Seminary
Lucas 2:40–52


Lucas 2:40–52

Si Jesus ay “Lumaki, at Lumakas” sa Espiritu

Jesus teaching in the temple as a young boy.

Noong bata pa ang Tagapagligtas, itinuro Niya nang may kapangyarihan ang ebanghelyo kaya maging ang mga guro sa templo ay “namangha sa kanyang katalinuhan at sa kanyang mga sagot” (Lucas 2:47). Ang lesson na ito ay naglalayong palakasin ang iyong hangaring maging katulad ni Jesucristo sa pamamagitan ng paghahangad na umunlad sa aspektong intelektuwal, pisikal, espirituwal, at pakikiagkapwa. Magkakaroon ka rin ng pagkakataong suriin ang iyong kasalukuyang mga mithiin sa Pansariling Pag-unlad: Gabay na Aklat para sa mga Kabataan (2019) o gumawa ng mga bagong mithiin.

Pagtutuon sa karanasan ng mga estudyante. Natututo ang mga estudyante kapag aktibo sila sa proseso ng pag-aaral at ipinamumuhay nila ang ebanghelyo. Habang nagtuturo, tumuon sa dapat maranasan at gawin ng estudyante para maanyayahan ang personal na paghahayag at mapalalim ang pagbabalik-loob. Habang nadaragdagan ng mga estudyante ang kanilang kaalaman at namumuhay nang naaayon dito, mas magbabalik-loob sila sa Tagapagligtas at sa Kanyang ebanghelyo.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na suriin muli ang mga mithiing ginawa nila bilang bahagi ng programang Mga Bata at Kabataan. Sabihin sa kanila na pag-isipan kung paano nakatutulong sa kanila ang mga mithiing ito na maging higit na katulad ni Jesucristo. Kung maaari, sabihin sa kanila na magdala ng kopya ng Pansariling Pag-unlad: Gabay na Aklat para sa mga Kabataan sa klase.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Si Jesus ay lumaki at umunlad sa Kanyang kabataan

Ipakita ang mga sumusunod na larawan at bigyan ang mga estudyante ng isa o dalawang minuto para pag-aralan ang mga ito. Kung hindi makakakuha ng mga larawang ito, sabihin sa mga estudyante na isipin si Jesus noong lumalaki Siya.

Pag-aralan ang mga larawang ito ng Tagapagligtas noong Siya ay bata pa. Isipin kung ano ang ipinahihiwatig ng mga detalye sa bawat isa sa mga larawang ito tungkol kay Jesus.

Jesus Christ depicted as a young boy in the carpenter shop of Joseph. Joseph is standing behind the young Christ. Christ is reading the scriptures from a scroll resting on a table. There are wood shavings on the table.
Christ as a youth learning carpentry skills in a carpenter’s shop. Joseph, the husband of Mary, is watching him.
Jesus Christ depicted as a child with his mother Mary. Christ is kneeling beside Mary and resting His clasped hands on Mary’s lap. Mary has her head bowed as she and the young Christ pray. There is an oil lamp burning on a table next to the mother and son.
Jesus Christ at age twelve in the temple at Jerusalem during the Feast of the Passover. A group of learned Jewish doctors are gathered around Christ. The doctors are expressing astonishment at the wisdom and understanding of the young Christ. (Luke 2:41-50)

Hikayatin ang mga estudyante na panatilihin ang pagpipitagan sa Tagapagligtas habang sinasagutan nila ang sumusunod na tanong. Ang isa pang tanong ay maaaring “Ano ang gusto mong malaman tungkol sa Tagapagligtas noong Siya ay bata pa?”

  • Paano makatutulong sa iyo bilang kabataan ang malaman ang tungkol kay Jesus noong Siya ay bata pa?

Kakaunti lang ang detalye na alam natin tungkol sa kabataan ni Jesus, ngunit ang mga nakatala ay maaaring maging malaking tulong at gabay sa iyo habang sinisikap mong umunlad at sumulong. Habang pinag-aaralan mo ang tungkol sa kabataan ng Tagapagligtas, maghanap ng mga katotohanan na makatutulong sa iyo na malaman kung anong mga aspekto ang dapat mong pagtuunan habang pinagsisikapan mong maging higit na katulad ng ating Ama sa Langit at ni Jesucristo.

Basahin ang Lucas 2:40–52 at Pagsasalin ni Joseph Smith, Mateo 3:24–26 (sa appendix ng Pagsasalin ni Joseph Smith), at maghanap ng mga detalye tungkol sa kung ano ang mga katangian ng Tagapagligtas noong Siya ay bata pa. Maaari mong markahan ang mahahanap mo.

2:29

Pansinin na ang ibig sabihin ng pariralang “lumakas” sa espiritu ( Lucas 2:40 ; tingnan din sa Pagsasalin ni Joseph Smith, Mateo 3:24 [sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia]) ay nadagdagan o lumago ang espirituwal na lakas ni Jesus. Maaaring makatulong na malaman na ayon sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng Lucas 2:46 (sa Lucas 2:46 sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia ), ang batang si Jesus ay hindi nakikinig sa mga guro, o eskriba, at nagtatanong sa kanila, ngunit “sila ay nakikinig sa kanya, at nagtatanong sa kanya.”

  • Ano ang itinuturo sa iyo ng salaysay na ito tungkol sa mga katangian ni Jesus noong bata pa Siya?

  • Ano ang itinuturo sa iyo ng talata 52 tungkol sa paraan ng paglaki at pag-unlad ni Jesus sa Kanyang kabataan?

Nalaman natin mula sa Lucas 2:52 na tinutularan natin ang halimbawa ni Jesucristo kapag pinauunlad natin ang ating aspektong intelektuwal, pisikal, espirituwal, at pakikipagkapwa.

Isulat sa pisara o ipakita ang mga sumusunod na salita: Intelektuwal, Pisikal, Espirituwal, at Pakikipagkapwa. Pagkatapos ay itanong ang mga sumusunod:

  • Ano ang ilang halimbawa mula sa mga banal na kasulatan kung saan ipinakita ni Jesucristo ang Kanyang mga kakayahan sa apat na aspektong ito?

  • Ano ang ilang dahilan kung bakit gusto mong tularan ang halimbawa ng Tagapagligtas sa apat na aspektong ito ng buhay?

Ang bahaging ito ng lesson ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na gamitin ang Pansariling Pag-unlad: Gabay na Aklat para sa mga Kabataan para magtakda ng mga mithiin. Maging sensitibo sa mga pangangailangan ng mga estudyanteng hindi interesado o hindi pamilyar sa gabay na aklat na ito. Ang mga estudyanteng nagsisikap nang isakatuparan ang kanilang mga mithiin sa pag-unlad ay maaaring maging magandang sanggunian sa talakayan.

Maaari kang magpadala ng mensahe sa mga magulang at lider ng Simbahan upang ipaalam sa kanila na tinalakay ng mga estudyante ang mga mithiing ito sa seminary. Makatutulong ito sa mga magulang at lider na kumustahin at tingnan ang ginagawa ng mga kabataan.

Hinikayat ng mga propeta ang mga kabataan ng Simbahan na tularan ang halimbawa ng Tagapagligtas na ipinakita sa Lucas 2:52 , at inilabas ng mga lider ng Simbahan ang Pansariling Pag-unlad: Gabay na Aklat para sa mga Kabataan upang tulungan ka.

2:53

Depende sa laki ng klase, maaaring hatiin ang mga estudyante sa apat na grupo para talakayin ang isa sa apat na aspekto ng pag-unlad. Hikayatin ang mga estudyante na mag-isip ng iba’t ibang paraan kung paano sila maaaring lumago at umunlad sa mga aspektong ito at sa iba’t ibang mithiing maitatakda nila. Sa pagtatapos ng talakayan, anyayahan ang isang miyembro sa bawat grupo na ibahagi ang kanilang mga ideya.

Ang layunin ng Pansariling Pag-unlad: Gabay na Aklat para sa mga Kabataan ay “[palakasin] ang inyong pananampalataya kay Jesucristo at tulungan kayo at ang inyong pamilya na sumulong sa landas ng tipan habang nahaharap kayo sa mga hamon ng buhay” (“Ano ang Mga Bata at Kabataan?” ChurchofJesusChrist.org). Bukod pa sa nakalimbag na bersiyon ng gabay na aklat na ito, may digital na bersiyon ito. Mahahanap mo ang digital na bersiyon sa Gospel Library.

Sa pagtulad sa halimbawa ng Tagapagligtas, maaari ka ring umunlad nang balanse sa apat na aspektong ito ng iyong buhay: espirituwal, pakikipagkapwa, pisikal, at intelektuwal. Hangarin ang inspirasyon ng Espiritu Santo habang nagtatakda ka ng mga mithiin. Makinig sa mga pahiwatig na makatutulong sa iyo na makita kung saan nais ng Panginoon na tulungan kang ituon ang iyong pag-unlad sa pagiging katulad Niya. Maaari kang makahanap ng ilang ideya sa mga sumusunod na website:

Ang page na “Para sa mga Kabataan” ng website na Mga Bata at Kabataan

Sa iyong kopya ng Pansariling Pag-unlad: Gabay na Aklat para sa mga Kabataan, maaari kang gumawa ng mga mithiin sa apat na aspektong ito ng iyong buhay. Kung sinimulan mo nang isakatuparan ang iyong mga mithiin, suriin kung ano na ang nagagawa mo at baguhin kung kinakailangan. Regular na talakayin ang iyong mga mithiin sa iyong mga magulang at lider ng Simbahan. Maaari mo ring ibahagi ang iyong mga mithiin at anumang karanasan gamit ang #StrivetoBe.

Tutulungan ka ni Jesucristo habang nagtatakda ka ng mga mithiin at nagsisikap na maging katulad Niya. Nangako Siya na kapag lumapit ka sa Kanya at mapagpakumbabang sumampalataya, “gagawin [Niya] ang mahihinang bagay na maging malalakas” ( Eter 12:27).

Anyayahan ang mga estudyante na nagkaroon ng magagandang karanasan sa pagtupad sa kanilang mga mithiin na ibahagi ang mga ito. Hikayatin ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga karanasan gamit ang #StrivetoBe.Kung walang estudyante ang kasalukuyang nakikibahagi sa programang ito, maaari mong anyayahan sa klase ang isang lider ng mga kabataan para magbigay ng patnubay at direksyon.Pumili ng ilan o piliin ang lahat ng sumusunod na tanong na sasagutin ng mga estudyante sa kanilang study journal at, kung may oras pa, tatalakayin ito ng buong klase.

  • Ano ang gusto mong pagbutihin pa sa aspektong ito ng iyong buhay? Bakit?

  • Sa anong mga paraan makatutulong sa iyo ang pagpapaunlad sa aspektong ito na maging higit na katulad ng Tagapagligtas?

  • Anong mga balakid ang maaari mong kaharapin?

  • Paano mo hihingin ang tulong at patnubay ng Ama sa Langit?

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon