Seminary
Mateo 4:1–11, Bahagi 2


Mateo 4:1–11, Bahagi 2

Pagtulad sa Halimbawa ng Tagapagligtas sa Paglaban sa Tukso

Jesus is tempted by the devil to change rocks into bread - ch.11-2

Sa lesson na ito, maaari mong patuloy na pag-aralan kung paano napaglabanan ng Tagapagligtas ang mga tukso. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na matularan ang Kanyang halimbawa at maalala ang mga katotohanan mula sa mga banal na kasulatan para matulungan kang mapaglabanan ang tukso sa iyong buhay.

Paggamit ng Gospel Library app. Maging pamilyar sa mga feature na kasama sa Gospel Library app upang mapagbuti ang pag-aaral ng banal na kasulatan, tulad ng pag-highlight, pag-link, pag-tag, pagbabahagi, paghahanap, at paggamit ng mga notebook. Ang paggawa nito ay makatutulong sa iyo na maghanda para sa mga lesson at malaman kung paano tutulungan ang mga estudyante na gamitin ang app.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok na handang magbahagi ng isa hanggang dalawang scripture passage na sa tingin nila ay makatutulong sa kanila na mapaglabanan ang tukso. Kung wala silang mahanap, hikayatin silang magtanong sa mga magulang, iba pang kapamilya, o mga lider ng Simbahan.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Paglaban sa tukso

Kung ang unang lesson para sa Mateo 4:1–11 ay hindi itinuro bago ang lesson na ito, maaari mo itong balikan at i-adjust ang lesson na ito kung kinakailangan.

May alternatibong aktibidad para simulan ang klase na matatagpuan sa bahaging “Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral” ng lesson na ito.

Kapag tinatalakay ang sumusunod na sitwasyon, hikayatin ang mga estudyante na huwag ibahagi sa kanilang mga kaklase ang mga detalye tungkol sa mga partikular na tuksong kinakaharap nila.

Kunwari ay nagtapat sa iyo ang kaibigan mong si Jacob na nahihirapan siyang mapaglabanan ang tukso. Ipinaliwanag niya na talagang gusto niyang mapaglabanan ito pero nahihirapan siyang malaman kung ano ang gagawin kapag dumarating ang tukso.

  • Ano ang ibabahagi mo sa kanya, at bakit?

Alalahanin ang karanasan ng Tagapagligtas na nakatala sa Mateo 4:1–11 , nang harapin at napaglabanan ng Tagapagligtas ang mga tukso ni Satanas. Ang isa sa mga paraan kung paano Niya nagawa ito ay sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng alituntuning ito: ang pag-alaala at pagsasabuhay ng mga katotohanan mula sa mga banal na kasulatan ay makatutulong sa ating humugot ng lakas sa Panginoon upang mapaglabanan ang tukso.Pag-aralan ang Mateo 4:1–11 . Tumuon sa talata 4, 7, at 10 , at alamin kung paano ipinamuhay ng Tagapagligtas ang alituntuning ito. Pansinin na nang sabihin ni Jesus na, “Nasusulat din naman,” ang tinutukoy Niya ay ang mga salitang nakasulat sa mga banal na kasulatan.

  • Paano nauugnay ang mga scripture passage na binanggit ng Tagapagligtas sa mga tuksong napaglabanan Niya?

Maglaan ng ilang minuto para maisulat ang iyong mga naiisip tungkol sa kung bakit kailangan mo ng tulong upang mapaglabanan ang tukso. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong:

Maaaring makinabang ang mga estudyante sa pagsagot sa mga sumusunod na tanong sa kanilang study journal bago magbahagi sa klase.

  • Gaano ka kadalas bumaling sa Panginoon sa pamamagitan ng mga banal na kasulatan upang matulungan kang mapaglabanan ang tukso? Bakit?

  • Ano ang mga naging karanasan mo sa pagbaling sa Panginoon sa pamamagitan ng mga banal na kasulatan upang matulungan kang mapaglabanan ang tukso?

Maaaring ipagawa ang sumusunod na pagsasanay sa buong klase, sa magkakapartner, o sa maliliit na grupo at ilista sa pisara ang mga sagot ng mga estudyante. Kung ang bahagi 1 ng lesson na Mateo 4:1–11 ay naituro na, maaari mong sabihin sa mga estudyante na gamitin ang kanilang study journal upang alalahanin ang mga tuksong tinukoy nila sa lesson na iyon.Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan at banggitin ang mga scripture passage na natagpuan nila sa paghahanda para sa klase.

  1. Tukuyin at ilista ang ilang tuksong karaniwang kinakaharap ng mga kabataang kaedad mo.

  2. Tukuyin at ilista ang mga scripture passage na makatutulong sa paglaban sa bawat isa sa mga tuksong ito, at magsama ng maikling paliwanag kung paano makatutulong ang bawat scripture passage.

Halimbawa, maaari mong makita na ang mga salita ng Tagapagligtas sa 3 Nephi 18:15 ay makatutulong sa iyo na maunawaan na kailangan mong laging maging alisto at masigasig na manalangin habang pinagsisikapan mong mapaglabanan ang tukso.Kung nahihirapan kang makahanap ng mga banal na kasulatan na makatutulong sa iyo, maaari mong saliksikin ang mga doctrinal mastery passage, o ang mga reperensya sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan sa mga paksang “ Tukso, Panunukso ,” “ Makapagtiis ,” o iba pang paksang nauugnay sa tukso o isang partikular na tukso.

Kung gumagamit ang mga estudyante ng mga electronic scripture, gamitin ang mga sumusunod upang matulungan silang maunawaan kung paano gumawa ng mga tag.

Maaari mong lagyan ng kakaibang marka ang mga scripture passage na ito at ilista ang mga ito sa iyong mga banal na kasulatan o study journal kung saan madali mong mahahanap ang mga ito. Kung gumagamit ka ng mga electronic scripture, maaari kang gumawa ng isang tag at maaari mong idagdag ang mga scripture passage dito. Kung kailangan mong matutuhan kung paano ito gawin, pumunta sa Gospel Library User Guide (Android) o Gospel Library User Guide (iOS) sa ChurchofJesusChrist.org. Piliin ang Marking content sa ilalim ng heading na “Learning More.”

Ipakita ang mga sumusunod na aktibidad at tagubilin upang malaman ng mga estudyante kung aling opsiyon ang pinakamainam na makatutugon sa kanilang mga pangangailangan.

May iba’t ibang paraan kung paano mo matutularan ang halimbawa ng Tagapagligtas at kung paano ka makatatanggap ng lakas mula sa mga banal na kasulatan.Piliing gawin ang aktibidad A o B na makatutulong sa iyo na matularan ang halimbawa ng Tagapagligtas sa paglaban sa tukso. Humingi ng inspirasyon mula sa Espiritu Santo habang nagpapasya ka kung aling aktibidad ang lubos na makatutulong sa iyo.

Aktibidad A: Magsaulo

Pumili ng isang reperensyang banal na kasulatan mula sa mga tinukoy mo, at isaulo ang isang mahalagang parirala mula rito o ang buong scripture passage. Narito ang ilang paraan na maaaring makatulong sa iyo:

  • Basahin ito nang ilang beses sa iyong sarili, at unti-unting alisin ang tingin sa banal na kasulatan sa bawat pagkakataon.

  • Isulat ang scripture passage o parirala. Burahin o i-cross out ang mga salita habang isinasaulo mo ang mga ito, at ulitin hanggang sa mabura o ma-cross out ang lahat ng salita at kaya mo nang ulitin ang scripture passage o parirala nang walang kopya.

  • I-import ang banal na kasulatan sa Doctrinal Mastery app, at gamitin ang mga tool sa pagsasaulo sa app.

Aktibidad B: Magnilay at magsulat

Pag-isipang mabuti kung paano makatutulong ang regular na pag-aaral ng banal na kasulatan upang mapaglabanan mo ang tukso sa iyong buhay o kung anong mga pagbabago ang magagawa mo upang madagdagan ang mga pagpapalang matatamo mo sa pamamagitan ng ibayong pagsisikap na regular na pag-aralan ang mga banal na kasulatan.Magsulat ng isang social media o blog post na makatutulong sa iba na mas hangaring pag-aralan ang mga banal na kasulatan. Magsulat sa paraang makatutulong sa kanila na hangarin ang kapangyarihan ng Panginoon upang tulungan silang mapaglabanan ang tukso. Magsama ng kahit isang reperensyang banal na kasulatan na natukoy mo ngayon. Maaari ka ring magbahagi ng naging karanasan mo sa mga banal na kasulatan na nakadagdag sa kakayahan mong mapaglabanan ang tukso, nang hindi nagbabahagi ng anumang detalye tungkol sa tukso.

Pagkatapos ng sapat na oras, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang mga resulta ng kanilang aktibidad. Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na sagutin ang mga sumusunod na tanong sa kanilang study journal.

Personal na pagninilay

Bilang pagtatapos, pagnilayan ang natutuhan mo ngayon, at pag-isipan ang iyong mga sagot sa mga sumusunod na tanong:

  • Paano makatutulong sa iyo ang pagpapatuloy sa ginawa mo ngayon (pag-aaral, pagsasaulo, at pag-alaala sa mga banal na kasulatan) na maging higit na katulad ni Jesucristo?

  • Ano sa palagay mo ang kailangan mong simulang gawin, itigil na gawin, o patuloy na gawin?

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Paano ako matutulungan ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan?

Ipinaliwanag ni Pangulong Russell M. Nelson kung paano tayo mabibigyan ng regular na pag-aaral ng Aklat ni Mormon ng lakas na mapaglabanan ang tukso:

Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

Mahal kong mga kapatid, ipinangangako ko na sa mapanalanging pag-aaral ng Aklat ni Mormon araw-araw, makagagawa kayo ng mas maiinam na desisyon—sa araw-araw. Ipinangangako ko na habang pinagninilayan ninyo ang inyong pinag-aaralan, ang mga durungawan ng langit ay mabubuksan, at tatanggap kayo ng mga sagot sa inyong sariling mga tanong at patnubay sa inyong buhay. Ipinangangako ko na sa araw-araw ninyong dibdibang pag-aaral ng Aklat ni Mormon, mapoprotektahan kayo laban sa mga kasamaan ngayon, pati na sa laganap na salot ng pornograpiya at ng iba pang nakamamanhid na mga adiksyon.

Russell M. Nelson, “Ang Aklat ni Mormon: Ano Kaya ang Buhay Ninyo Kung Wala Ito?,” Ensign o Liahona, Nob. 2017, 62–63)

Paano ako matutulungan ng pagsasaulo ng mga banal na kasulatan?

Itinuro ni Elder Richard G. Scott (1928–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Final official portrait of Elder Richard G. Scott of the Quorum of the Twelve Apostles, 2004. Passed away 22 September 2015.

Maging matalino sa paggamit ng teknolohiya. Markahan ang mahahalagang talata sa inyong device at sumangguni sa mga ito nang madalas. Kung pag-aaralan ninyong mga kabataan ang isang talata sa banal na kasulatan nang kasindalas ng pagte-text ng ilan sa inyo, di-magtatagal at daan-daang talata ang maisasaulo ninyo. Ang mga talatang iyon ay mapapatunayang mabisang pagkunan ng inspirasyon at patnubay ng Espiritu Santo sa oras ng pangangailangan.

(Richard G. Scott, “Para sa Kapayapaan sa Tahanan,” Ensign o Liahona, Mayo 2013, 30)

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Ang mga banal na kasulatan ay maaaring maging katulad ng mabubuting kaibigan

Bilang alternatibong paraan upang simulan ang lesson, maaari mong gamitin ang pahayag na ito upang matulungan ang mga estudyante na makita kung paano natutulad sa pagkakaroon ng mabubuting kaibigan ang pagsasaulo at pag-alaala sa mga banal na kasulatan.Sinabi ni Elder Richard G. Scott (1928–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol na:

Final official portrait of Elder Richard G. Scott of the Quorum of the Twelve Apostles, 2004. Passed away 22 September 2015.

“Magiging tapat na kaibigan ang mga [banal na kasulatan] na magagamit natin saanman at kailanman. Laging nariyan ang mga ito kapag kinakailangan. … Ang pagkatuto, pagninilay, pagsasaliksik, at pagsasaulo ng mga banal na kasulatan ay gaya ng pagpuno sa isang filing cabinet ng mga kaibigan, pinahahalagahan, at katotohanan na magagamit sa lahat ng oras at saan mang lugar sa mundo.”

(Richard G. Scott, “Ang Bisa ng Banal na Kasulatan,” Ensign o Liahona, Nob. 2011, 6)

Ang pag-aayuno ay makatutulong sa atin na mapaglabanan ang tukso

Kung makatutulong ito sa mga estudyante, ang maaaring maging alternatibong pagtutuunan sa lesson ay ang bisa ng pag-aayuno na matulungan tayong mapaglabanan ang tukso. Maaaring gamitin ang sumusunod na resources:

  • Isaias 58:6–7

  • Carl B. Pratt, “Ang mga Pagpapala ng Wastong Pag-aayuno,” Ensign o Liahona, Nob. 2004, 47–49

“Magbulaysaulo”

Sabihin sa mga estudyante na panoorin ang “Ang Aking Puso ay Patuloy na Pinagbubulayan ang mga Ito” mula sa time code na 1:18 hanggang 2:54. Ang video na ito ay mapapanood sa ChurchofJesusChrist.org. Gamitin ang mga ideyang iminungkahi ni Brother Durrant upang matulungan ang mga estudyante na maipamuhay ang katotohanan na ang pag-alaala at pagsasabuhay ng mga katotohanan mula sa mga banal na kasulatan ay makatutulong sa ating humugot ng lakas sa Panginoon upang mapaglabanan ang tukso.Kung makatutulong ito sa mga estudyante, ibahagi ang ilan sa mga halimbawang ibinigay ni Brother Durrant kalaunan sa kanyang mensahe.

10:10