Seminary
Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 3


Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 3

Hangarin na Mas Makaunawa sa Pamamagitan ng mga Itinalagang Sources na Ibinigay ng Diyos

Young man with brace on wrist, doing family history work on a laptop computer. (horiz)

Ang isa sa mga layunin ng doctrinal mastery ay tulungan kang matutuhan at maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maunawaan ang kahalagahan ng paghahangad ng katotohanan sa pamamagitan ng sources na buong pagmamahal na ibinigay ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin kung saan sila karaniwang naghahanap ng impormasyon kapag may mga tanong sila tungkol sa Diyos o sa Simbahan. Sabihin sa kanila na pagnilayan ang kahulugan ng pahayag na ito ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol: “Ang espirituwal na mga tanong ay nararapat sa espirituwal na mga sagot mula sa Diyos” (“Joseph Smith,” Ensign o Liahona, Nob. 2014, 28, 30).

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Saan ka naghahanap ng mga sagot?

Kung walang resources na magagamit sa klase para mahanap ang sumusunod na impormasyon, itanong sa mga estudyante kung saan nila malamang na hahanapin ang impormasyon. Maaari ding magpahanap na lang sa mga estudyante ng ibang impormasyon na mas may kaugnayan o mas nakakainteres sa kanila.

  • Ang lagay ng panahon sa katapusan ng linggo

  • Ang pangalan ng kabiserang lungsod ng Greenland

  • Isang recipe ng pasta o putaheng gawa sa kanin

Pag-isipan ang mga sumusunod na tanong.

  • Anong mga source ang ginamit mo (o karaniwang ginagamit mo) sa paghahanap ng impormasyon?

  • Bakit mo pinagkakatiwalaan ang mga source na ito para sa impormasyon tungkol sa ganitong mga uri ng mga tanong?

Saan tayo makahahanap ng mga sagot mula sa Diyos?

  • Saan mo imumungkahing hanapin ng mga tao ang mga sagot sa mahahalagang tanong tungkol sa Diyos, sa Simbahan, o sa plano ng kaligtasan?

Maaari mong isulat ang mga sagot ng mga estudyante sa pisara sa ilalim ng heading na “Sources na Itinalaga ng Diyos.” Maaari mong dagdagan ang listahang ito sa pag-usad ng lesson habang natututo ang mga estudyante tungkol sa mga karagdagang pinagmumulan ng katotohanan mula sa Diyos.

Mag-isip ng anumang tanong na mayroon ka tungkol sa Diyos, sa Simbahan, o sa plano ng kaligtasan. Maaari itong kabilangan ng impormasyon na nabasa o narinig mo na pinag-iisipan o di kaya’y pinagdududahan mo. Hingin ang paggabay ng Espiritu Santo sa pag-aaral ng mga alituntunin sa lesson na ito na makatutulong sa iyo.

Basahin ang mga sumusunod na scripture passage at alamin kung paano tayo mapagpapala ng mga pinagmumulan ng katotohanan na itinuturo ng mga passage na ito.

Maaaring magpartner-partner ang mga estudyante, at ang bawat isa sa kanila ay magbabasa ng dalawa sa mga sumusunod na scripture passage at magbabahagi ng nalaman nila sa kanilang kapartner.

Habang sinasagot ng mga estudyante ang mga sumusunod na tanong, maaari kang magdagdag sa listahan ng sources na itinalaga ng Diyos na nasa pisara.

  • Anong mga pinagmumulan ng katotohanan ang nahanap mo sa mga scripture passage na ito? Bakit lubos nating mapagkakatiwalaan ang sources na ito?

  • Kung naghahanap ang maraming tao ng impormasyon tungkol sa mga espirituwal na tanong, sa aling mga mapagkukunan ng impormasyon mo sila papaalalahanang mag-ingat? Bakit?

Paano kung hindi ako sigurado na mapagkakatiwalaan nga ang isang mapagkukunan ng impormasyon?

Maaari mong tanungin ang mga estudyante kung ano ang maipapayo nila sa isang taong gumagamit ng internet para maghanap ng mga sagot sa mahahalagang espirituwal na tanong. Batay sa kanilang mga sagot, tukuyin kung makatutulong bang ibahagi ang ilan sa o lahat ng impormasyon sa sumusunod na talata.

Isa sa mga pinakakaraniwang paraan ng paghahanap ng impormasyon ngayon ay ang paggamit ng internet. Sa pamamagitan ng internet, nagkakaroon tayo ng access sa maraming mahuhusay na mapagkukunan ng impormasyon. Kasabay nito, inilalantad din tayo ng internet sa maraming hindi mapagkakatiwalaan at hindi totoong mapagkukunan ng impormasyon. Nagbabala si Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Official portrait of Elder Neil L. Andersen of the Quorum of the Twelve Apostles, 2010, August.

Ang impormasyon sa internet ay walang filter ng “katotohanan.” Ang ilang impormasyon, kahit nakakakumbinsi ito, ay hindi totoo.

(Neil L. Andersen, “Joseph Smith,” Ensign o Liahona, Nob. 2014, 29)

Basahin ang talata 12 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document. Maaari mong markahan kung bakit mapanganib ang paghahanap ng mga sagot sa mga espirituwal na tanong mula sa hindi kilala o hindi mapagkakatiwalaang sources.

Sa tuwing may malalaman kang bagong impormasyon tungkol sa Diyos, sa Simbahan, o sa plano ng kaligtasan, makatutulong na itanong sa iyong sarili ang mga sumusunod tungkol sa pinagmumulan ng impormasyon. Habang binabasa mo ang mga tanong na ito, hanapin ang mga tanong na sa palagay mo ay lubos na makatutulong kapag nagpapasya ka kung magtitiwala ka o hindi sa isang source. (Maaari mo ring pag-aralan ang bawat isa sa mga kasamang reperensyang banal na kasulatan.)

Color Handouts IconIbigay sa mga estudyante ang mga sumusunod na tanong bilang handout. Hikayatin ang mga estudyante na ilagay ang handout na ito sa lugar kung saan madali nila itong makikita para magamit sa hinaharap.

Ilang Tanong para sa Pagsusuri ng Bagong Impormasyon

  • Ano ang naramdaman ko mula sa Espiritu Santo nang mabasa o marinig ko ang impormasyong ito? (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 50:23–24 .)

  • Mas inilalapit ba ako ng impormasyong ito kay Jesucristo at sa Kanyang Simbahan? (Tingnan sa Moroni 7:15–17 .)

  • Hinihikayat ba ako ng impormasyong ito na sumunod sa mga utos ng Diyos?

  • Tumutugma ba ito sa itinuturo ng mga banal na kasulatan at ng mga makabagong propeta? (Tingnan sa 2 Timoteo 3:15–17 ; Doktrina at mga Tipan 1:38 .)

  • Pinagtitibay ba nito ang katotohanang naramdaman kong totoo na sinabi sa akin ng Espiritu Santo, o hinihikayat ba ako nitong pagdudahan ang mga katotohanan ng ebanghelyo? (Tingnan sa Moroni 10:5 .)

  • Nagmumula ba ang impormasyon sa isang source na maituturing na mapagkakatiwalaan ng Tagapagligtas o ng mga lider ng Kanyang Simbahan?

  • Ano ang maaaring masabi ng aking mga magulang o mga lider ng Simbahan tungkol sa impormasyong ito? (Kung natutukso akong itago ito sa kanila, ano ang sinasabi niyon sa akin tungkol sa source nito?)

Evaluation questions for new information.
  • Sa palagay mo, alin sa mga tanong na ito ang lubos na makatutulong sa iyo? Bakit?

  • Sa palagay mo, ano pa ang dapat itanong ng isang tao tungkol sa impormasyong nalalaman niya?

Para sa sumusunod na aktibidad sa pagsasanay, maaaring gumawa ang mga estudyante nang mag-isa o sa maliliit na grupo. Pagkatapos ng sapat na oras, anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi sa klase hindi lang ang natutuhan nila kundi pati ang sunod-sunod na hakbang na ginawa nila para mahanap ang mapagkakatiwalaang impormasyon.

Pumili ng impormasyong narinig mo o tanong na mayroon ka tungkol sa Diyos, sa Simbahan, o sa plano ng kaligtasan. Pagkatapos, maglaan ng ilang minuto upang magsanay sa paghahanap ng mga sagot sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos. Bukod sa iba pang mga bagay, maaari kang

  • magdasal;

  • maghanap sa mga banal na kasulatan gamit ang Gabay sa mga Banal na Kasulatan o mga doctrinal mastery passage;

  • maghanap sa mga mensahe sa mga pangkalahatang kumperensya, sa page na Mga Paksa ng Ebanghelyo sa ChurchofJesusChrist.org, o sa Gospel Library app;

  • magbasa ng mga nauugnay na bahagi sa mga materyal ng Simbahan gaya ngPara sa Lakas ng mga Kabataan(booklet, 2011) o ng Mga Paksa ng Ebanghelyo, topics.ChurchofJesusChrist.org;

  • makipag-ugnayan sa isang taong kilala at pinagkakatiwalaan mo, gaya ng iyong magulang, bishop, lider ng mga kabataan sa iyong ward o branch, o seminary teacher, para matulungan kang makahanap ng mga sagot.

Maaaring sapat lang ang oras sa klase ng mga estudyante para masimulan ang kanilang pag-aaral. Kung gayon, hikayatin sila na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa labas ng klase.

  • Ano ang natutuhan mo sa lesson na ito na makatutulong sa iyo kapag may nalaman kang bagong impormasyon tungkol sa Diyos o sa Simbahan?

  • Sa palagay mo, bakit mahalaga sa Ama sa Langit at kay Jesucristo ang sources na hinahanapan mo ng mga sagot at impormasyon?

Maaari kang magpatotoo tungkol sa pagmamahal na ipinakikita ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sa pamamagitan ng pagbibigay sa atin ng sources na pinagmumulan ng katotohanan.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Ano ang dapat kong gawin kung hindi ako makahanap ng sagot sa isang tanong sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos?

Itinuro ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Official portrait of Elder Neil L. Andersen of the Quorum of the Twelve Apostles, 2010, August.

Hindi lahat ng sagot ay dumarating kaagad, ngunit karamihan sa mga tanong ay malulutas sa masigasig na pag-aaral at paghingi ng mga sagot sa Diyos. …

Ang pananampalataya ay hindi humihingi ng sagot sa bawat tanong ngunit naghahangad ng katiyakan at katapangan upang sumulong, at kung minsan ay tinatanggap na, “Hindi ko alam ang lahat, ngunit sapat ang nalalaman ko upang magpatuloy sa landas ng pagkadisipulo.”

Ang tulutang mapuno ng pagdududa ang sarili, at maudyukan ng mga sagot mula sa mga walang pananampalataya, ay nagpapahina ng pananampalataya kay Jesucristo at sa Pagpapanumbalik.

(Neil L. Andersen, “Ang Pananampalataya ay Hindi Matatamo Kung Wala Munang Pagpiling Gagawin,” Ensign o Liahona, Nob. 2015, 66)

Bakit ako dapat mag-ingat sa paghahanap ng mga sagot tungkol sa Simbahan mula sa mga taong tumiwalag dito?

Sinabi ni Elder Neal A. Maxwell (1926–2004) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Last official portrait of Elder Neal A. Maxwell, 1992.

Iginigiit ng ilan na pag-aralan ang Simbahan ayon sa pananaw ng mga tumiwalag dito—na parang kinakapanayam si Judas upang makilala si Jesus. Ang mga tumiwalag ay laging mas maraming sinasabi sa atin tungkol sa kanilang sarili kaysa sa tinalikuran nila.

(Neal A. Maxwell, “All Hell Is Moved” [Brigham Young University devotional, Nob. 8, 1977], 3, speeches.byu.edu)

9:16
3:3

Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Object lesson

Maaari mong ipakita ang pariralang “Katotohanan mula sa Diyos” sa isang panig ng silid at “Mga kasinungalingan mula kay Satanas” sa kabilang panig ng silid.

Sabihin sa mga estudyante na isipin kunwari na ang bawat mapagkukunan ng impormasyon sa mundo (kabilang na ang sources na itinalaga ng Diyos gayundin ang iba pang source tulad ng mga aklat, post sa social media, opinyon, pagsasaliksik, mga artikulo ng balita, at iba pa) ay kinakatawan ng agwat sa pagitan ng dalawang pariralang ito. Ipaliwanag na kung nagbibigay ng mas maraming katotohanan mula sa Diyos ang isang partikular na mapagkukunan ng impormasyon kumpara sa isa pang source, dapat itong ilagay nang mas malapit sa pariralang “Katotohanan mula sa Diyos” kaysa sa isa pang source. Itanong sa mga estudyante ang mga sumusunod:

  • Anong mga pinagmumulan ng katotohanan ang dapat ilagay nang pinakamalapit sa pariralang “Katotohanan mula sa Diyos”?

  • Aling mga source ang mas mahirap ilagay sa tabi ng isang parirala o sa isa pa dahil parehong naglalaman ng katotohanan at kamalian?