Mapa 11
Ang Banal na Lupain Noong Panahon ng Bagong Tipan
H
Susi sa Mapa 11
Hangganang Politikal
Sidon
Abilinia
Sarepta
Mga Bundok ng Libano
Damasco
Litani
Siria
Bundok ng Hermon
Pharpar
Tiro
Phoenicia
Cesarea ni Filipo
Lambak ng Huleh
Galilea
Tolemaida (Acho)
Corazin
Bethsaida
Capernaum
Cison
Cana
Magdala
Dagat ng Galilea (Cinnereth)
Bundok ng Carmelo
Nazaret
Tiberias
Bundok ng Tabor
Yarmuk
Nain
Gadara
Cesarea
Bundok ng Gilboa
Decapolis
Samaria
Salim?
Samaria
Enon?
Kapatagan ng Saron
Sicar
Bundok ng Ebal
Jabok
Joppe
Bundok ng Gerizim
Arimatea?
Ajalon
Betel
Ilog Jordan
Perea
Filadelfia
Jerico
Malaking Dagat (Dagat ng Mediterania)
Azoto
Sorek
Emaus
Betabara
Jerusalem
Bundok ng mga Olibo
Betfage
Betania
Kapatagan ng Moab
Bundok ng Nebo
Ascalon
Ela
Betlehem
Judea
Gaza
Hebron
Machaerus
Gerar
Idumea
Patay na Dagat
Arnon
Besor
Beer-sheba
Ilang ng Judea
Nabatea
Zered
Mga Kilometro
0 20 40 60
A B C D
1 2 3 4 5 6 7 8
●1
●1
●2
●2
●3
●4
●5
●6
●7
●8
●9
●10
●11
●12
●13
●14
●15
●16
●17
-
Tiro at Sidon Inihalintulad ni Jesus ang Corazin at Bethsaida sa Tiro at sa Sidon (Mat. 11:20–22). Pinagaling niya ang anak ng isang babaing Gentil (Mat. 15:21–28).
-
Bundok ng Pagbabagong-anyo Si Jesus ay nagbagong-anyo sa harapan nina Pedro, Santiago, at Juan, at tinanggap nila ang mga susi ng kaharian (Mat. 17:1–13). (Pinaniniwalaan ng ilan na ang Bundok ng Hermon ang siyang Bundok ng Pagbabagong-anyo; pinaniniwalaan ng iba na ito ang Bundok ng Tabor.)
-
Cesarea ni Filipo Si Pedro ay nagpatotoo na si Jesus ang siyang Cristo at pinangakuan ng mga susi ng kaharian (Mat. 16:13–20). Ipinahayag ni Jesus ang tungkol sa kanyang sariling kamatayan at Pagkabuhay na mag-uli (Mat. 16:21–28).
-
Dako ng Galilea Ginugol ni Jesus ang halos buong buhay niya at ministeryo sa Galilea (Mat. 4:23–25). Dito niya ibinigay ang Pangaral sa Bundok (Mat. 5–7); pinagaling ang isang ketongin (Mat. 8:1–4); at pinili, inordenan, at isinugo ang Labindalawang Apostol, sa kanilang lahat tanging si Judas Iscariote ang tila hindi taga-Galilea (Marcos 3:13–19). Sa Galilea nagpakita ang nagbangong Cristo sa mga Apostol (Mat. 28:16–20).
-
Dagat ng Galilea, di naglaon ay tinawag na Dagat ng Tiberias Nagturo si Jesus mula sa bangka ni Pedro (Lucas 5:1–3) at tinawag sina Pedro, Andres, Santiago, at Juan na maging mga mangingisda ng tao (Mat. 4:18–22; Lucas 5:1–11). Kanya ring pinayapa ang unos (Lucas 8:22–25), nagturo ng mga talinghaga mula sa bangka (Mat. 13), lumakad sa ibabaw ng dagat (Mat. 14:22–32), at nagpakita sa kanyang mga disipulo matapos ang kanyang Pagkabuhay na mag-uli (Juan 21).
-
Bethsaida Sina Pedro, Andres, at Felipe ay mga isinilang sa Bethsaida (Juan 1:44). Palihim na lumisan si Jesus kasama ang mga Apostol sa malapit sa Bethsaida. Siya ay sinundan ng maraming tao, at pinakain niya ang 5,000 (Lucas 9:10–17; Juan 6:1–14). Dito pinagaling ni Jesus ang isang bulag na lalaki (Marcos 8:22–26).
-
Capernaum Ito ang bayan ni Pedro (Mat. 8:5, 14). Sa Capernaum, na tinawag ni Mateo na “sariling lunsod” ni Jesus, pinagaling ni Jesus ang isang lumpo (Mat. 9:1–7; Marcos 2:1–12), ginamot ang isang alipin ng senturion, pinagaling ang ina ng asawa ni Pedro (Mat. 8:5–15), tinawag si Mateo na maging isa sa kanyang mga Apostol (Mat. 9:9), binuksan ang paningin ng mga bulag, nagpalayas ng diyablo (Mat. 9:27–33), pinagaling ang isang lalaking tuyo ang kamay sa araw ng Sabbath (Mat. 12:9–13), tinalakay ang tungkol sa tinapay ng buhay (Juan 6:22–65), at sumang-ayong magbayad ng buwis, inutusan si Pedro na kunin ang salapi mula sa bibig ng isang isda (Mat. 17:24–27).
-
Magdala Ito ang bayan ni Maria Magdalena (Marcos 16:9). Si Jesus ay nagtungo rito matapos pakainin ang 4,000 (Mat. 15:32–39), at humiling ang mga Fariseo at Saduceo na magpakita siya ng palatandaan mula sa langit (Mat. 16:1–4).
-
Cana Ang tubig ay ginawang alak ni Jesus (Juan 2:1–11) at pinagaling ang anak ng isang mahal na tao na nasa Capernaum (Juan 4:46–54). Ang Cana ay bayan din ni Natanael (Juan 21:2).
-
Nazaret Ang pagbati ng anghel kina Maria at Jose ay naganap sa Nazaret (Mat. 1:18–25; Lucas 1:26–38; 2:4–5). Matapos bumalik mula sa Egipto, dito ginugol ni Jesus ang kanyang kamusmusan at kabataan (Mat. 2:19–23; Lucas 2:51–52), ipinahayag na siya ang Mesiyas, at tinanggihan ng sariling kanya (Lucas 4:14–32).
-
Jerico Binigyan ni Jesus ng paningin ang isang bulag na lalaki (Lucas 18:35–43). Siya rin ay naghapunang kasama ni Zaqueo, na “puno ng mga maniningil ng buwis” (Lucas 19:1–10).
-
Betabara Nagpatotoo si Juan Bautista na siya “ang tinig ng isang nangangaral sa ilang” (Juan 1:19–28). Bininyagan ni Juan si Jesus sa Ilog Jordan at nagpatotoo na si Jesus ang Kordero ng Diyos (Juan 1:28–34).
-
Ilang ng Judea Nangaral si Juan Bautista sa ilang na ito (Mat. 3:1–4), kung saan nag-ayuno si Jesus ng 40 araw at tinukso (Mat. 4:1–11).
-
Emaus Ang nagbangong Cristo ay naglakad sa daan patungong Emaus na kasama ang dalawa sa kanyang mga disipulo (Lucas 24:13–32).
-
Betfage Dalawang disipulo ang nagdala kay Jesus ng isang asno at sinimulan niya ang kanyang matagumpay na pagpasok sa Jerusalem (Mat. 21:1–11).
-
Betania Ito ang bayan nina Maria, Marta, at Lazaro (Juan 11:1). Pinakinggan ni Maria ang mga salita ni Jesus, at sinabi ni Jesus kay Marta ang tungkol sa pagpili sa “mabuting bahagi” (Lucas 10:38–42); binuhay ni Jesus si Lazaro mula sa mga patay (Juan 11:1–44); at pinahiran ng langis ni Maria ang mga paa ni Jesus (Mat. 26:6–13; Juan 12:1–8).
-
Betlehem Isinilang si Jesus at inilagay sa isang sabsaban (Lucas 2:1–7); ibinalita ng mga anghel sa mga pastol ang pagsilang ni Jesus (Lucas 2:8–20); ang mga pantas na lalaki ay ginabayan ng isang bituin patungo kay Jesus (Mat. 2:1–12); at pinatay ni Herodes ang mga bata (Mat. 2:16–18).