Seminary
Juan 1:35–51


Juan 1:35–51

“Halikayo at Tingnan Ninyo”

Christ walking on seashore beckoning to Peter and Andrew to become his apostles--fishers of men. Figures are crude; nice glow about Christ.

Inanyayahan ni Jesus ang Kanyang mga naunang disipulo na tingnan mismo kung sino Siya at sumunod sa Kanya. Ang pag-aaral ng mga salaysay na ito sa Juan ay tutulong sa iyo na maunawaan kung paano ka mismo makatutugon sa paanyaya ng Tagapagligtas na “halikayo at tingnan ninyo.”

Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan ang isang karanasan na nakatulong sa kanila na mas malinaw na maunawaan kung sino si Jesucristo. Paano ito nangyari?

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

“Halikayo at tingnan ninyo”

Kung maaari, magpakita ng larawan ng Korum ng Labindalawang Apostol.

Kunwari ay naglalakad ka at ang kaibigan mo pauwi mula sa paaralan at binanggit mo na nalaman mo na may paparating na Apostol na magsasalita sa isang pulong sa inyong lugar.

  • Bakit maaari mong sabihin sa kaibigan mo na sumama sa iyo at sa iyong pamilya upang makita at marinig ang Apostol na ito, sa halip na ilarawan lamang ang pulong pagkatapos nito?

Isinulat ni Apostol Juan kung paano ipinakilala ni Juan na Tagapagbautismo ang ilan sa kanyang mga tagasunod kay Jesucristo. Pag-aralan ang Juan 1:35–51 , at alamin kung ano ang maaaring mangyari kapag hinangad nating matuto kay Jesucristo at sumunod sa Kanya (tingnan din sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia, Juan 1:42).

  • Anong mga paanyaya sa mga banal na kasulatang ito ang tinanggap ng mga disipulo ng Tagapagligtas na tumulong sa kanila na sumunod sa Kanya?

  • Ano ang natutuhan mo mula sa mga karanasan at ginawa nina Andres at Felipe sa mga talatang ito ng banal na kasulatan?

Tulungan ang mga estudyante na magbahagi ng mga alituntuning natutuhan nila mula sa salaysay na ito. Maaaring makatulong na ipabahagi sa mga estudyante ang nalaman nila kasama ang isang kaklase, o maaaring anyayahan ang ilang estudyante na magbahagi sa klase. Maaaring kabilang sa ilang halimbawa ng mga alituntunin na matutukoy nila ang:

Kapag tinanggap natin ang paanyaya na matuto kay Jesucristo at sumunod sa Kanya, magkakaroon tayo ng sarili nating patotoo tungkol sa Kanya.

Kapag tumanggap tayo ng patotoo tungkol kay Jesucristo, nais nating tulungan ang iba na tumanggap ng sarili nilang patotoo.

Magbigay ng mga karagdagang tanong upang matulungan ang mga estudyante na mas malalim na maunawaan ang nalaman nila. Ang natitirang bahagi ng mga mungkahi sa lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na ihalintulad ang paanyaya ng Panginoon na ‘halikayo at tingnan ninyo’ sa kanilang mga sarili, tanggapin ito, at mag-isip ng mga paraan na sundin ito upang mapalakas nila ang kanilang mga patotoo kay Jesucristo.

  • Ano ang itinuturo sa iyo ng salaysay na ito tungkol sa Tagapagligtas?

Ano ang magagawa mo upang makatugon sa paanyaya ng Tagapagligtas na “halikayo at tingnan ninyo”?

Maglaan ng 30 segundo para itala ang unang naisip mo tungkol sa kung paano makatutugon ang isang tao ngayon sa paanyaya ni Jesucristo na “halikayo at tingnan ninyo.”

Maaari kang magpagawa sa mga estudyante ng aktibidad para malaman ang iba’t ibang paraan na matatanggap nila ang paanyaya ng Tagapagligtas na “halikayo at tingnan ninyo.” Halimbawa, mamahagi ng mga dry-erase marker o ilang piraso ng chalk sa ilang estudyante, at sabihin sa kanila na magsulat sa pisara ng isang paraan kung paano tayo makatutugon sa paanyaya ng Tagapagligtas na “halikayo at tingnan ninyo.” Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyanteng iyon na ibigay ang kanilang chalk o marker sa isa pang estudyante na hindi pa nakakapagsulat sa pisara para makapagsulat sila ng sagot. Maaari mong ulitin ito hangga’t nais mo.

Ibinigay ni Elder Ulisses Soares ng Korum ng Labindalawang Apostol ang mga sumusunod na ideya tungkol sa kung paano tayo makatutugon sa paanyaya ng Tagapagligtas na “halikayo at tingnan ninyo.” Panoorin ang video na “Paano Ako Makauunawa?” mula sa time code na 6:24 hanggang 7:04, o basahin ang pahayag sa ibaba. Matatagpuan ang video sa ChurchofJesusChrist.org.

2:3
Elder Ulisses Soares, Quorum of the Twelve Apostles official portrait.

Kapag tinanggap natin ang paanyaya ng Tagapagligtas na “magsiparito kayo, at inyong makikita,” kailangan nating sumunod sa Kanya, magbasa ng mga banal na kasulatan, magalak dito, matutuhan ang Kanyang doktrina, at sikaping mamuhay na katulad Niya. At saka lang natin Siya makikilala pati na ang Kanyang tinig, batid na kapag lumapit at nanalig tayo sa Kanya, hinding-hindi na tayo magugutom o mauuhaw. Mahihiwatigan na natin ang katotohanan sa lahat ng oras, tulad ng nangyari sa dalawang disipulo na nanatili sa piling ni Jesus nang araw na iyon.

(Ulisses Soares, “Paano Ako Makauunawa?,” Ensign o Liahona, Mayo 2019, 7)

  • Ano ang natutuhan mo mula sa pahayag na ito tungkol sa kung paano natin matatanggap ang paanyaya ng Tagapagligtas na “halikayo at tingnan ninyo”?

Maaari kang mag-anyaya ng ilang boluntaryo na ibahagi ang nakatulong sa kanila para mas makilala ang Tagapagligtas at ang Kanyang mga katangian.

Bigyan ng oras ang mga estudyante na pumili ng isa sa mga sumusunod na aktibidad at simulang gawin ang kanilang plano. Ipakita ang mga opsiyon sa mga estudyante, at magbigay ng anumang materyal na maaaring kailanganing iuwi ng mga estudyante upang magawa nila ang kanilang plano.

Pumili ng isa sa mga sumusunod na mungkahi mula sa pahayag ni Elder Soares na tutulong sa iyo na sundin ang paanyaya ng Tagapagligtas na “halikayo at tingnan ninyo.” Kung nagawa mo na ang isa sa mga aktibidad na ito kamakailan, pumili ng isa na bago sa iyo.

  • Ituon ang iyong sarili sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Gumawa ng bago o mas mainam na plano sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Maaaring kabilang sa plano mo ang mga bagay na tulad ng pagtukoy sa oras ng araw at tagal ng oras na gugugulin sa pag-aaral, pagsisimula ng iyong pag-aaral nang may panalangin, paglalaan ng oras sa pagninilay at pag-cross reference, at iba pa. Ano ang natututuhan mo tungkol kay Jesucristo mula sa regular mong pag-aaral?

  • Magalak sa mga banal na kasulatan. Magalak sa mga banal na kasulatan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng natututuhan mo sa iba. Alamin kung paano ka makapagbabahagi, gaano kadalas, at kanino. Habang nagbabahagi ka, pansinin nang mabuti ang nadarama mo. Ano ang napansin mo?

  • Matutuhan ang Kanyang doktrina. Palalimin ang naunawaan mo sa doktrina ng Panginoon sa pamamagitan ng pagpili ng isang paksa ng doktrina na gusto mong matutuhan pa. Isulat ang paksa ng doktrina sa itaas ng isang malinis na papel, o magsimula ng bagong “Notebooks” section sa Gospel Library. Pagkatapos ay magsimulang mag-aral at gamitin ang mga resource tulad ng Mga Paksa ng Ebanghelyo, o Gabay sa mga Banal na Kasulatan . Bigyang-pansin kung paano nakaaapekto ang pag-aaral na ito sa iyong patotoo tungkol kay Jesucristo.

  • Sikaping mamuhay katulad ni Jesus. Subaybayan ang iyong pag-unlad gamit ang Pansariling Pag-unlad: Gabay na Aklat para sa mga Kabataan. Ang pagtutuon sa apat na aspekto (espirituwal, pakikipagkawa, pisikal, at intelektuwal) ay tutulong sa iyo na mabalanse ang iyong buhay at mas mapalapit kay Cristo. Kung hindi mo pa naitatakda ang mga mithiing ito, pag-isipang gawin ito ngayon.

  • Gumawa ng sarili mong paraan. Mayroon ka pa bang naiisip na iba pang paraan ng pagtugon sa paanyaya ng Tagapagligtas na “halikayo at tingnan ninyo”? Maaari kang tahimik na manalangin upang hingin ang patnubay ng Ama sa Langit. Pagkatapos ay isulat ang mga naisip mo sa kung paano mo masusunod ang mga impresyong iyon.

  • Paano mo tatanggapin ang paanyaya ng Tagapagligtas na “halikayo at tingnan ninyo”?

  • Ano ang plano mo para masunod ito sa iyong buhay?

Maaari kang magpatotoo na tutulungan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo ang mga estudyante na makilala at pagkatiwalaan ang Tagapagligtas kapag tumugon sila sa Kanyang paanyayang “halikayo at tingnan ninyo.”

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Juan 1:38 . Paano naaangkop sa iyo ang tanong ng Tagapagligtas na “Ano ang inyong hinahanap?”

Bago inanyayahan ni Jesus ang dalawang disipulo na “halikayo at tingnan ninyo,” itinanong Niya sa kanila, “Ano ang inyong hinahanap?” ( Juan 1:38).Itinuro ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol ang kahalagahan ng pagninilay sa tunay nating hangarin sa buhay habang pinag-iisipan natin ang paanyaya ng Tagapagligtas na sumunod sa Kanya.

2:3

He Hath Filled the Hungry with Good Things

Official Portrait of Elder Jeffrey R. Holland. Photographed January 2018.

Maaalala ninyo na noong unang marinig ni Andres at ng isa pang disipulo, malamang na si Juan, na magsalita si Cristo, labis silang naantig at nahikayat ni Jesus kaya sumunod sila sa Kanya nang lisanin Niya ang mga taong nagtipon. Nang maramdaman Niyang sinusundan Siya, lumingon si Cristo at tinanong ang dalawang lalaki, “Ano ang inyong hinahanap?” [ Juan 1:38 ]. Isinalin iyan ng iba sa simpleng mga salitang, “Ano ang ninanais ninyo?” Sumagot sila, “Saan ka nakatira?” o “Saan ang tirahan mo?” Simpleng sinabi ni Cristo, “Halikayo at tingnan ninyo” [ Juan 1:39 ]. Hindi nagtagal at pormal Niyang tinawag si Pedro at iba pang mga bagong Apostol sa gayunding paanyaya. Sa kanila’y sinabi Niya, Pumarito kayo, “sumunod kayo sa akin” [ Mateo 4:19 ].

Tila ang pangunahing layunin ng ating paglalakbay sa buhay na ito at ang mga kasagutan sa mga pinakamahalagang katanungan sa buhay natin ay maibubuod sa dalawang napakaikling bahaging ito sa simula ng ministeryo ng Tagapagligtas sa mundo. Ang isang bahagi ay ang tanong sa bawat isa sa atin sa mundong ito: “Ano ang inyong hinahanap? Ano ang ninanais ninyo?” Ang pangalawa ay ang Kanyang itinugon sa ating sagot, anuman ang sagot na iyan. Kahit sino pa tayo at kahit ano pa ang sagot natin, ang Kanyang tugon ay gayon pa rin palagi: “Pumarito ka,” na buong pagmamahal Niyang sinabi. “Pumarito ka, sumunod ka sa akin.”

(Jeffrey R. Holland, “He Hath Filled the Hungry with Good Things,” Ensign, Nob. 1997, 65)

1:17

Paano kung tinanggihan ng mga taong inanyayahan ko ang paanyaya ko na “halikayo at tingnan ninyo”?

Kung minsan nag-aalala tayo na baka hindi tanggapin ng isang tao ang ating paanyaya na matuto pa tungkol sa ebanghelyo o sa Simbahan. Ibinahagi ni Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol ang mga sumusunod na kabatiran:

Official portrait of Elder Dieter F. Uchtdorf of the Quorum of the Twelve Apostles, 2006. Called as Second Counselor in the First Presidency, 3 February 2008. Made official portrait in 2008 replacing portrait taken in 2004.

Ang ilan na lumalapit para tumingin, marahil, ay di kailanman sasapi sa Simbahan; ang ilan naman ay sasapi kalaunan. Sila ang pipili. Ngunit hindi niyan binabago ang ating pagmamahal sa kanila. At hindi nito binabago ang ating masigasig na pagsisikap na patuloy na anyayahan ang mga indibiduwal at pamilya at sabihing halika at tingnan, halika at tumulong, at halika at lumagi.

… Dapat ninyong maunawaan na hindi ninyo trabaho ang i-convert ang mga tao. Iyan ang papel ng Espiritu Santo. Ang papel ninyo ay ibahagi ang nasa puso ninyo at mamuhay nang naaayon sa inyong pinaniniwalaan.

Kaya, huwag masiphayo kung hindi kaagad tatanggapin ng isang tao ang mensahe ng ebanghelyo. Hindi ninyo ito personal na kabiguan.

Ito ay sa pagitan ng tao at ng Ama sa Langit.

Ang sa inyo ay mahalin ang Diyos at inyong kapwa.

(Dieter F. Uchtdorf, “Gawaing Misyonero: Pagbabahagi ng Nasa Puso Mo,” Ensign o Liahona, Mayo 2019, 17)

Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Pag-anyaya sa iba sa pagsasabing “halikayo at tingnan ninyo”

Ang ating patotoo tungkol kay Jesucristo ay makahihikayat sa atin na tulungan ang iba na sundin ang paanyaya ng Tagapagligtas na “halikayo at tingnan ninyo.”Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan ang mga halimbawa nina Andres at Felipe na matatagpuan sa Juan 1:41, 43–46 para sa katibayan ng katotohanang ito.Maaaring makatulong na ipanood ang sumusunod na video ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol, kung saan nagkuwento siya tungkol sa kung paano tinulungan ng kanyang panganay na lalaki ang kanyang nakababatang kapatid nang masugatan ito. Paano natin maihahalintulad ang halimbawang ito sa pagbabahagi ng ebanghelyo sa iba?

15:28