Mga Tulong sa Pag-aaral
9. Templo ni Herodes


9. Templo ni Herodes

Ipinakikita ng larawang ito ang isang eskalang modelo ng templo ni Herodes gaya ng inaakalang ayos nito noong A.D. 67. Ang muog na pumapaligid sa templo at mga karatig nito ang siyang bumabakod sa santuwaryo na kinaroroonan ng Pinakabanal na Lugar, ng banal na lugar, at tatlong malalaking bulwagan.

Mahahalagang Pangyayari: Iniharap nina Jose at Maria ang sanggol na si Jesus sa templo (Lucas 2:22–38). Ang Tagapagligtas ay nagturo sa templo sa gulang na 12 (Lucas 2:41–46). Ipinagtabuyan ng Tagapagligtas ang mga mamamalit ng salapi sa templo (Mat. 21:12–13) at iprinopesiya ang pagkawasak ng templo (Mat. 24:1–2). Isang templo sa hinaharap ang itatayo sa Jerusalem (Ez. 40–48; Zac. 8:7–9). (Tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Templo, Bahay ng Panginoon.”)

Larawan 9

9. Templo ni Herodes Itinuturing ang modelong ito bilang wastung-wastong eskalang kopya ng sinaunang templo.