Seminary
Lucas 2:1–14


Lucas 2:1–14

“Sapagkat Ipinanganak sa Inyo Ngayon … ang Isang Tagapagligtas”

Nativity scene depicting Mary holding the infant Jesus Christ. Joseph is sitting next to Mary. A group of shepherds are gathered around Mary and Joseph. The shepherds are kneeling before the infant Christ.

Sina Jose at Maria ay naglakbay patungong Bethlehem, kung saan isinilang si Jesus. Ibinalita ng isang anghel ang pagsilang ng Tagapagligtas sa mga pastol malapit sa Bethlehem (tingnan sa Lucas 2:9–12), “at biglang sumama … ang isang malaking hukbo ng langit na nagpupuri sa Diyos, at nagsasabi, Luwalhati sa Dios sa kataas-taasan, at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya” (Lucas 2:13–14). Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan kang balikan ang mga pangyayari sa pagsilang ng Tagapagligtas at ipabatid sa iyo ang doktrinang itinuro sa doctrinal mastery passage na Lucas 2:10–12. Pag-aaralan mo ang ginagampanan ni Jesucristo bilang iyong Tagapagligtas at matututuhan kung mula saan ka Niya iniligtas upang, tulad ng mga anghel, magawa mong luwalhatiin at purihin ang Diyos para sa kaloob na Kanyang Anak.

Pagtuturo ng doctrinal mastery. Dalawang lesson ang nauugnay sa bawat doctrinal mastery passage: isang lesson na mahalaga ang nilalaman at hindi maaaring laktawan kung saan itinuturo ang scripture passage sa konteksto ng scripture block, at isang lesson na naghihikayat sa mga estudyante na ipaliwanag ang doktrina, isaulo ang mahalagang parirala sa banal na kasulatan at ang reperensyang banal na kasulatan, at magsanay sa paggamit ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Ito ang lesson na mahalaga ang nilalaman at hindi maaaring laktawan.

Paghahanda ng estudyante: Tinatawag natin si Jesus na ating Tagapagligtas Mula saan Niya tayo inililigtas?

2:15

Why We Need a Savior

What would life be like without a Savior? There would be no joy, no forgiveness, no hope for the future. This Christmas, learn more about the hope, peace and happiness our Savior Jesus Christ can bring into our lives at christmas.mormon.org.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang Pagsilang ni Cristo

Magdala ng isang maliit na belen, o magpakita ng larawan ng Pagsilang ni Cristo.

  • Ano ang ilan sa mga paborito mong detalye tungkol sa Pagsilang ni Cristo?

  • Bakit mahalaga sa iyo ang mga detalyeng ito?

Maaaring basahin ng mga estudyante ang mga sumusunod na scripture verse nang mag-isa, nang magkakapartner, o sa maliliit na grupo, o maaari silang tahimik na sumabay habang nagbabasa ang isang tagapagsalaysay.

Basahin ang Lucas 2:1–14 , at hanapin ang mga detalyeng mahalaga sa iyo o ang mga bagong detalye na maaaring hindi mo napansin noon sa kuwento ng Pagsilang ni Cristo.

  • Anong mga detalye sa kuwento ng Pagsilang ni Cristo ang napansin mo na mahalaga sa iyo?

Kung may tinitingnang belen o larawan ng Pagsilang ni Cristo ang mga estudyante, maaaring makatulong na anyayahan silang tukuyin kung ano ang nasa belen o larawan na hindi bahagi ng salaysay sa Lucas 2:1–14 . Maaaring lalong makatulong na tukuyin na hindi kasama ang bituin o ang mga Pantas na Lalaki sa salaysay ni Lucas tungkol sa Pagsilang ni Cristo dahil nangyari ang mga kaganapang ito ilang taon matapos isilang ang Tagapagligtas (tingnan sa Mateo 2:1–12).

Basahing muli ang Lucas 2:10–12 , at hanapin kung paano ipinahayag ng anghel ang pagsilang ni Jesus.

Ang Lucas 2:10–12 ay isang doctrinal mastery passage. Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na pag-aralan ang doctrinal mastery passage sa konteksto. Ang susunod na lesson ay magbibigay sa mga estudyante ng pagkakataong ipaliwanag ang doktrinang itinuro sa scripture passage na ito, isaulo ang mahalagang parirala sa banal na kasulatan at ang reperensyang banal na kasulatan, at magsanay sa paggamit ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

  • Ano ang unang titulong ginamit ng anghel para kay Jesucristo nang ibalita niya ang pagsilang ni Jesus sa mga pastol?

  • Bakit mahalaga na sa lahat ng titulo na mayroon si Jesucristo, ito ang ginamit ng anghel para ibalita ang Kanyang pagsilang?

Isa sa mga katotohanang itinuturo ng scripture passage na ito ay si Jesucristo ang Tagapagligtas ng sanlibutan.

Kailangan natin ng isang Tagapagligtas

Ibinahagi ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol ang sumusunod na karanasan:

Portrait of Elder D. Todd Christofferson. Photographed in March 2020.

Kanina, tinanong ako ng isang tao na matagal nang miyembro ng Simbahan, “Bakit ko ba kailangan si Jesucristo? Sinusunod ko ang mga kautusan; mabuting tao ako. Bakit ko kailangan ng isang Tagapagligtas?” Kailangan kong sabihin na nagulat ako sa kabiguan ng miyembrong ito na maunawaan ang pinakamahalagang bahagi ng ating doktrina, ang batayang elementong ito ng plano ng kaligtasan.

(D. Todd Christofferson, “Bakit Natin Kailangan si Jesucristo,” Ensign, Dis. 2020, 19–20)

Pag-isipan sandali kung ano ang isasagot mo, batay sa sarili mong mga saloobin at damdamin, kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Elder Christofferson.

Matututuhan natin ang tungkol sa pangangailangan natin ng isang Tagapagligtas sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan at ng mga salita ng mga propeta (tingnan sa Jacob 7:11).

Ang pagtulong sa mga estudyante na matutuhan kung paano mag-cross reference ay makatutulong sa kanila na mapalalim ang kanilang pag-aaral, matukoy ang pagkakaugnay sa doktrina ng iba’t ibang scripture passage, at madagdagan ang kanilang kaalaman sa banal na kasulatan. Maaari mong itanong sa mga estudyante kung paano nila ginamit ang mga cross-reference sa kanilang pag-aaral at kung paano nakatulong sa kanila ang paggamit ng mga cross-reference.

Ang isang kasanayan sa pag-aaral ng banal na kasulatan na magpapaibayo sa iyong pag-unawa sa doktrina at mga alituntunin ay ang paggawa ng mga cross-reference sa iyong mga banal na kasulatan. Upang makapag-cross reference, gumawa ng link sa Gospel Library app o ikonekta ang magkakaugnay na mga banal na kasulatan sa pamamagitan ng pagtatala ng reperensyang banal na kasulatan malapit sa isa pang scripture passage.

Pag-aralan ang tatlo hanggang apat sa mga sumusunod na scripture passage para makatulong sa pagsagot sa mga tanong na “Bakit ko kailangan ng isang Tagapagligtas?”at “Mula saan Niya ako inililigtas?” Maaari mong i-cross reference ang mga scripture passage na ito sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga ito sa Lucas 2:10–12 sa Gospel Library app o sa pagtatala ng reperensya na Lucas 2:10–12 malapit sa mga scripture verse na pinag-aaralan mo.

Maaari mong isulat sa pisara ang mga tanong na “Bakit ko kailangan ng isang Tagapagligtas?” at “Mula saan Niya ako inililigtas?” Hindi kailangang gamitin o ipakita ang lahat ng sumusunod na reperensyang banal na kasulatan. Depende sa kakayahan ng estudyante, ang sumusunod na aktibidad na paghahanap ng banal na kasulatan ay maaaring gawin ng mga estudyante nang magkakapartner o sa maliliit na grupo nang hindi binibigyan ng mga reperensya.

Kapag natapos nang isulat ng mga estudyante ang kanilang mga sagot, hilingin sa ilan sa kanila na ibahagi ang isinulat nila, o anyayahan ang magkakapartner na magbahagi sa magkapartner na nakaupo malapit sa kanila. Tiyakin na nauunawaan ng mga estudyante na inililigtas tayo ni Jesucristo mula sa ating mga kasalanan kung magsisisi tayo at mula sa pisikal na kamatayan sa pamamagitan ng pagkabuhay na mag-uli ng lahat ng tao. Mapapanatag at masusuportahan din tayo ng Tagapagligtas sa mga paghihirap na kinakaharap natin.

  • Anong mga banal na kasulatan ang pinili mo?

  • Paano ka natutulungan ng mga banal na kasulatang ito na masagot ang mga tanong na “Bakit ko kailangan ng isang Tagapagligtas?”at “Mula saan Niya ako inililigtas?”

2:15

Why We Need a Savior

What would life be like without a Savior? There would be no joy, no forgiveness, no hope for the future. This Christmas, learn more about the hope, peace and happiness our Savior Jesus Christ can bring into our lives at christmas.mormon.org.

Nagpatotoo si Elder Christofferson tungkol sa ilan sa mga pagpapalang natatanggap natin sa pamamagitan ni Jesucristo:

Portrait of Elder D. Todd Christofferson. Photographed in March 2020.

Dahil sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo, maaari tayong makabangon mula sa mga maling pagpili. Dahil sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo, ang epekto sa atin ng mga kasalanan at pagkakamali ng iba, at ng lahat ng iba pang kawalan ng katarungan, ay iwinawasto. Para mapagaling, at mapabanal, kailangan natin ng isang Tagapagligtas.

(D. Todd Christofferson, “Bakit Natin Kailangan si Jesucristo,” Ensign, Dis. 2020, 22)

Sa Lucas 2:10 ipinahayag ng anghel, “Dala ko sa inyo ang magandang balita ng malaking kagalakan.”

Answer at least one of the following questions:

  • Paano ka nakahanap ng “malaking kagalakan” sa iyong Tagapagligtas na si Jesucristo?

  • Ano ang magagawa natin para mapaibayo natin ang ating kagalakan sa Tagapagligtas?

Anyayahan ang mga estudyante na handang patotohanan ang kagalakan ng pagtubos na nadarama nila dahil sa Tagapagligtas na si Jesucristo. Maaari ka ring magpatotoo.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Bakit nagpunta sina Maria at Jose sa Bethlehem para magpatala?

Si Augusto Cesar ay isang mahusay at masigasig na pinunong Romano na ang panunungkulan—mula 31 B.C. hanggang A.D. 14—ay kinakitaan ng kaayusan at pagsunod sa batas. Ang “pagtatala” na binanggit sa Lucas 2:2 ay talagang pagpapalista [o census] ng mga tao para sa pagbubuwis sa mga darating na araw, isang pagpapalista kung saan inaatasan ang nagbabayad ng buwis na personal na magsumite ng kinakailangang impormasyon. Dahil sina Jose at Maria ay kapwa mga inapo ni Haring David, kinailangan nilang maglakbay patungong Bethlehem, na bayang sinilangan ni Haring David. … Nagpatotoo ang mga sinaunang propeta na ang Mesiyas ay isisilang sa Bethlehem, sa lupain ng Jerusalem (tingnan sa Mikas 5:2 ; Alma 7:10).Ang Bethlehem ay tinatayang nasa 85–90 milya (137–145 kilometro) sa timog ng Nazaret, paglalakbay na aabutin ng mga apat hanggang limang araw na paglalakad, at marahil mas mahaba pa dahil sa kalagayan ni Maria.

(New Testament Student Manual [2014], 143)

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

“Isinilang ang Isang Tagapagligtas”

Maaari mong ipanood ang video na “Isinilang ang Isang Tagapagligtas—Pamaskong Video” (2:00), na nasa ChurchofJesusChrist.org. Anyayahan ang mga estudyante na pakinggan kung ano ang kahulugan ng Pagpapahayag ng pagsilang ng Tagapagligtas para sa buhay ng bawat isa sa atin, at pagkatapos ay anyayahan silang ibahagi ang natutuhan at nadama nila.

NaN:NaN

A Savior Is Born—Christmas Video

“O Magsaya”

Maaari ninyong kantahin ang himnong “O Magsaya” (Mga Himno, blg. 121). Maaari ding may matutuhan ang mga estudyante sa pagtalakay sa sumusunod na alituntunin: Dahil si Jesucristo ang aking Tagapagligtas, makadarama ako ng kagalakan. Maaaring pag-usapan ng mga estudyante kung paanong si Jesucristo ang pinagmumulan ng kagalakan at kung paano sila nakadarama ng kagalakan dahil Siya ang kanilang Tagapagligtas.

Lucas 2:10 . “Magandang balita ng malaking kagalakan”

Sa Lucas 2:10 ipinahayag ng anghel, “Dala ko sa inyo ang magandang balita ng malaking kagalakan.” Maaari mong i-cross reference ang banal na kasulatang ito sa pahayag ng isang anghel kay Haring Benjamin tungkol sa Tagapagligtas na nakatala sa Mosias 3:3–5 .