Juan 1
Buod
Isinulat ni Apostol Juan ang kanyang Ebanghelyo nang may layuning tulungan ang mga miyembro ng Simbahan at ang sanlibutan na maniwalang si Jesus ang Cristo (tingnan sa Juan 20:30–31). Itinuro ni Juan na nilisan ni Jesucristo ang Kanyang tahanan sa langit upang pumarito sa lupa bilang Manunubos ng buong sangkatauhan. Ang Ebanghelyo Ayon kay Juan ay naglalaman ng maraming kuwento tungkol sa mga kalalakihan at kababaihan na nagkaroon ng patotoo na si Jesus ang Cristo, ang ipinangakong Mesiyas. Ang mapanalanging pagbabasa at pagninilay tungkol sa mga salaysay na iyon ay maaari ding umakay sa mga mambabasa sa panahong ito na lumapit sa Kanya.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay ng mga ideya sa mga titser tungkol sa mga bagay na kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Juan 1:1–16
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mas lalong mapahalagahan kung sino si Jesucristo bago Siya isinilang sa mundong ito at ang pagmamahal na ipinakita Niya para sa atin sa pamamagitan ng pagtupad sa Kanyang misyon sa lupa.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung ano ang nalalaman nila tungkol kay Jesucristo bago Siya pumarito sa lupa.
-
Bagay: Maaari kang magdala sa klase ng isang bola na ginagamit sa isang sikat na sport o magdispley ng larawan ng isang bola na matatagpuan sa lesson.
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari kang gumawa ng chart tungkol sa premortal na buhay ni Jesus at sa Kanyang buhay sa lupa gamit ang isang spreadsheet o word-processing program bago ang magklase. Sa oras ng klase, idispley ang chart sa pamamagitan ng pag-share ng iyong screen. Maaari itong punan ng mga estudyante sa oras ng klase habang nagbabahagi sila ng kanilang mga saloobin.
Juan 1
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na lalo pang makilala si Jesucristo sa pamamagitan ng pagtukoy at pag-alam sa ilan sa Kanyang mga titulo at mga ginagampanan.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na hilingin sa kanilang mga kaibigan at kapamilya na magbahagi kung alin sa mga titulo o ginagampanan ni Jesucristo ang pinakamakabuluhan para sa kanila at bakit.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Sa pagtatapos ng lesson, maaari mong gamitin ang feature na breakout room ng iyong videoconference software para maituro ng mga estudyante sa isang kapartner ang tungkol sa paggamit ni Jesucristo sa isa sa Kanyang titulo o ginagampanan.
Juan 1:35–51
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na makatugon nang mas mabuti sa paanyaya ng Tagapagligtas na “halikayo at tingnan ninyo” (tingnan sa Juan 1:39).
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan ang isang karanasan na nakatulong sa kanila na mas malinaw na maunawaan kung sino si Jesucristo. Paano nangyari ang karanasang ito?
Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 2
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na matutong sumuri ng mga isyu nang may walang-hanggang pananaw para maunawaan ang mga ito nang mas malinaw.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang isang hamon o tanong na mayroon sila o, kung naaangkop, pag-isipan ang tanong kung saan pinili nilang kumilos nang may pananampalataya sa lesson na “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 1.”
-
Video: Maghandang ipanood sa mga estudyante ang“Hayaang Manaig ang Diyos” (mula sa time code na 5:50 hanggang 8:24). Mapapanood ang video na ito sa ChurchofJesusChrist.org.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari kang gumawa ng slide presentation para mai-share mo sa iyong screen ang mga pahayag na makatutulong mula kay Pangulong Nelson at mula sa bahaging “Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon.”
I-assess ang Iyong Pagkatuto 1
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng pagkakataong suriin o i-evaluate ang kanilang mga mithiin, pagkatuto, at pansariling pag-unlad. Kabilang sa mga partikular na kahihinatnan ng kurso na gagamiting batayan ng mga estudyante sa pagsusuri o pag-evaluate ng kanilang sarili ay ang kanilang kakayahang pag-aralan ang mga banal na kasulatan at isabuhay ang mga salita ng Panginoon, tumanggap ng personal na paghahayag mula sa Espiritu Santo, at ipaliwanag ang ilan sa mga ginagampanan ni Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang tungkol sa kanilang pag-aaral ng mga banal na kasulatan at maghandang magbahagi ng mga kaalamang natamo nila o ng mga paraan na mas napagbuti pa nila ang kanilang pag-aaral.
-
Mga Materyal: Kung mayroon ng mga ito, maghanda ng mga art material para magawa ng mga estudyante ang mga assessment activity sa paraang gusto nila.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Kapag ibinahagi ng mga estudyante ang kanilang mga ginawa sa klase, hayaan silang i-share ang kanilang screen upang mas malinaw na makita ng kanilang mga kaklase ang kanilang mga ginawa.