Juan 2–4
Buod
Mahimalang ginawang alak ni Jesucristo ang tubig sa isang kasalan. Tinuruan Niya ang isang pinunong Judio na nagngangalang Nicodemo tungkol sa pagiging ipinanganak na muli at tungkol sa pagmamahal na ipinakita ng Ama sa Langit sa pamamagitan ng pagsusugo sa Kanyang Anak upang magbayad-sala para sa ating mga kasalanan. Pagkatapos ay tinuruan ni Jesus ang isang babaeng Samaritana tungkol sa tubig na buhay na ibinibigay Niya sa mga naniniwala sa Kanya.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Juan 2
Layunin ng lesson:Ang lesson na ito ay naglalayong matulungan ang mga estudyante na mapalakas ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo at matukoy ang mga katotohanan tungkol sa kapangyarihan at katangian ng Tagapagligtas.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin na hiniling sa kanila na magbigay ng mensahe sa sacrament meeting tungkol sa kapangyarihan ni Jesucristo. Sabihin sa kanila na pumasok sa klase na handang magbahagi ng isa o dalawang salaysay sa banal na kasulatan na magagamit nila upang mailarawan ang Kanyang kapangyarihan.
-
Bagay: Maaari kang magdala ng pagkain sa klase upang magamit sa simula ng lesson.
-
Mungkahi sa pag-aangkop sa online content: Pagkatapos mapag-aralan ng mga estudyante ang tungkol sa ginawang alak ni Jesus ang tubig, maaari mong isama ang mga ideyang matatagpuan sa bahaging “Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral” ng lesson sa bahaging pinamagatang “Mababago ako ni Jesucristo.” Ang mga ideyang ito ay makatutulong sa mga estudyante na makitang mababago ni Jesucristo ang ating mga buhay at pag-uugali tulad sa tubig na ginawa Niyang alak.
Juan 3:14–17
Layunin ng lesson:Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng mga pagkakataong mapalakas ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo habang mas marami pa silang natututuhan tungkol sa Kanyang Pagbabayad-sala.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng scripture passage o pahayag mula sa pangkalahatang kumperensya na nagtuturo sa kanila ng makabuluhang bagay tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo.
-
Larawan: “Nananalangin si Jesus sa Getsemani (Si Cristo sa Getsemani)”
-
Larawan: “Ang Pagpapako sa Krus”
-
Handout: “Ang Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas”
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaaring ilagay ang mga estudyante sa mga breakout room para maibahagi at matalakay nila sa maliliit na grupo ang huling tanong sa handout.
Doctrinal Mastery: Juan 3:16
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng pagkakataong madagdagan ang kanilang kaalaman sa doktrina ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo sa pamamagitan ng pagsasaulo sa reperensyang Juan 3:16 at sa mahalagang parirala nito, pagpapaliwanag ng doktrina ng banal na kasulatan, at paggamit ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang totoong sitwasyon sa buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung paano nila ituturo sa isang tao ang tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala kung sila ay mga full-time missionary.
-
Aktibidad sa pagrerebyu: Tiyaking ipapagawa ang aktibidad sa pagrerebyu sa katapusan ng susunod na lesson na ituturo pagkatapos nito.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Sabihin sa mga estudyante na gamitin ang chat feature para mag-post ng mga reperensyang banal na kasulatan o pahayag mula sa mga lider ng Simbahan na nahanap nila na makatutulong para sa ibinigay na sitwasyon. Bigyan ang mga estudyante ng ilang minuto upang mabasa ang ilan sa mga reperensya o pahayag na naka-post sa chat, at pagkatapos ay anyayahan silang magbigay ng komento tungkol sa anumang bagay na tila pinakamahalaga para sa kanila.
Juan 4, Bahagi 1
Layunin ng lesson:Ang lesson na ito ay naglalayong matulungan ang mga estudyante na maunawaan na kailangan nila ang Tagapagligtas at maramdaman ang Kanyang pagmamahal para sa kanila.
-
Paghahanda ng estudyante: Ipagawa sa mga estudyante ang aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya para sa Juan 2–4 na nag-aanyaya sa kanilang maghanap ng mga bagay na karaniwang nasa kanilang tahanan na maaaring magamit sa pagtuturo ng mga espirituwal na katotohanan. Sabihin sa mga estudyante na dalhin sa klase ang mga bagay na nahanap nila, kung posible, at maghandang ipaliwanag ang mga espirituwal na katotohanang maaaring ituro gamit ang mga ito.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong sabihin sa mga estudyante na maghanap ng mga bagay sa kanilang mga tahanan na maaaring magamit sa pagtuturo ng isang espirituwal na katotohanan.
Juan 4, Bahagi 2
Layunin ng lesson:Ang lesson na ito ay naglalayong matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan pa ang tungkol sa tubig na buhay na ibinibigay ng Tagapagligtas: kung ano ito, bakit nila ito kailangan, at paano nila ito matatanggap.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na ikumpara ang mga pagkakataong pakiramdam nila ay wala silang espirituwal na lakas at ang mga pagkakataong mayroon sila nito. Ano ang ipinagkaiba?
-
Handout: “Tubig na Buhay”
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong ibigay sa mga estudyante ang mga tagubilin para sa paggawa ng mensahe bago ang klase at anyayahan ang ilang nagboluntaryo na ibahagi ang kanilang mga mensahe sa simula ng lesson.