Mga Tulong sa Pag-aaral
27. Nazaret


27. Nazaret

Ang tanawing ito ng makabagong lunsod ng Nazaret ay tumatanaw patimog. Ang Nazaret ay isang maliit na nayon noong panahon ng biblia.

Mahahalagang Pangyayari: Nakita ni Nephi sa isang pangitain ang ina ng Tagapagligtas sa Nazaret (1 Ne. 11:13–22). Sinabi ng anghel na si Gabriel kay Maria na siya ang magsisilang sa Tagapagligtas (Lucas 1:26–35). Sinabi ni Gabriel kay Jose na kuning asawa si Maria at pangalanan ang kanyang anak na Jesus (Mat. 1:18–25). Lumaki si Jesus sa Nazaret (Mat. 2:19–23; Lucas 2:4–40; 4:16). Ipinangaral at ipinahayag niya sa sinagoga na siya ang Mesiyas (Lucas 4:16–21), subalit siya ay hindi tinanggap ng mga tao ng Nazaret (Mat. 13:54–58; Lucas 4:22–30).

Larawan 27

27. Nazaret Sa bayang ito lumaki sa kahustuhang gulang si Jesus.