Seminary
Mateo 3; Marcos 1; Lucas 3


Mateo 3; Marcos 1; Lucas 3

Buod

Bago sinimulan ni Jesucristo ang Kanyang ministeryo sa publiko, sinikap ni Juan na Tagapagbautismo na ihanda ang iba na tanggapin at sundin ang Tagapagligtas. Inanyayahan sila ni Juan na magsisi at magpabinyag. Si Jesucristo ay bininyagan ni Juan, at pinatotohanan Siya ng Ama at ng Espiritu Santo. Kasama rin sa materyal para sa linggong ito ang isang doctrinal mastery lesson tungkol sa paghahangad na mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Mateo 3:1–12; Marcos 1:1–8

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na pag-isipan kung paano nila tinanggap at sinunod ang Tagapagligtas, kung paano nila mapatitibay ang kanilang pangako na tanggapin at sundin Siya, at kung paano nila matutulungan ang iba na maghandang tanggapin at sundin Siya.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung ano ang gagawin at sasabihin nila upang matulungan ang ibang tao na maghandang tanggapin at sundin ang Tagapagligtas.

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Access sa mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya kamakailan

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Pagkatapos gawin ng mga estudyante ang isa sa mga aktibidad na may label na A, B, o C, sabihin sa kanila na ipakita sa pamamagitan ng pagtataas ng mga daliri kung ginawa nila ang una, pangalawa, o pangatlong aktibidad. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang natutuhan at naramdaman nila.

Lucas 3:7–14

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na mas maunawaan ang pagsisisi at ang kagalakang karaniwang naidudulot ng pagsisisi.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang kanilang saloobin at mga karanasan sa pagsisisi. Maaaring itanong ng mga estudyante sa kanilang sarili ang mga tanong na tulad ng mga sumusunod: “Anong mga damdamin o emosyon ang nararamdaman mo kapag iniisip mo ang pagsisisi? Bakit?” “Ano ang mga karanasan mo tungkol sa pagsisisi?” “Ano ang mga tanong mo tungkol sa pagsisisi?”

  • Mga Video:Maaari Tayong Gumawa nang Mas Mahusay at Maging Mas Mahusay,” mula sa time code na 00:50 hanggang 3:26, na mapapanood sa ChurchofJesusChrist.org

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Para sa Lakas ng mga Kabataan (buklet, 2011) o Mga Paksa ng Ebanghelyo, topics.ChurchofJesusChrist.org

  • Content na ipapakita: Ang mga pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Sa simula ng lesson, maaari mong gamitin ang feature sa pakikipag-chat o iba pang magagamit na teknolohiya upang maibahagi ng mga estudyante ang mga bagay na nagdudulot sa kanila ng kagalakan.

Mateo 3:13–17, Bahagi 1

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na maunawaan at maipaliwanag ang kahalagahan ng binyag sa ebanghelyo ni Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghanda para sa klase sa pamamagitan ng pag-iisip kung paano nila ipapaliwanag ang kahalagahan ng binyag sa kanilang mahal sa buhay na hindi miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong sabihin sa mga estudyante na ibahagi sa mga breakout room ang kanilang mga paliwanag tungkol sa kahalagahan ng binyag. Bibigyan nito ang bawat estudyante ng pagkakataong ibahagi ang kanyang paliwanag. Pagkatapos, sabihin sa kanila na ibahagi kung ano ang nangyari at kung ano ang naramdaman nila.

Mateo 3:13–17, Bahagi 2

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na mapalalim ang naunawaan nila tungkol sa bawat miyembro ng Panguluhang Diyos, na maaaring makaapekto sa kanilang mga pagpili sa buhay.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase nang handang ibahagi ang nalalaman nila tungkol sa Panguluhang Diyos, kung paano nila ito nalaman, at ano ang mga tanong nila.

Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 3

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng paghahangad ng katotohanan sa pamamagitan ng sources na buong pagmamahal na ibinigay sa atin ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin kung saan sila karaniwang naghahanap ng impormasyon kapag may mga tanong sila tungkol sa Diyos o sa Simbahan. Hikayatin silang pagnilayan ang pahayag na ito ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol: “Ang espirituwal na mga tanong ay nararapat sa espirituwal na mga sagot mula sa Diyos” (“Joseph Smith,” Ensign o Liahona, Nob. 2014, 28, 30).

  • Handout: “Ilang Tanong para sa Pagsusuri ng Bagong Impormasyon”