Mateo 2; Lucas 2
Buod
Sina Jose at Maria ay naglakbay patungong Bethlehem, kung saan isinilang si Jesus. Ibinalita ng isang anghel ang pagsilang ng Tagapagligtas sa mga pastol malapit sa Bethlehem (tingnan sa Lucas 2:9–12). “Natagpuan [ng mga pastol] sina Maria at Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban” (Lucas 2:16) at umalis silang “niluluwalhati at pinupuri ang Diyos” (Lucas 2:20). Sina Simeon, Ana, at ang mga Pantas na Lalake mula sa silangan ay inakay upang makita at magalak sa kanilang Tagapagligtas. Sa pamamagitan ng paghahayag, itinuro kay Jose kung paano ililigtas ang batang si Jesus mula sa utos ni Herodes na patayin ang mga bata sa Bethlehem.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Lucas 2:1–14
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na maunawaan ang ginagampanan ni Jesucristo bilang Tagapagligtas ng sanlibutan.
-
Bagay: Isang maliit na belen o isang larawan ng Pagsilang ni Cristo
-
Mga mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong sabihin sa mga estudyante na ibahagi sa chat ang isa sa mga banal na kasulatan na pinag-aralan nila bilang cross-reference para sa Lucas 2:10–12.
Doctrinal Mastery: Lucas 2:10–12
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na maisaulo ang reperensya at mahahalagang parirala sa banal na kasulatan para sa Lucas 2:10–12 , ipaliwanag ang doktrina, at magsanay sa paggamit ng mga alituntunin para sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na simulang isaulo ang reperensya at mahahalagang parirala sa banal na kasulatan para sa Lucas 2:10–12 : “Sapagkat ipinanganak sa inyo ngayon sa lunsod ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo, ang Panginoon.”
-
Content na dapat ipakita: Isang larawan ng pagsilang ng Tagapagligtas
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Isang kopya ng “Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol” at isang himno
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari kang gumamit ng mga breakout room upang igrupo ang mga estudyante habang tinatalakay nila ang isa o higit pa sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
Lucas 2:1–39; Mateo 2:1–12
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na hangaring maghangad at magalak sa sarili nilang patotoo tungkol kay Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipang mabuti ang mga tanong na ito: Sa iyong palagay, gaano katatag mong mapatototohanan si Jesucristo? Paano mo mapapalakas ang iyong patotoo tungkol sa Tagapagligtas?
Mateo 2:11–23
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na tukuyin ang ilang paraan kung paano maaaring makipag-ugnayan sa kanila ang Panginoon.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na bigyang-pansin kung paano sinusubukan ng Panginoon na makipag-ugnayan sa kanila, pati na sa pamamagitan ng paghahayag at inspirasyon mula sa Espiritu Santo. Hikayatin ang mga estudyante na isulat ang mga pakikipag-ugnayang ito.
Lucas 2:40–52
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na mapalakas ang kanilang hangaring maging katulad ni Jesucristo sa pamamagitan ng pagsisikap na magkaroon ng pag-unlad sa intelektuwal, pisikal, espirituwal, at pakikipagkapwa.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na suriin muli ang mga mithiing ginawa nila bilang bahagi ng programang Mga Bata at Kabataan. Sabihin sa kanila na pag-isipan kung paano nakatutulong sa kanila ang mga mithiing ito na maging higit na katulad ni Jesucristo. Kung maaari, sabihin sa kanila na magdala ng kopya ng Pansariling Pag-unlad: Gabay na Aklat para sa mga Kabataan sa klase.
-
Maghandang ipakita: Mga larawan ng Tagapagligtas noong Kanyang kabataan. Mga website na nagpapaliwanag sa programang Mga Bata at Kabataan.
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Isang kopya ng Pansariling Pag-unlad: Gabay na Aklat para sa mga Kabataan para sa mga estudyante na maaaring wala nito
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Upang matulungan ang mga estudyante na mag-isip ng mga ideya sa mga mithiin para sa programang Mga Bata at Kabataan, maaari mong i-share ang iyong screen upang ipakita ang content ng mga website na nakalista sa lesson.