Seminary
Mateo 4; Lucas 4–5


Mateo 4; Lucas 4–5

Buod

Pagkatapos mabinyagan ng Tagapagligtas, nagpunta Siya sa ilang upang makasama ang Diyos (tingnan sa Pagsasalin ni Joseph Smith, Mateo 4:1 [sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia]). Tinukso Siya ni Satanas, ngunit napaglabanan Niya ang mga tukso. Nang mahimalang nakahuli sina Simon Pedro, Andres, Santiago, at Juan ng “napakaraming isda” matapos sabihin sa kanila ng Tagapagligtas na “ihulog ang [kanilang] mga lambat” (Lucas 5:4, 6), nahiwatigan nila ang maaari nilang magawa sa tulong ng Tagapagligtas. Pagkatapos ay pinili ng mga mangingisdang ito na iwan ang lahat upang sumunod kay Jesucristo. Nang gabi na, lumapit si Nicodemo, isang Fariseo at isang “pinuno ng mga Judio” (Juan 3:1), sa Tagapagligtas upang magtanong ng mahahalagang bagay tungkol sa kaligtasan.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Mateo 4:1–11, Bahagi 1

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na matukoy ang mga alituntunin na tutulong sa kanila na matularan ang halimbawa ng Tagapagligtas sa paglaban sa mga tukso ni Satanas.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga tuksong kinakaharap nila at kung paano sila matutulungan ng Tagapagligtas na mapaglabanan ang mga ito.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Kopyahin ang chart na nasa huling bahagi ng lesson sa isang word-processing document, i-share ang iyong screen para makita ito ng iyong mga estudyante, at pagkatapos ay magkakasama itong punan.

Mateo 4:1–11, Bahagi 2

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na matularan ang halimbawa ni Jesucristo at maalala ang mga katotohanan mula sa mga banal na kasulatan para matulungan silang mapaglabanan ang tukso sa kanilang buhay.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok na handang magbahagi ng isa hanggang dalawang scripture passage na sa tingin nila ay makatutulong sa kanila na mapaglabanan ang tukso. Kung wala silang mahanap, hikayatin silang magtanong sa mga magulang, iba pang kapamilya, o mga lider ng Simbahan.

  • Doctrinal Mastery app: Sabihin sa mga estudyanteng may access sa mobile app na ito na gamitin ito sa lesson.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Gamitin ang feature sa pakikipag-chat upang maibahagi ng mga estudyante ang mga banal na kasulatan na sa tingin nila ay makatutulong sa kanila na mapaglabanan ang tukso. Maaari mong i-save ang chat at ipadala ang kumpletong listahan ng mga banal na kasulatan sa mga estudyante kalaunan.

Lucas 5:1–11

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na magkaroon ng hangaring sumunod kay Jesucristo upang matulungan Niya sila na magawa ang higit pa sa magagawa nila nang wala Siya.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na magdasal upang malaman ang layunin ng Diyos para sa kanilang buhay. Ang patriarchal blessing ay maaaring basahin ng mga estudyanteng mayroon nito upang malaman kung ano ang inihayag ng Diyos tungkol sa mga layunin ng kanilang buhay. Ang iba ay maaaring makinabang sa pakikipag-usap sa kanilang mga magulang o sa paghahanap ng mga kabatiran sa mga banal na kasulatan.

  • Mga larawan: Maghandang magpakita ng mga larawan ng mga taong nakagawa ng mga dakilang bagay sa buhay dahil tinulungan sila ng Diyos na maunawaan ang kanilang layunin (halimbawa, sina Rebecca, Maria, o Joseph Smith).

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari kang magpakita ng isang larawan ng pagtawag ng Tagapagligtas kay Pedro bilang disipulo habang tinatalakay ang Lucas 5:1–11.

Juan 3:1–8

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na maunawaan at madama ang kahalagahan ng pagiging ipinanganak na muli “ng tubig at ng Espiritu” ( Juan 3:5) upang makapasok sa kaharian ng Diyos.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok na handang talakayin ang mga pagbabagong ginawa nila o ng ibang kakilala nila upang maging higit na katulad ni Jesucristo.

  • Video:A Change of Heart” (4:39; panoorin mula sa time code na 0:40 hanggang 4:09), o isang alternatibong video o kuwento na naglalarawan kung paano tayo matutulungan ng Tagapagligtas na magbago kapag tinanggap natin ang mga ordenansa ng binyag at kumpirmasyon

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na magsama ng isang kapamilya o kaibigan na nabago ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagtanggap ng binyag at kumpirmasyon. Kung hindi makakadalo ang taong pinili nila, maaaring magpakita ang mga estudyante ng larawan ng taong iyon at isalaysay ang kanyang kuwento.

Doctrinal Mastery: Juan 3:5

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng pagkakataon na magsanay sa pagsasabuhay ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman gamit ang doktrina na dapat tayong maipanganak ng tubig at ng Espiritu upang makapasok sa kaharian ng Diyos.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok na handang ibahagi ang ituturo nila sa klase sa Primary tungkol sa Juan 3:5 .

  • Mga materyal: Mga materyal sa pagsusulat para sa aktibidad sa pagsasaulo (kung posible) o isang electronic device na may Doctrinal Mastery app