Doctrinal Mastery: Juan 3:5
Ipanganak ng Tubig at ng Espiritu upang Makapasok sa Kaharian ng Diyos
Sa nakaraang lesson, pinag-aralan mo ang mga salita ng Tagapagligtas kay Nicodemo tungkol sa espirituwal na pagsilang na muli sa pamamagitan ng mga ordenansa ng binyag at kumpirmasyon. Sa lesson na ito, maaari kang magsanay na ipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman gamit ang doktrina na dapat tayong ipanganak ng tubig at ng Espiritu upang makapasok sa kaharian ng Diyos.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Isaulo at ipaliwanag
Kunwari ay hinilingan kang magturo sa isang klase sa Primary tungkol sa katotohanang ito na itinuro sa Juan 3:5 : dapat tayong ipanganak ng tubig at ng Espiritu upang makapasok sa Kaharian ng Diyos.
-
Paano mo ipaliliwanag sa klase sa Primary kung ano ang ibig sabihin ng doktrinang ito? Isama ang mga saloobin tungkol sa ginagampanan ng Tagapagligtas sa prosesong ito, tulad ng itinuro sa Alma 7:14 .
Ang sumusunod na pagsasanay ay makatutulong sa iyo na maalala ang doctrinal mastery passage at maisaulo ang mahalagang parirala sa banal na kasulatan nito. May katulad na aktibidad sa Doctrinal Mastery app na maaari mong gawin kung may access ka rito. Gamit ang lapis, isulat sa iyong study journal, “ Juan 3:5 : Malibang ang isang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos.” Sabihin ang parirala nang malakas o sa iyong isipan nang ilang beses.Pumili ng tatlo o apat na salita at burahin ang lahat maliban sa unang letra ng bawat isa sa mga salitang ito. Sabihing muli ang parirala nang ilang beses.Ulitin ang pagsasanay na ito hanggang sa mga unang letra na lang ng bawat salita ang matira, gaya ng ipinapakita rito: “J____ 3:_M_____ a__ i____ t___ i_____ n_ t____ a_ n_ E_____, h____ s____ m____ s__ k______ n_ D___.”Sabihin ang parirala nang ilang beses gamit ang mga unang letra, at pagkatapos ay subukang bigkasin ito nang hindi tumitingin.
Pagpapamuhay
Ipagpalagay na may kaibigan kang nagngangalang Meghan na miyembro ng Simbahan, ngunit ang kanyang ina ay hindi. Ang kanyang ina ay naniniwala kay Jesucristo at sa Biblia ngunit hindi kasapi ng anumang partikular na simbahan. Tinanong ka ni Meghan, “Hindi ba makakapunta sa langit ang nanay ko nang hindi nabibinyagan kahit namumuhay siya nang mabuti?”
-
Ano kaya ang ilang dahilan kung bakit itatanong ito ni Meghan?
-
Bakit mahalagang maunawaan ang mga dahilan niya sa pagtatanong nito bago subukang tulungan siyang makahanap ng mga sagot?
Upang matulungan si Meghan na makahanap ng sagot sa kanyang tanong tungkol sa kahalagahan ng binyag, maiaangkop mo ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
Kumilos nang may pananampalataya
Basahin ang talata 5–7 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document (2022). Maaari mong salungguhitan ang mga salita o parirala na makatutulong na maiangkop sa sitwasyong ito.
-
Anong mga salita o parirala ang sinalungguhitan mo? Paano mo maiaangkop ang mga ito sa sitwasyong ito?
Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw
Basahin ang talata 8–10 sa parehong bahagi ng Doctrinal Mastery Core Document. Maaari mong salungguhitan ang mga salita o parirala na makatutulong na maiangkop sa sitwasyong ito.
-
Anong mga salita o parirala ang sinalungguhitan mo? Paano mo maiaangkop ang mga ito sa sitwasyong ito?
Hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ng mga itinalagang sources na ibinigay ng Diyos
Basahin ang talata 11–12 sa parehong bahagi ng Doctrinal Mastery Core Document. Maaari mong salungguhitan ang mga salita o parirala na makatutulong na maiangkop sa sitwasyong ito.
-
Anong mga salita o parirala ang sinalungguhitan mo? Paano mo maiaangkop ang mga ito sa sitwasyong ito?