Kanyang pagpapakababa upang tubusin tayo sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ang kapalit upang makapagbigay Siya ng kaligtasan at kadakilaan.

(Richard C. Edgley, “The Condescension of God,” Ensign, Dis. 2001, 19)

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Ideya para sa visual learning

Matapos punan ng mga estudyante ang chart na naghahambing ng premortal na buhay ni Jesus at ng Kanyang buhay sa lupa, maaari kang magdispley ng mga larawan upang matulungan ang mga natututo sa pamamagitan ng mga larawan (visual learner) na maunawaan ang pagpapakababa ni Jesucristo. Halimbawa, ang larawan sa simula ng lesson na ito tungkol kay Jesucristo bilang ang Lumikha ay maaaring idispley sa kaliwang bahagi ng pisara. Ang mga larawan na tulad ng mga sumusunod ay maaaring idispley sa kanang bahagi ng pisara. Sabihin sa mga estudyante na paghambingin kung ano ang nakikita nila sa mga larawan at kung bakit naniniwala sila na kusang bumaba si Jesus batay sa nakikita nila sa kaliwa at sa nakikita nila sa kanan.

Actors depicting the Nativity.
Jesus standing bound before Caiaphas and the Sanhedrin. Outtakes include the false witnesses next to Jesus, Caiaphas rending his clothing, Jesus with a rope around his neck and his clothing is blood stained, Caiaphas alone, a soldier bringing Jesus through a doorway and just the saviors bound hands.
Jesus hangs on the cross between two thieves.

Ang kaluwalhatian ni Jesucristo sa kabilang-buhay

Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kapangyarihan at kaluwalhatian na binalikan ni Jesucristo matapos ang Kanyang buhay sa lupa at na Kanyang taglay kapag Siya ay bababa sa Kanyang Ikalawang Pagparito. Maaari kang magpakita ng isang larawan na tulad ng sumusunod at sabihin sa mga estudyante na basahin ang mga scripture passage tulad ng Mateo 25:31 at Doktrina at mga Tipan 29:11 . Maaari ding basahin o awitin ng mga estudyante ang “Jesus, Hamak nang Isilang” (Mga Himno, blg. 118).

The resurrected Jesus Christ (wearing white robes with a magenta sash) standing above a large gathering of clouds. Christ has His arms partially extended. The wounds in the hands of Christ are visible. Numerous angels (each blowing a trumpet) are gathered on both sides of Christ. A desert landscape is visible below the clouds. The painting depicts the Second coming of Christ. (Acts 1:11)