Seminary
Doctrinal Mastery: Juan 3:16


Doctrinal Mastery: Juan 3:16

Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo

Jesus Christ kneeling as He prays and atones in the Garden of Gethsemane. Christ is depicted wearing red and blue robes. He has His hands clasped and is resting them on a large rock. A small stream of light coming through the darkened and cloudy background shines on the face of Christ. Light emanates around Christ’s head.

Sa nakaraang lesson, natutuhan mo ang tungkol sa matinding pagmamahal na ipinakita sa atin ng Ama sa Langit kaya isinugo Niya ang Kanyang Anak upang maging ating Tagapagligtas at Manunubos. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng pagkakataong madagdagan ang iyong kaalaman sa doktrinang ito sa pamamagitan ng pagsasaulo ng reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan, pagpapaliwanag ng doktrina, at paggamit ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang totoong sitwasyon sa buhay.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung paano nila ituturo sa isang tao ang tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala kung sila ay mga full-time missionary.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang lesson na ito ay ituturo pagkatapos ng kontekstuwal na lesson para sa doctrinal mastery passage na ito (“Juan 3:14–17”). Kung kailangang ilipat ang doctrinal mastery lesson na ito sa ibang linggo upang maiakma sa mga iskedyul ng paaralan, tiyaking ituro ang lesson na “Juan 3:14–17” para sa scripture passage na ito sa linggo ring iyon.

Isaulo at ipaliwanag

Bago magklase, isulat sa pisara ang mga salita ng mahalagang parirala para sa Juan 3:16 nang hindi ayon sa pagkakasunud-sunod nito, katulad ng sumusunod na bersiyon. Ipaayos sa mga estudyante ang talata sa kanilang study journal, o sabihin sa isang boluntaryo na pumunta sa pisara at isulat ang mga salita sa tamang pagkakasunud-sunod ng mga ito kasama ang tamang reperensyang banal na kasulatan. Kung kinakailangan, anyayahan ang iba pang mga estudyante sa klase na tumulong.

Ang sumusunod ay isang bersiyon ng reperensyang banal na kasulatan at mahalagang parirala para sa Juan 3:16 na hindi nakaayos ayon sa pagkakasunud-sunod nito. Ayusin ang mga salita na isinusulat ang wastong reperensyang banal na kasulatan at mahalagang parirala nito sa iyong study journal.

Diyos Anak ibinigay pag-ibig ang tanging 16 Sapagkat na kanyang Juan niya sanlibutan gayon 3 na lamang ng sa ang

Pagkatapos mong ayusin ang parirala, maglaan ng ilang sandali upang maisaulo ang reperensyang banal na kasulatan at mahalagang parirala nito.

Bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na ipaliwanag ang doktrinang itinuturo sa doctrinal mastery passage. Ang sumusunod ay isang halimbawa kung paano ito gagawin.

Isipin sandali na isa kang full-time missionary. Inanyayahan kang pumunta sa tahanan ng mabait na mag-asawang hindi pa kailanman narinig ang tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Gamit ang natutuhan mo sa nakaraang lesson tungkol sa pagmamahal ng Diyos kaya isinugo Niya ang Kanyang Anak, ano ang ibabahagi mo sa mag-asawang ito?

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na isadula ang sitwasyong ito nang magkakapartner, o anyayahan ang ilang estudyante na isadula ito sa harap ng klase.

Pagsasabuhay

Rebyuhin sandali ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman gamit ang sumusunod na aktibidad.

Maaari mong isulat ang mga pahayag na ito sa pisara at palapitin dito ang mga estudyante at ipasulat ang mga nawawalang salita.

Punan ang mga patlang ng bawat isa sa mga sumusunod na parirala.

Kumilos nang may p____.

Suriin ang mga konsepto at t________ nang may w______ p__________.

Hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ng mga i________ sources na ibinigay ng D_______.

Para sa bawat isa sa mga alituntuning ito, anyayahan ang isang nagboluntaryo na magbigay ng 30 segundong paliwanag tungkol sa kahulugan ng alituntunin.

Pag-isipan ang sumusunod na sitwasyon.

Matapos gabihin si Sarai sa pag-uwi nang dalawang magkasunod na araw, pinagalitan siya ng kanyang mga magulang. Alam niya na mahihirapan siyang maibalik ang pagtitiwala ng mga magulang niya sa kanya. Alam din niya na nakagawa siya ng ilang desisyon na, kung malalaman ng kanyang mga magulang ang tungkol dito, ay lalong hindi siya pagkakatiwalaan ng kanyang mga magulang. Nakokonsensya si Sarai, ngunit tila mas madaling balewalain ang mga problemang ito sa ngayon. Bukod pa rito, mas nahihirapan na siyang gumawa at makaramdam ng mga espirituwal na bagay, na nagiging dahilan upang maisip niyang hindi totoo ang Ama sa Langit o na tinalikuran na siya ng Ama dahil sa mga pinili niyang gawin. Sa puntong ito, hindi na alam ni Sarai kung ano ang gagawin o kung kanino lalapit.”

  • Bakit nagiging mahirap ang sitwasyong ito para kay Sarai?

  • Kung ikaw ang nasa katayuan ni Sarai, ano ang ilan sa magiging pinakamalalaking tanong o alalahanin mo?

Isipin kung paano makatutulong kay Sarai ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang matugunan ang kanyang sitwasyon. Kung kinakailangan, rebyuhin nang ilang sandali ang talata 5–12 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022) upang mas matuto pa tungkol sa mga alituntuning ito.

Kumilos nang may pananampalataya

Magpasiya kung pinakamainam na ipagawa sa mga estudyante ang mga sumusunod na aktibidad nang may kapartner, sa maliliit na grupo, o bilang buong klase.

  • Ano ang maaaring gawin ni Sarai upang makakilos nang may pananampalataya sa sitwasyong ito?

  • Ano ang sasabihin mo upang matulungan siya kung pakiramdam niya ay napakahirap kumilos nang may pananampalataya?

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

Nadarama na ni Sarai na naaapektuhan ang ugnayan niya sa kanyang mga magulang at sa Diyos dahil sa mga desisyong ginagawa niya. Naisip niya na maaaring mas lumala pa ang sitwasyon kung magtatapat siya sa kanyang mga magulang at sa Diyos.

  • Sa paanong paraan hindi angkop o kulang ang pananaw ni Sarai?

  • Ano ang nalalaman mo tungkol sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, o sa plano ng kaligtasan na maaaring makatulong kay Sarai na isaisip?

  • Kung ikaw ang nanay o tatay ni Sarai, ano sa palagay mo ang mararamdaman mo sa kanya? Ano ang gusto mong maunawaan ng iyong namomroblemang anak tungkol sa nararamdaman mo?

Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng mga itinalagang sources na ibinigay ng Diyos

Maglaan ng ilang minuto upang maghanap ng mga scripture passage o pahayag mula sa mga lider ng Simbahan na maaaring makatulong kay Sarai. Kung kinakailangan, maaari kang gumamit ng resources na tulad ng Gabay sa mga Banal na Kasulatan o Mga Paksa ng Ebanghelyo upang matulungan ka (tingnan sa ChurchofJesusChrist.org). Maaari ding makatulong na gamitin ang ilan sa mga banal na kasulatang napag-aralan mo sa nakaraang lesson, tulad ng Juan 3:14–17 o Doktrina at mga Tipan 18:10–11 .

Kung kinakailangan, tulungan ang mga estudyante na malaman kung saan nila mahahanap ang mga banal na kasulatan na nauugnay sa sitwasyong ito. Maaaring makatulong na ipakita ang listahan ng mga scripture passage mula sa handout ng nakaraang lesson.

Kapag tapos na ang mga estudyante, mag-anyaya ng mga boluntaryong gustong magbahagi ng nahanap nila. Maaari kang gumamit ng mga tanong na tulad ng mga sumusunod upang mas mapaganda ang talakayan ng klase.

  • Ano ang natutuhan mo tungkol kay Jesucristo mula sa iyong pag-aaral na makatutulong kay Sarai?

  • Aling mga partikular na parirala mula sa iyong pag-aaral, kahit dalawa lang, ang makatutulong kay Sarai? Bakit?

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang natutuhan nila sa lesson na ito na makatutulong sa kanilang personal na buhay. Patotohanan ang mga katotohanang tinalakay.

Pagrerebyu

Ang sumusunod na aktibidad sa pagrerebyu ay dapat gamitin sa susunod na lesson.

Ang mahalagang parirala para sa Juan 3:16 ay “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak.”Tulungan ang mga estudyante na rebyuhin ang reperensyang banal na kasulatan na ito at ang mahalagang parirala nito sa pamamagitan ng pag-anyaya sa buong klase na sabay-sabay na bigkasin ang dalawang ito. Pagkatapos itong gawin nang ilang beses, maaari ding bigkasin ng mga estudyante ang reperensyang banal na kasulatan at mahalagang parirala nito para sa iba pang doctrinal mastery passage na napag-aralan na nila.